Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagpanood ang video sa cellphone ko.
Gusto kong ialis ang mga mata ko pero hindi ko magawa dahil sa lalakeng bida ng video na iyon.
It was Victor.
My boyfriend.
Ang lalakeng pakakasalan ko sana ngayong araw.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Naka-make-up na kasi ako at wedding dress. Ito sana ang pinakamasayang araw ko, pero bigla iyong nagbago.
“Ma’am? Are you okay? Nasa simbahan na po tayo."
Para akong biglang natauhan noong marinig ko ang driver. Pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na pala kami ng simbahan. Kinakatok na rin pala ako ng wedding manager naming si Clarisse.
Nasa simbahan na ako. Pero paano ko pa matutuloy ang kasal kung kakapanood ko lang sa fiancee ko na may kasiping na iba?
Tuluyan nang nabuksan ni Clarisse ang pinto ng kotse.
"Belinda–oh my god! Why are you crying?! Your make up is now ruined!” gulat na tanong ni Clarisse.
Pero hindi ko siya masagot. Mas lalo lang akong napaiyak.
How could Victor do this to me?
Akala ko ba ay mahal niya ako? Ni hindi niya nga ako ginagalaw daw nga malaki raw ang respeto niya sa akin. O talagang pinagloloko niya lang ako?
Tuluyan na ba niyang naisip na mas pinipili niya ang mga magulang kaysa sa akin?
Ayaw kasi ako ng pamilya niya dahil sa estado ng buhay namin. Mayaman kasi ang angkan ni Victor. Sila ang may-ari ng halos kalahati ng Sanceldo.
Habang ako? Isang factory worker lang sa isang kompanya nila.
Mahirap at hindi nagmula sa mayamang angkan.
Magkaklase kasi kami noong college kaya magkakilala rin talaga kami.
Nagbago na ba talaga ang kaniyang isip?
“Halika na! Naghihintay na ang mga bisita sa loob, Belinda!” sabi ulit ni Clarisse. “Diyos ko! Ano bang nangyayari? Pati ang groom ay wala pa!”
Lalo akong nanghina noong marinig ko iyon.
“Ano’ng sabi mo? Wala pa si Victor?” tanong ko.
“Yes! Sinusubukan naming tawagan siya pero hindi sumasagot.”
Nag-panic na ako. Pinahid ko ang mga luha ko at tiningnan ang driver.
“Kuya, sa mansyon po ng mga Benitez.”
“Huh? Sandali, Bel! Saan ka pupunta? Paano ang kasal mo?” pigil ni Clarisse.
Tiningnan ko siya. “Hindi rin naman ako makakasal kung wala ang groom ko.”
Napamaang si Clarisae. Bago pa siya ulit magsalita ay sinabihan ko si kuya na umandar na ulit.
Habang nagbabyahe kami ay panay dasal ko na sana mali lang ang mga nangyayari. Na baka may magandang rason lang si Victor. Baka hindi pa na plantsa ang tuxedo niya kaya late siya. O kaya baka edited ang video na napanood ko ngayon.
Sana panaginip lang ito.
Pagdating ko sa mansyon nila ay agad akong bumaba ng kotse. Habang hila-hila ang traje de boda ko ay tinakbo ang gate nila. Pero doon pa lang ay hinarang na ako ng mga guard nila.
“Hindi ka pwedeng pumasok, Ms. Jimenez. Pasensya na.”
Pilit kong pinatapang ang mukha ko.
“K-Kailangan kong makausap si Victor, Kuya. Please! Pakisabi na kasal namin ngayon! Nasaan na siya?”
“Wala si Sir ngayon dito. Kahapon pa umalis. Kasama nga niya ang mga magulang niya.”
Natigilan ako. “Ha? Saan naman sila pumunta? Kasal namin ngayon ni Victor, Kuya. Magkausap pa lang kami kaninang umaga!”
Umiling si Kuyang Guard. “Pasensya na, Belinda. Wala talaga sila ngayon. Pumunta silang abroad para daw magbakasyon. Ayaw ko naman mawalan ng trabaho kaya hindi kita mapapasok.”
Tuluyan na akong nanghina.
Wala na si Victor.
Umalis na siya.
Sa mismong araw ng kasal namin.
Paano niya nagawa ito sa akin?
Akala ko ba ay mahal niya talaga ako? Akala ko ay tanggap niya ako.
Pero bakit bigla siyang nawala?
Bakit bigla niya akong iniwan?