Dominic's Pov.
Mahal kong Dominick
Babe pasinsiya kana kung hindi ko nasagot ang tawag mo kanina, pinigilan kasi ako ni Nanay na sagutin ang tawag mo, hindi ko alam kung anong nangyayari,pero promise gagawa ako ng paraan para magkita tayo at magkausap,. Basta palagi mo lang pakatatadaan na Mahal na Mahal kita babe, ❤️
from: your babe?
Marghielyn❤️
Nakangiti kong tinupi ang sulat at idinikit ito sa dibdib ko, kung saan naroon ang puso ko, at pikit mata kong ibinulong ang katagang, I love you so much babe,
Nak's naman yan, ang saya natin ah,,, abot Hanggang ibang planeta Ang ngiti mo ah, pang aasar na ani Marvin na kagagaling lang sa labas, nagbili kasi ulit ito ng alak, iinom daw ulit kami, para mag celebrate,
Bakit ikaw hindi kaba masaya sa isinulat niya para sayo,?, Nakangiti kong saad sa kanya,
Masaya din, tulad mo, anito, sabay kuha ng isang bote ng Red horse at binuksan ito, saka tinungga at iniaabot din nito sa akin ang isang bote na bukas na, na agad ko namang kinuha iyon sa kanya,
Sa next day na ang graduation nila, anong plano natin sa araw na yan,? Aniko sabay tungga ng bote,
Magpaparty tayo sa loob mismo ng school nila, anito.
Bakit sa loob ng school nila Ang party, aniko,
Dahil doon lang tayo makakagalaw ng Malaya, anito,
At paano naman natin gagawin yon,?, Aniko.
Kakausapin natin mamayang gabi ang principal nila, at sabihin sa kanila ang Plano nating party para sa lahat ng gagraduate, ako ng bahala sa gastosin, mahabang lantiya nito,
No!, Aniko na itinaas ang kamay, hati tayo sa gastos, hindi mo pweding balikatin lahat ito, kaya maghahati tayo,
Ikaw bahala, kibit balikat nitong saad,
Marghielyn's Pov.
Next day na ang graduation Namin, pero heto parin ako sa kwarto, hindi makalabas ng bahay,dahil ikinulong nila ako dito, hindi ko rin magawang tawagan si Jennie para sana makibalita kung ano ng ganap sa labas, dahil pati cellphone ko hinold ng Nanay ko, nasabi na rin nila sa akin ang dahilan kung bakit ako ngayon nakakulong na parang bilanggo dito sa Bahay, ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw talaga nila kay Dom,. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nila ako ikinukulong dito,
Hayyyts....... Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, saka napahimas sa noo, ano na bang gagawin ko, wala akong ibang aasahan dito kundi ang sarili ko, hindi ko ito inaasahan na gawin nila sa akin to, hindi ko rin alam kung makakarating ako sa graduation ko.
Marghielyn, tawag sa akin ng Nanay ko mula sa labas ng pinto ng kwarto, inayos ko ang pagkakahiga ko, at nagkunwaring natutulog saka tumalukbong ng kumot,
Marghielyn, ulit nitong tawag sa pangalan ko, pero hindi parin ako gumalaw, at nanatili paring nakahiga,
Narinig kong biglang bumukas ang pinto, at may mga yabag akong naririnig palapit sa kama ko,
You can go back to Island, you need to prepare to your graduation. Hihahatid ka ng kuya Vince mo ngayon, kaya bumangon kana dyan Bago pa magbago ang isip ko. Anito saka Lumakad patungo sa pinto at lumabas,
Nang makalabas agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling kinuha ang bag ko na pinaglalagyan ng mga gamit ko. At patakbo Kong tinungo ang pintuan saka lumabas,
Nang makalabas ako ng kwarto ay agad kong tinungo ang Sala, dahil alam kong naroon sila,
Kuya ready na po ako, nakangiti kong saad sa kanila na nakayuko,
Ayos ah,,, ang bilis mo ah,,, Ani kuya Vince, saka ito tumayo at tumungo sa pintuan, Tara na, sarkastikong nitong sabi,
Nang makarating agad akong bumaba ng bangka, at nagpaalam na din sa kuya ko, ng ihakbang ko na ang paa ko, bigla akong Napalingon, dahil tinawag nito ang pangalan ko.
