Dominick Pov.
Tok....,. Tok ....... Tok ......
Nakangiti akong tumungo sa may pintuan ng marinig ko ang mahinang pagkatok,
Halos abot Hanggang tainga Ang ngiti ko ng mahawakan ko na Ang doorknob ng pinto, sa pag aakalang Ang girlfriend ko Ang mabungaran ko,
Ngunit Ang kaninang ngiti ko ay napalitan iyon ng kaba at takot, dahil sa diko inaasahang tao sa aking harapan Ngayon,
Kita ko ang nagbabaga nitong mga mata, dahil sa galit na nakikita ko roon, siguro kung nakakasunog Ang tingin nito ay kanina pa ako dito naging abo sa kinatatayuan ko,
Imbis na tumingin sa kanya ay agad napayuko, naginginig Ang buong katawan ko, hindi rin maigalaw ang mga paa ko, pati yata dila ko nalunok kuna na rin, dahil wala man lang salitang gustong lumabas sa bibig ko, napakalalaki Kong tao pero napakaduwag ko pag siya ang kaharap ko,
Kahit nakayuko ako ay ramdam ko parin ang presinsya nitong Nakatingin lang sa akin, at alam kung galit na galit ito,
So.... Kaylan pa ito nagsimula? Galit ang boses nito ngunit pilit niyang pinapakalma ang tono ng kanyang pagkakasabi,
A.....an....tie..... pautal-utal kong sabi sa kanya.
patawa.......
Pakk...........
Hindi ko natapos ang Sasabihin ko ng may biglang palad ang dumapo sa pisngi ko,Isang malakas na sampal Ang tumama sa aking kaliwang pisngi dahilan para maipilig ko ang aking mukha sa kabila,.
Alin ba sa mga sinabi ko sayo Ang hindi mo naintindihan ha, pasigaw nitong Singhal sa akin,
Antie..... Mahal na Mahal ko po ang anak niyo, halos gusto ko nang sumigaw, dahil sa wakas ay hindi ako nautal sa sinabi kong Mahal na Mahal ko ang anak niya, habang nakayuko parin,
Haa!!!.... Anong karapatan mong sabihin yan sa harap ko galit nitong saad sa akin,
Pagkatapos mong ibahay dito ang anak ko, habang nag aaral siya dito,.
Sinabi ko sayo na layuan mo ang anak ko, pero hindi mo iyon ginawa, sa halip pinupuntahan mo siya dito para ipagpatuloy mo ang pakikipag kita sa anak ko,
Uulitin ko sa iyo ito, LA.. YU..AN.. MO..ANG... A... NAK...KO...
pagpapantig pantig nito sa salitang layuan mo Ang anak ko.
Antie patawarin niyo po ako, kung hindi ko po sinunod Ang sinabi niyo, pero Mahal ko po talaga si Lyn. handa po akong gawin ang lahat para sa kanya. kahit po habang buhay akong hihinge ng kapatawaran sa ginawa ko gagawin ko po iyon, para sa kanya, huwag niyo lang pong ilayo si Lyn, mahina at nginig Ang boses Kong saad sa kanya,
Haa.... At paano kung ayaw ko, paano kung gusto ko siyang ilayo sayo, sense na hindi mo sinununod Ang mga gusto ko, at Saka Isa pa may lalaki ng nakatadhana para sa anak ko,
Paulit-ulit na nag replay sa utak ko Ang salitang iyon, hindi iyon matanggap ng aking pandinig, dahil para itong nag eecho sa aking tainga,
May lalaki ng nakatadhana para sa anak ko......
May lalaki ng nakatadhana para sa anak ko......
May lalaki ng nakatadhana para sa anak ko......
May lalaki ng nakatadhana para sa anak ko......
May lalaki ng nakatadhana para sa anak ko......
May lalaki ng nakatadhana para sa anak ko......
