Busy ang lahat, para sa preparation for graduation,. maliban sa amin ni Jennie na best friend ko, parehong hindi kami mapakali, hindi dahil sa graduation namin, kundi sa dahil dalawang taong importante sa buhay namin,
Bestie handa kana bang iharap sa parents mo si Marvin, aniko habang umiinom ng tubig, dahil kakatapos lang naming kumain ng almusal.
Oo bestie, handa na akong ipakilala siya sa parents ko, ani Jennie, Habang lumalapit sa gawi ko at umupo sa aking tabi,
E Ikaw ba? Anong Plano mo sa inyo ni Dom, tanong nito ng makaupo na ito,
Ewan best, hindi ko alam, sa ngayon Kasi naguguluhan ako, gustong gusto ko siyang ipakilala sa parents ko bilang boyfriend ko, kaso papano ko gagawin iyon, e sa umpisa palang alam ko na ayaw nila sa kanya, paano pa kaya ngayon,
Curious lang ako bestie, bakit ayaw ni tita Sarah kay Dom, kung titingnan maayos naman si Dom, wala namang kulang sa kanya, kompleto naman siya, walang diperinsya sa pag iisip, may pinag aralan, nakapagtapos nga ng architect, may stable na trabaho at may sarili business, oh diba! Sobrang nakakaproud na magkaroon ng manugang na tulad ni Dom,
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, hayyyts...Best hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mong yan, dahil ako mismo ay hindi ko alam Ang dahilan kung bakit ayaw nila kay Dom,
Marghielyn/Jennie!,,,, napalingon kami pareho ni Jennie ng may tumawag sa pangalan namin mula sa likod ng pintuan ng BH namin
Nanlaki ang mga mata namin ni Jennie ng magtagpo ang aming paningin,
Nay! / Ma! sabay naming usal ni Jennie ng may pagtatakang tumingin sa mga magulang namin, ano pong ginawa mo dito Ma? -jenne
Bakit po kayo nandito Nay? nagtataka Kong ani sa nanay ko,
Magligpit ka, uuwi tayo ng Isla,
Po!,,, gulat kong sabi, Uuwi po ako ng Isla?bakit naman po, nagtatakang tanong ko sa nanay ko,
Ikaw din Jennie magligpit ka uuwi ka rin ng Isla, Ani mama ni Jennie, na ikinabaling naman ng tingin ko Kay tita Jona,
Ano pang hinihintay niyong dalawa Dyan,? Naiiritang Sabi ni Nanay na matalim Ang tingin na pinukol sa akin,
Nay alam niyo naman pong nagpapractice kami, for our graduation, kalmadong sabi ko,
Alam ko,,pero hindi practice ang pinunta niyo dito, kundi ang maki.,.......
Hind natapos ang Sasabihin ni tita Jona ng mag ring ng sabay ang cellphone namin ni Jennie,
Huwag niyong sasagutin yan. Nagtataka kaming lumingon sa nanay namin, ng akma na sana naming kukunin Ang cellphone na nakalagay sa lamesa, para sagutin ito,
Nagpalitan naman kami ng tingin na dalawa ni Jennie na sobrang nagtataka sa ikinikilos ng mga nanay namin, ni Hindi namin mawari Ang nais nilang sabihin,
Akin na ang cellphone mo Marghielyn, Ani nanay ko, sabay hablot ng cellphone ko na ngayon ay nasa kamay ko na.
