Espesyal na Kabanata 4 Flashback Rayleigh "Rage" Silverio Point of View "I don't want to see this face again!" Isang malakas na sigaw na narinig ko mula sa bibig ni Lolo, ang ama ni Papa. Kasabay nang pagtulak nito sa akin sa sahig. "Poncio!" sigaw ni Yaya Paz sa kanya. Napadapa ako at mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko at hindi tuluyang tumama ang ulo ko sa sahig. Tiim bagang ako at huminga nang malalim. “Lo-Lolo?” Naguguluhan ako sa nangyayari. "Because of this stupid kid. I lost my only son!" nanggigigil at galit na sigaw nito. "'Wag mo ring kakalimutan na apo mo siya, Poncio! Nag-iisang apo! Huwag mo siyang sisihin sa nangyari sa mga magulang niya. Hindi natin lahat ginusto ang mga bagay na ‘yon.” Wala akong emosyong umupo sa sahig at naramdam