Ang kaninang nanghihina kong mga paa ay tuluyan nang nanlumo dahil sa narinig ko mula sa kanyang Ina,
Siguro naman narinig mo ang sinabi ko, kaya kung maaari layuan mo na ang anak ko, haa... Dahil next week darating na dito ang mapapangasawa ng anak ko. Anito sabay talikod at nagmamadaling umalis.
mas lalo akong nawalan ng balanse sa aking katawan, napaluhod ako ng wala sa Oras. At doon ko na pinakawalan Ang mga luhang kanina ko pa Pinipigilan na lumabas, lalaki ako, pero umiiyak ako ngayon, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Wala na akong lakas para tumayo at lumakad.
Yon ba ang dahilan kung bakit ayaw nila sa akin,? alam Niya na ba na may lalaking nakatakdang ipakasal sa kanya Ang kanyang mga magulang?
Kung alam niya ito, bakit hindi niya man lang sinabi sa akin? aniko sa aking sarili.
Maraming Tanong sa isip ko, at kaylangan naming pag usapan ito,
Bahala na kung anong mangyari pero hindi ako papayag na mangyari ang gusto nila, gagawin ko ang lahat, ipaglalaban ko siya kahit na anong mangyari, bahala na pero nakapagdesisyon na ako, ganon ako kabilis mag desisyon, sa ngayon ang sagot niya na lang ang kaylangan kong marinig.
Bahala na si batman sa Amin,agad kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table ng kwarto ko, at mabilis na dinayal Ang number nito, pero lalo lang akong nanghina ng ilang beses na itong nag riring ngunit wala itong sumasagot,.
Ano nang gagawin ko, natataranta kong kinuha ang hoodie jacket ko na nakalagay sa kama ko at mabilis na tinungo ang pintuan palabas ng kwarto ko,
Kaylangan naming mag usap, kaylangan ko ang sagot niya bago ako gagawa ng hakbang para sa amin,
Hindi pweding iiyak lang ako dito at mag hintay na darating siya, dahil alam ko sa pagkakataong ito, ay nagbabalak na silang ilayo sa akin ang babaeng pinakamamahal ko, bagay na hindi ko hahayaang mangyari,
Mabilis akong nakarating sa BH nila ng Kaybigan nitong si Jennie, ngunit pati ang kaybigan nito ay wala din doon, saan ba sila nagpunta, lakad patalikod ang ginawa ko, kahit nanghihina ang aking mga paa ay pilit kong nilalabanan iyon, dahil ayaw kong panghinaan ng loob, kaylangan kong maging malakas at magpakatatag dahil wala akong ibang aasahan dito kundi ang aking sarili,
Wala sa sarili kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon, at agad denireck call Ang Numero nito, pero hindi ko namalayan na may luha na palang bumagsak sa pisngi ko, nang marinig ko ang salita ng kabilang linya,
Out of coverage siya, kung ganon naka off na rin ang cellphone nito,
Paano na? Ano nang gagawin ko?,
Dom,!,, Napaigtad ako ng may maramdaman akong braso na dumantay sa aking balikat,
What happen?, Nag aalala nitong tanong sa akin, Saka ko palang napagtanto kung sino ang nasa harap ko, ng lingunin ko ito, ay malamlam din ang matang tumingin sa akin, parang galing din ito sa iyak,
Marvin Ikaw pala,! Wala sa sarili Kong saad Dito.
Anong problema? Tanong nito,
Hayyyts.... Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko, umiyak ka din?, Nag aalalang Tanong ko dito,. Sinadya Kong ibahin Ang usapan, pero parang pinagsisihan ko pa Ang sinabi ko, Dahil napansin nito ang namumula kong ilong at mata...
Tst... Ikaw din kaya..... Anito sa akin saka umupo sa may bato sa tapat nito, habang ako ay nakatayo lang sa may bandang gilid niya,
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita, hinahanap mo ba siya? Tanong nito, saka tumingala sa akin, Wala sila dito, umuwi sila ng Isla, aniya, sabay tayo, saan mo gustong pag usapan ito,? Dito na ba tayo gagawa ng Plano?
Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi, walang salitang lumabas sa bibig ko at lumakad ako, at sininyasan itong sumunod na lang,
Nang makarating kami sa Bahay ko,
Oo Tama kayo bahay ko, I mean bahay pala namin ni Lyn, nabili ko na Ang lupang kinatitirikan ng Bahay na tinutuluyan ko Dito, habang nandito ako, binili ko Ang lupa at bahay na ito para sa kanya, at nakapangalang na rin ito sa kanya, katunayan ito talaga ang dahilan ng pag uwi ko nong mga nakaraan, ito ang balak Kong iregalo sa kanya sa graduation niya. Pinangako ko sa sarili ko na bibilhin ko ito, dahil sa totoo lang ito ang pinaka memorable para sa akin, sa tanang Buhay ko, dito sa Bahay na ito Ako naging kumportable at naging masaya, at dito rin sa Bahay na ito naging kompleto ang pagkatao ko,
Anong gusto mong inumin?, Tanong ko sa kanya ng Maka upo na ito sa upuan,
May alak ka ba dyan? Tanong nito na hindi tumitingin sa akin,
Mayron!, Maikling ani ko, saka tumungo sa kusina at kumuha ng anim na bote ng red horse na 500ml lang, at kumuha din ako ng pweding mapulutan, tamang Tama lang dahil hindi pa pala nababawasan ang niluto Kong adobong karneng manok, Saka ko lang naalala na hindi pa pala Ako nakapag almusal, nawala na kasi sa isip ko Ang pagkain, Saka wala din akong ganang kumain,
Bumalik ako sa sala at nakita ko itong tumitingin sa cellphone nito, tumikhim ako ng bahagya para maramdaman nito ang presinsya ko,
Hindi mo siya makuntak? Aniko sabay abot ng bote sa kanya, at inilapag Ang iba pang dala ko sa lamesa,
Tumango lang ito saka kinuha ang boteng hawak ko,
Hindi mo rin siya makuntak? Tanong nito sa akin na agad ko ring ikinatango,
So, same us,,,,, pareho ba tayo ng problema,? Anito, na ikinakunot ng noo ko, paano kami nagkapareho ng problema ng mukong na to, samantalang siya Ang problema sa kanya ni Jennie ay dakilang playboy ito,
Huwag mo akong kunutan ng noo mo Dyan, dahil alam ko kung anong problema mo,
So hindi ko alam na dakila kana palang manghuhula ngayon huh,, pang aasar ko dito, dahilan para magpantay ang kilay nito,
Anong balak mo?, Anito, sabay tungga ng bote,
Hindi ko alam kung dapat ko siyang pagkatiwalaan, natatakot akong sabihin sa iba ang Plano ko, baka kasi malaman nila Ang balak Kong itanan na lang siya,
Oo Tama kayo itatanan ko na lang siya, ito na lang choice ko, dahil alam kong Kahit na anong gawin ko ay hindi parin nila ako magustuhan,
Ikaw? Anong problema ninyong dalawa ni Jennie,?
Diba sinabi ko naman sayo na same problem tayo, naiiritang Sabi nito,
So ibig sabihin Hindi ka rin nila gusto?, Aniko,
Tumango lang ito saka umayos ng upo,
So, same us,,,, pa talaga tayo ha,,, hindi ko mapigilang hindi matawa, akalain mo yon, magkaibigan talaga sila, siguro mag kamag anak din Ang parents nila, Kasi parang pareho Sila ng pag uugali,
I don't think so,,, taas kilay nitong saad,
Sumiryuso Ako sa pagkakataong yon,
Ikaw, ba anong balak mong gawin sa kanya, aniko sa kanya, na sa tingin ko ay nag iisip pa ito kung anong gagawin nito,
Balak ko siyang itanan........
Ako din itatanan ko siya,.....
Sagot niya na lang Ang hinihintay ko, kung papayag ba siya o hindi,, aniko,
Sapalagay ko naman papayag siya, anito,