Kabanata 63 Nagising ako na wala na ito sa tabi ko. Nagtaka ako bigla dahil kahit maaga itong nagigising ay hindi ako nito iniiwan sa kwarto. Inikot ko ang paningin ko sa buong silid ngunit wala ito. Tahimik din at wala akong ingay na naririnig mula sa banyo. "Rage?" marahang tawag ko sa kanya at biglang kinabahan. Hindi kasi ako sanay na ganito. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palabas ng kuwarto dahil baka nagtungo na ito sa kusina. "Nagmukha akong tanga, Rage! Naghintay ako nang ilang oras sa airport! Tapos malalaman ko na kasama mo siya rito?" Umawang ang labi ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Ava na galit na galit. Malakas ang boses nito kaya mula rito ay rinig ko ang sigaw niya. Kumabog ang dibdib ko at naglakad palapit sa kanila. Huminto ako kung saan natatakpan ako

