Espesyal na Kabanata 5 Flashback Rayleigh "Rage" Silverio Point of View "Su-Sure." Hindi ko alam kung para saan 'tong kabang nararamdaman ko. Lumunok akong muli at yumuko. "He-Here..." Inabot nito sa akin ang isang cookie na nakabalot sa isang puting tisyu at nahihiyang umupo sa aking harapan. "Here's the criteria." Pamilyar ang mukha nito at hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Kinain ko ang ibinigay nito at napahinto ako nang maalala si Mama. Kapag sumasapit ang kaarawan ko ay ginagawan nito ako ng cookies dahil alam nito ang paborito ko. Sumulyap ako sa kanya na biglang umiwas ng tingin. Sumulyap ako sa papel na ibinigay nito at kinuha ang ballpen ko. Hindi na ako nag-isip pa sa ibibigay kong grado para sa kanya. "Oh my gosh! Did you really mean it?" Napahinto ako nang ma

