Kabanata 62 "After you give birth, let's face your family." Nanigas ako sa sinabi nito at tumingin sa kanya na seryosong nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan sa sinabi nito dahil baka ito na naman ang maging rason kung bakit ako mapalayo sa kanya. At baka sa pagkakataon na ‘yon ay hindi ko na siya muling makita. "They can't take you away from me. I wanna assure you that," sagot nito sa nagtatanong kong mga mata kasabay ng pagdilim ng mukha nito. Huminga ako nang malalim at biglang nanuyo ang lalamunan ko nang naalala si Mama at kung gaano ito kagalit na galit sa kanya. Alam nito na hindi pabor sa kanya si Mama. After what she did to him in the hospital, he still wants to meet them. "Bu-But they're mad at me. Sigurado ako ro'n." Huminga muli ako nang malalim at takot na tumingin s

