Kabanata 55 "You can stay here, if you want," malamig na sambit nito. Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa malapad na likod nito. Sa mismong entrance kami lumabas ng function hall. Sinundan ko ito na nagtungo sa lobby kung saan walang tao dahil nasa loob ang lahat ng guest. Lumabas ito sa balcony at ilang ulit na tinadyak ang railings. Ramdam na ramdam ko ang galit nito. Marahan kong hinawakan ang tiyan ko at hindi mawala ang tingin sa kanya. Maybe this is the right time for me to tell him the truth. Hindi ko na kaya pang itago ito sa kanya. "Al-Alfred..." Lumakad ako palapit sa kanya at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Halos malula ako sa sobrang taas nito. Ngunit dahil gabi na ay ang mga ilaw sa bawat palapag ng mga gusali lang ang aking nakikita. Huminto a

