Kabanata 56 "Thanks, God! The baby is fine," narinig kong saad ni Bella pero alam kong hindi ako ang kinakausap niya. "Ang sabi ng doctor kailangan niyang lumayo sa stress. Mabuti na lang mahigpit ang kapit ng bata," nag-aalalang sagot naman ni Katya. Napangiti ako dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam na narito pala ito ngayon. Hindi ko narinig ang boses ni Mama marahil ay sila lang dalawa ang nasa silid. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang puting dingding. Marahil ay gabi na dahil dim lang ang ilaw sa loob. Hinaplos ko ang tiyan ko at huminga nang malalim. Unti-unti na naman uminit ang sulok ng aking mga mata nang maalala ang sinabi ni Mama sa akin. Alam kong magagalit sila kapag nalaman nila ito. "Hanggang ngayon, hindi pa r

