Hindi na ako mapakali magmula noong mag-announce si Sir Mike.
Pakiramdam ko kasi ay may paparating na na namang delubyo sa buhay ko. At sigurado ako na hindi ko naman iyon magugustuhan.
Tanghali noong biglang lumabas si Sir Mike sa office niya.
“Come on, Guys! Mr. Benitez is coming up already!” masayang anunsyo nito.
Lahat kami ay napatigil sa kaniya-kaniyang ginagawa. Pinatayo kami ni Sir Mike at pinalinya sa may elevator.
“Inaasahan kita ngayong araw, Bel. Okay lang ba?” bulong ni Sir Mike sa akin.
Napangiwi ako. “S-Sure, Sir! I’ll do my best!" sagot ko.
Kahit na deep inside ay parang gusto nang sumabog ng dibdib ko.
Kilala ko ang halos lahat ng mga Benitez dahil ilang taon din akong naging nobya ni Victor. At siya lang ang alam kong Benitez na wala ngayon sa Salcedo.
Pero sana hindi nga siya ito. Sana iba ito.
Tinapik ni Sir Mike ang balikat ko. Ilang sandali pa ay tumunog na ang elevator. Hudyat na bubukas na ang elevator.
At doon ay parang tumigil ang mundo ko.
Dahan-dahang bumukas ang pinto. Hindi pa man nakakababa ang sakay noon ay naamoy ko na ang gamit nitong pabango.
Pabango na hanggang ngayon ay hindi ko pa nalilimutan. That minty smell na nanunuot talaga sa utak ko.
Lumabas muna sa elevator ang isang lalake na nakasuot ng formal suit. Matangkad. Malinis ang gupit ng buhok. At matipunong katawan. Something na talagang hahabulin ng kahit na sinong babae.
Oh how I miss that face.
Pero sa kabila noon ay muli akong nakaramdam ng kirot noong unti-unti kong na alala ang mga nangyari noon.
It was Victor Benitez. Si Victor ang bago naming CEO.
Nangilid agad ang mga luha ko at napatitig lang sa kaniya.
Sinubukan ko talagang pigilan ang sarili ko na lapitan siya at biglang yakapin. Sa kabila kasi ng mga nangyari ay hindi ko maitatanggi na na-miss ko rin siya nang sobra.
Naramdaman kong marahang siniko ni Andrea ang tagiliran ko.
“Bel… Hindi ba si Ex mo ‘yan?” ani Andrea.
Napakurap-kurap ako. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.
“H’wag ka maingay, Andeng. Nasa trabaho tayo,” saway ko sa kaniya.
“Mr. Benitez! Salamat at nakarating na kayo!”
Lumapit agad si Sir Mike kay Victor at nakipagkamay dito.
“How’s your flight, Sir?”
“Well… it was good. But I still have jet lag, I guess. I couldn’t sleep last night,” tugon ni Victor.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya.
Kagabi pa pala siya narito. Pero ni hindi manlang niya ako naisip na hanapin. Talaga bang kinalimutan na niya ako?
“Anyway, this is my team, Sir. And we will be working with you,” pakilala ni Sir sa amin.
Agad na bumati ang ibang mga katrabaho ko sa kaniya. Pero ako ay nanatiling nakatingin sa gilid. Hindi ko magawang matingnan siya dahil para na akong mauubusan ng hininga sa bilis nang pagtibok ng puso ko.
Kaya nagulat ako noong bigla akong hinawakan ni Sir Mike sa braso at hinila palapit kay Victor.
“And this is Belinda. She will tour you around.”
Bigla akong nanigas noong mapalapit ako ulit kay Victor. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis nang pagtibok niyon.
Tumingin ako kay Victor. Nakatitig na rin siya sa akin. Pero mayroong kakaiba roon.
The grey eyes that looked at me full of love and kindness before. Now it was icy and cold. Na para bang hindi niya ako kilala.
“Belinda?" ani niya pa.
"Yes, Sir. Belinda is my best employee here.”
Tumango si Victor. Then he smirked.
“Okay. Then she will be my secretary."
Napamaang ako.
Seryoso ba siya?!