Alam kong si Dom ang tumatawag, paano ko siya matatawagan mamaya, kung hawak ni Nanay Ang cellphone ko,
Tiningnan ko naman si Jennie na ngayon ay hawak na rin ni tita Jona ang cellphone nito,
Segi na magsipagligpit na kayo, maghihintay kami sa aplaya,.sabay talikod sa amin, at nang malapit na sila sa tapat ng pinto, bumaling bigla si tita Jona sa amin at matalim niya kaming tiningnan na dalawa,
Mayron lang kayong 5 minutes para magligpit ng mga gamit niyo,
Tiningnan ko ang wristwatch ko, mag aalas nwebe palang ng Umaga,
Dali-dali kaming nagtungo sa kwarto namin para magligpit,
Best may idea kaba sa namgyayaring ito?, Nakamuwestrang pa ang kamay na tanong ni Jennie sa akin,
Best hindi ko alam, at mas lalo akong walang idea tungkol dito., Aniko, sabay tinungo ang bedside table sa tapat ng kama namin,at kumuha ng papel at ballpen,
Mauna ka nang magligpit, aniko saka umupo sa upuang plastic, at nagsimula ng gumawa ng letter para Kay Dom at ng matapos ko na Ang pagsulat, agad kong binigay kay Jennie ang ballpen at papel,
Tapos ka ng magligpit?tanong ko dito, at marahan naman siyang tumango,
Oh Ikaw naman dito, at ako naman Ang magliligpit ng akin,
Sinong magbibigay nito sa kanila bestie, nahinto ang pagliligpit ko ng gamit ko at sandaling nag isip muna,
Oo nga noh,, aniko, sabay dampot ng iilang damit at inilagay sa bag ko,. Huwag mo munang problemahin yan, may naisip na ako kung paano yan makakarating sa kanila,
Tamang Tama lang, mayron pa kaming 3 minuto pang natitira, Ganon kami kabilis mag ligpit noh, walang ka Hassle-hassle. Dali-dali kaming lumabas sa kwarto at agad tinungo ang pintuan palabas ng bahay,
Nang makalabas kami ng BH agad naming nakita ang isa sa mga kaklase namin, at ngiting abot tainga ang sayang nadarama namin, agad tinawag ni Jennie si Jonathan na kaklase namin, at kinausap niya agad ito saka inabot Ang sulat sa kaharap,
Lumingon sa gawi ko Ang best friend ko na may ngiti sa kanyang labi, at nginitian ko din siya pabalik, sabay lapit sa kanya,
Ayos na, anito, sabay kuha ng bag nito na hawak ko,
Sana makarating bestie, nag aalala kong sabi dito,
Don't worry best, sisiguraduhin daw niya na makakarating sa kanila ang sulat natin,
Salamat naman kung ganon, aniko sabay lakad,
*******
Marvin's Pov.
Naglalakad ako sa daan, patungo sa Bahay namin dito sa Isla, galing ako sa BH ni Dom at nakipag inuman lang naman Ako, para panandalian kong mawaglit ang mga iniisip ko, habang naglalakad ay iniisip ko ang plano namin ni Dom,
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may taong aayaw sa akin, lumaki kasi akong nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, walang taong hihindi sa mga kagustuhan ko, maging sila Mom and Dad ay walang magawa sa gusto ko, hinahayaan lang nila akong gawin ang mga bagay na makakapag pasaya sa akin, dahil alam nilang madali akong magsawa,
Pero ng hilingin Kong hayaan nila akong mahalin si Jennie, Saka lang sila umapila, at nag sabing Hindi nila gusto si Jennie para sa akin, pero hindi nila ako napigilan sa gusto ko at kalaunan ay hinayaan nalang nila ako, dahil ganon parin ang paniniwala nilang magsasawa naman daw ako,.
As if naman na mangyayari yon, dahil ako mismo ayaw kong mawala siya sa buhay ko, Mahal ko na agad siya, sa simula palang ng aming pagkikita, binago niya ako, kung ano ako dati, sa kanya ko lang naramdaman ang kaligayan na hindi ko pa nararamdaman kanino mang babae na naging girlfriend ko dati, kung dati ay napaka playboy ko, Hindi na ngayon, dahil sobrang loyal ko na sa kanya, dahil sa kanya lang talaga tumibok ang puso ko,
Inaamin kong womanizer at playboy ako, pero nagbago ako dahil sa kanya,
Marv's ........
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may tumawag sa pangalan ko,agad akong Napalingon sa taong tumawag sa akin
Langya namang Buhay to, kung kaylan badtrip ako saka may kakausap sa akin, aniko sa aking sarili,
Kaagad nagsalubong Ang kilay ko at kunot-noo ko itong tiningnan ng matalim, ng mapagtanto ko kung sino ang taong yon, siya lang naman ang karibal ko sa babaeng pinakamamahal ko. Ano kaya ang kaylangan nito sa akin, kunti nalang talaga masasapak ko na ito ei,
What do you need? Sarkastikong kong tanong sa taong kausap ko, ng makalapit na ito sa akin, automatic na napakuyom ang kamay ko, at nakahandang sumapak dito,
What do you need? Pag uulit ko sa tanong ko,
Wow..... Wait...... Pre,.....chil ka lang pwedi,! Anito na iniharap pa sa akin ang dalawa nitong palad, na parang susuko
Ano nga sabi ang kaylangan mo? Naiiritang ani ko dito,
Oh...... Sabay abot nito sa akin ng maliit na tinuping papel, magpasalamat ka na lang dahil binigyan ko pa ito ng Oras at panahon para lang maibigay ito sayo, oh kunin muna, galing yan Kay Jennie, pinabibigay niya sayo, at Ang Isa daw dyan ay para Kay Dominick,.
Salamat pre,,, nakangiti kong saad sa kanya, at Agad ko itong kinuha at nagmadaling lumakad pabalik sa BH ni Dom,. mamaya ko na lamang ito babasahin, kaylangan kong maibigay agad kay Dom Ang sulat galing Kay Lyn,