Naging usap-usapan sa buong Salcedo ang nangyari sa kasal namin ni Victor. Halo-halo ang kanilang mga opinyon.
Mayroong mga naawa sa akin. Mayroon namang mga ako pa ang sinisi.
Masyado raw kasing mataas ang pangarap ko sa buhay. Alam ko naman daw na napakalayo ng agwat namin ni Victor, pero talagang umasa pa ako na mamahalin niya ako nang totoo.
Oo na. Siguro ay umasa talaga ako. Pero ramdam ko. Alam ko na minahal talaga ako ni Victor. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero hindi ako nawawalan nang pag-asa na babalik siya at kakausapin ako.
Hindi ako lumabas ng bahay ng ilang araw. Puro ako iyak. Ilang beses ko ring sinubukang tawagan si Victor pero hindi ko na talaga ito na contact.
Paminsan-minsan ay nalabas ako para dumalaw sa mansyon nila. Umaasa na baka bumalik na ito.
Pero wala talaga.
Lumipas ang mga araw. Ang mga araw na naging linggo. Ang linggo ay naging buwan. Hanggang sa lumipas ang tatlong taon.
Tuluyan na akong nawalan nang pag-asa ata pilit na inayos muli ang buhay ko.
Nagtrabaho akong muli upang may maipangtustos sa pamilya ko. Matatanda na sila Inay at Itay. Nag-aaral pa si Junjun. Ako na lang ang inaasahan nila. Kaya kahit masakit pa rin ang aking puso at gustong-gusto ko nang bumitaw ay kinailangan ko na ulit magtrabaho.
“Bel! Naku! Nandiyan na naman si Sir Mike!”
Napatingin ako kay Andrea, ang best friend ko. Parehas kaming nagtratabaho ngayon sa kompanya ng mga Benitez.
Oo, dito pa rin ako nagtrabaho dahil halos lahat naman ng kompanya dito sa Salcedo ay ang mga Benitez ang may-ari.
Naiikot ko ang aking mga mata. “Ano ka ba, Andeng? Trabaho ang asikasuhin mo!” saway ko sa kaniya.
Napalabi si Andrea. “Ano ka ba? Three years ka nang single. Tsaka si Sir Mike na ‘yan, oh? Ayaw mo pa ba?”
Napailing na lang ako habang nakangisi nang kaunti.
Si Sir Mike, ang manager namin. Matagal na kasi itong nagbabalak na manligaw sa akin.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang umoo sa kaniya. Gwapo naman si Sir Mike. Matipuno rin ang katawan at may matangos na ilong. Higit sa lahat ay mabait ito.
Pero hindi pa talaga handa ang puso ko.
“Sabi ko naman sa ‘yo na ang focus ko ngayon ay ang magpayaman! Saka na ‘yang mga lalakeng ‘yan!” sabi ko na lang.
“May lalake ka na?"
Natigilan ako noong marinig ko ang boses ng isang lalake. Pag-angat kong muli ay nakita ko ang gwapong mukha ni Sir Mike.
Napakurap-kurap ako. Nakita ko pa si Andrea na nakangisi nang malapad sa likuran ni Sir Mike.
‘Itong babaeng ‘to talaga!’
Nag-aalinlangang ngumiti ako.
"Huh? Wala, Sir! Itong si Andrea kasi. Pinagti-trip-an ako.”
Natawa si Sir Mike. “Here."
May inilapag itong cup ng kape na nabili niya sa labas. Naamoy ko agad ang aroma ng paborito kong flavor. Mocha coffee.
Pero hindi ko agad iyon hinawakan kasi nahiya ako kay Sir. Palagi niya kasi ako dinadalhan nito tuwing umaga kahit sinasabihan ko nang hindi na kailangan.
“Naku, Sir! Bakit nag-abala ka pa? Okay na naman po ako.”
Umiling si Sir Mike. “It’s okay. Tsaka binigyan ko rin ang lahat. Today is a special day.”
Napatingin ako sa ibang mga kasama ko. May isa kaming katrabaho na naglalapag ng kape sa lamesa ng teammates namin.
Napangiwi ako nang kaunti. Masyado ata akong nagi-expect palagi.
“Special day? Bakit po, Sir? Tambak na naman ba ang trabaho namin?" pabirong tanong ko.
"Hindi naman. Pero dadating kasi ang bagong CEO ng company ngayon. So, we need to impress him. And I am expecting that you all will do good, okay?”
Inilibot ni Sir ang paningin niya sa amin.
“Yes, Sir!" sabi ng isa naming team.
Nagpalakpakan pa ang iba.
"Team Mike all the way!” sigaw ng isa.
Napuno saglit nang tawanan ang silid namin. Itinaas ni Sir Mike ang kamay niya at unti-unting humupa ang ingay.
Ako naman ay napapangiting kinuha ang kape na ibinigay ni Sir. Deserve naman niya ang recognition.
Mabait na boss at may care sa kaniyang mga tao. Kahit pressured sa trabaho ay never pa kaming nakarinig ng mga masasakit na salita.
“And you, my best employee.”
Tumingin sa akin si Sir Mike. Napaupo agad ako nang maayos.
“Ikaw ang magto-tour kay Mr. Benitez sa buong company. Okay lang ba?”
Bigla akong natigilan noong marinig ko ang binanggit niyang pangalan.
“B-Benitez? Isa sa mga Benitez ang bagong CEO?” tanong ko.
Bahagyang nangunot ang noo ni Sir. “Well… I’m not sure. Hindi ko pa siya nakikita, actually. So, it’s okay?”
Pinilit ko na lang ngumiti at marahang tumango.
“O-Of course, Sir.”
Bakit bigla akong kinabahan?