Alfredo "Alfred" Montenegro III I woke up when I felt that someone was poking my shoulder. "Hey!" Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses nito. "Do you wanna eat?" naiinis na saad nito Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at sumalubong sa akin ang naiinis na mukha nito. Kumirot ang ulo ko sa sakit. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko at mabilis na tumayo. "Sh*t!" napamura ako nang bigla akong mahilo sa aking ginawa. Nilibot ko ang paningin ko sa hindi pamilyar na lugar. Hindi ito ang hotel na tinitirahan ko ngayon. Umigting ang panga ko at marahas na umupo sa kama. Lumayo ito sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Huminga ako nang malalim at nilibot muli ang tingin sa malawak na silid. Tumayo ako sa kama at tumingin sa kanya. "I don't know how I ended here.