Bakit, 'Ya/kuya,?
Mag iingat ka, huwag pasaway ha, babalik ako dito bukas, anito, sabay paandar nito ng makina ng bangka,.
See that's my older brother, he always protect me, at palagi din nitong pinapaalala sa akin ang tama at Mali,
Hayyyts,,,,, opo kuya, nakangiti kong sabi saka Lumakad na patungo sa BH namin ng best friend ko,
Ng makarating ako sa BH namin, ay agad kong napansin si Jennie sa labas ng pinto ng bahay, tinawag ko agad siya, at nilingon naman niya agad Ako, nang marinig nito ang pagtawag ko sa kanya na best friend,
Bestie, akala ko hindi ka pupunta dito, akala ko mag Isa lang ako dito, akala ko hindi kita makakasama sa graduation natin, aniya, habang magkayakap kami,
OA mo, bestie ah,! Pero 'lam mo namiss kita,,, sobra,'! Aniko at niyakap ko din siya balalik,
Namiss din kita bestie,aniya, sabay kalas sa pagyakap,
Ano bang nangyari?, Tanong nito,
I don't know Best, sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa loob,
Lika,! Bestie sa loob na lang tayo magkwentuhan okey, Sabi ko dito habang hila-hila ko siya sa kamay nito, papasok ng bahay,
Sumunod lang din siya ng walang imik,
Bestie dala mo ba ang cellphone mo?,tanong ko sa kanya ng makapasok na kami,
Best hindi e, maikling sagot nito saka umupo sa upuan,
Kinuha ni mama Ang cellphone ko,
E Ikaw, saan ang cellphone mo?, at cellphone ko pa talaga ang hinanap mo,
Tingnan mo 'to, ka'y talinong babae, pero hindi nagiisip, malamang sa malamang bestie, sa tingin mo kung dala ko ang cellphone ko, magtatanong pa ba ako sayo kung dala mo Ang phone mo,
Ayyy,,, naku best friend, aniko sabay sapo sa noo ko at pasalampak na naupo sa upuan,
Sorry lang bestie, medyo lutang lang Ang Best friend mo ah, anito, sabay yuko ng ulo nito, kaya agad hinawakan ko ang kamay nito, na siyang ikinaangat ng tingin nito sa akin,
Best,, what's the problem?, Nag aalala kong Tanong sa kanya,
Wala ito bestie, magiging Maayos din ako later,, don't worry about me.
Okey,! sabi mo yan ha,, basta pag may problem ka, I'm here, you know that. My shoulder is ready to catch you if you think you are not so.
Napayakap naman siya bigla sa akin, niyakap ko din siya pabalik, na siyang ipinagtaka ko sa inasta niya,Kumalas ako sa pagkakayakap nito, at tumingin sa mga mata niya,
Hmm,,, bestie, I know you have a problem, so tell me, what is it?
Bestie, aniya sabay hawak nito sa kamay ko, I have a big problem, and I don't what to do.
Then, tell me, baka may maitulong ako,.aniko
Best, I'm........
Tok...... Tok ..... Tok....
Sabay kaming napalingon at tumingin sa pinto ng marinig naming may kumatok,
Ako na ang magbubukas, dito ka lang,.hmm,, aniko saka ako tumayo at tinungo ang pintuan,
Oh,,,, Mia Rose, ikaw pala!, Aniko sa kausap ko, may kaylangan ka? naiirita kong tanong sa kanya,
Pinapupunta kayong dalawa ni Jennie sa school, anito,
Ahh,, ganon ba, sige susunod na kami, magbibihis lang kami sandali, aniko
Segi alis na ako, pagpapaalam nito, bago umalis, pagkaalin ni Mia Rose, nagmamadali akong bumalik sa best friend ko.
Best magbihis kana, pinapapunta tayo sa school, aniko at agad tinungo ang kwarto para makapagbihis na,.
Bestie maya na natin pag usapan ang problema mo ah, or much better kung sa daan na lang natin pag usapan Yan, kung okey lang sayo, nakangiti kong ani sa kanya.
Ahmm, no bestie, pag uwi na lang natin mamaya,. nakangiti niyang sabi,
Segi ba, Aniko,
*****************