Dominick . Pov."
Ginalugan ko na ang kagubundukan at kagubatan piro hindi ko pa rin siya natatagpuan, saan kaya siya pweding pumunta, wala siyang ibang pupuntahan, dahil halos lahat ng tao dito ay kilala Ang pamilya niya,kaya imposible siyang pumunta sa mga kamag anakan niya, kaya gubat at bundok Ang tinungo ko,
nag aalala ako para sa kanya at sa baby na sa sinapupunan niya, baka kung anong mangyari sa mag Ina ko.
napangiti ako sa sarili ko ng sumagi isip ko ang katagang mag Ina ko
bahala na kahit saan ako makarating basta Ang importante mahanap ko siya,/ sila
Flashback
Dom,,,,, Dom,,,,,, saan ka?"tawag sa akin ng kuya ko,
Andito ako kuya,, bakit kuya anong nangyari?"tanong ko ng may pag alala, kasi humahangos siyang umuwi ng bahay,
Tulungan mo silang maghanap Kay Lyn umalis daw sa kanila,Ang sabi mapagalitan daw kaya umalis, batid kong hindi iyon Ang totoong dahilan, kaya tumulong tayong mag hanap,
Sige kuya hahanapin ko siya at hindi ako uuwi dito ng hindi ko siya Kasama, aniko at kumuha ng kanin at ulam at inilagay ko iyon sa Tupperware at kumuha rin ako ng tubig inilagay ko ito sa empty plastic bottles para pagnatagpuan ko siya ay mayron akong maibigay na makakain niya, dahil alam kong gutom na iyon, kumuha din ako ng ilang damit upang pamalit, kapag nabasa ng ulan,
Pagkatapos Kong mag handa ay kumaripas na ako at agad kong tinungo Ang kagubatan,
End of the flashback
Madilim na,, buti nalang pala nakapagdala ako ng flashlight,
Tiningnan ko ang Relo ko mag aalas syete na pala, Isang oras pa akong palakad lakad at pagtakbo, hanggang sa makalayo ako sa mga taong tumutulong din maghanap kay Lyn, mga ilang minuto lang ang lumipas, ay nakaramdam ako ng pagkabasa ng aking katawan, hudyat iyon na bumubuhos na ang ulan,
Tumakbo ako ng tumakbo hindi alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, kaylangan kong makahanap ng masisilungan,
hangang makarating ako sa maliit na kubo, agad akong pumasok doon, at may narinig akong parang umiiyak, mahina lang ang pag iyak niya, na pilit Pinipigilan,
Nong una nakaramdam ako ng takot at bahagyang tumindig Ang aking balahibo, inaakala Kong baka minumulto na ako, may takot mang bumabalot sa katauhan ko, mas ginusto ko paring makita kung saan nagmumula ang iyak na iyon,
hinanap ko ang mahinang pag iyak na iyon, habang papalapit ako sa kinaroroonan niya ay pahina na ng pahina, Hanggang sa wala na akong marinig nang pag iyak, hindi kaya naramdaman niya na ang presensya ko kaya siya huminto, may takot at kaba man ay pilit kong pinakalma ang aking sarili,
Lyn ikaw ba yan?" si Dom ito, please magpakita ka, lumabas kana dyan, aniko, ng may pag alala.
Do....... Dom.....
hindi ako nagkamali siya ang narinig kong umiiyak kanina,
Lyn saan ka,
Lyn...........
patakbo ko siyang nilapitan at
Agad ko siyang niyakap ng mahigpit, ng makita ko siyang nakaupo at yakap yakap ang sarili niyang tuhod,
Lyn anong ginawa mo, sobra mo akong pinag alala,
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya kahit di ko siya masyadong maaninagan, dahil sa dilim na bumabalot sa kalangitan batid kong namumugto Ang kanyang mga mata, dahil sa pag iyak simula pa kanina,
Dom,,,,, tawag niya sa pangalan ko, habang humihikbi,
Shhh...... huwag ka muna magsalita, halika, pasok muna tayo sa kubo,
Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siyang makatayo, at tinungo Ang kubong pinanggalingan ko kanina,
Binuksan ko ang pintuan at agad ko siyang pinapasok sa loob,
Binuksan ko ang bag na dala ko,at nilabas ko ang mga laman, kumuha ako ng damit doon at ibinigay sa kanya,
Hmm,...
Anong gagawin ko diyan?" aniya
Palitan mong damit mo, hindi ka pweding magpatuyo sa basa,
Sige ka pag dimo to kinuha ako ang magpapalit ng damit mo,
at dagli niya naman itong kinuha,
Paano ka,?
aniya habang pinagmamasdan ang bigay kong damit sa kanya
Medyo malaki ang damit na yan sayo,
pero okey lang , ang importante may pamalit ka,.
at huwag mo akong intindihin ayos lang ako, may extra pa akong damit dito, inihanda ko kaagad ito kasi alam kong mababasa tayo ng ulan,
at paano ka naman nakakasiguro na makikita mo ako dito,
wala lang malakas lang ang kutob ko na ako ang makakahanap sayo,
Tst yabang, aniya,
bakit ka nga pala nandito?'
diba umuwi ka sa Inyo?" tanong niya,
hindi ko alam kung bakit ako nandito,
Kung bakit ako bumalik dito, sagot ko
bigla siyang natahimik, at ibinaling sa labas Ang kanyang tingin,
Ang lakas ng ulan nuh, pagbasag ko sa katahimikan na pumapagitan sa aming dalawa,
Tumango lang siya bilang tugon,
Ahm.... Sige na magpalit kana,
Paano ako magpapalit e nakaharap ka sa akin,, aniya
Aysos'''", hindi na kailangan pumikit dahil nakita ko na yan at natikman pa, pagbibiro ko,
Hinampas niya ako gamit ang damit na bigay ko sa kanya,
O sya sige na tatalikod na ako,nang makapagbihis kana,
Tumalikod na ako, at hindi ko maiwasang hindi mapangiti, kasi nakakaramdam ako ng init sa aking katawan, init na bumabalot sa buo kong sestema,
na kaylangan kong ilabas sa mga sandaling ito na kasama ko siya, hindi maaari ito, kaylangan ko itong pigilan, Sabi ko sa sarili ko,
Okey na, tapos na akong magbihis, aniya,
humarap na ako sa pagkakataong iyon, at biglang napako ang tingin ko sa suot niyang damit ko na hangang binti niya kumislap sa aking mga mata ang kaputian ng kanyang mga binti,napalunok ako ng sarili kong laway, at bigla naalala ko ang gabing inangkin ko siya ng buong buo,
Dom...... Dom.......hoy......
saka palang bumalik ang katinuan ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko,
anong nangyari sayo?" Okey ka lang ba?" tanong niya,
Ba't ganyan Ang suot mo, aniko at tumalikod ulit,
Kapag hindi ako iiwas baka kung ano magawa ko sa kanya, baka hindi ako makapagpigil at maulit ang isang gabing pinagsaluhan namin noon,
Oo naman may suot akong cycling nu!"aniya sabay tingin nito sa sariling suot,
bakit may problema ba sa suot ko?, aniya,
wala naman,
Lika kumain na tayo, alam kong gutom kana, at pati pala si baby, pag iiba ko ng usapan,
natahimik ako bigla dahil sa sinabi ko,
She didn't know that I knew about its pregnancy.
P......paano mo n.....nalaman Ang tungkol dito D.,..Dom, garalgal niyang tanong,
hmm.. hindi na mahalaga kung paano ko nalaman,
sinabi ba sayo ng Kaybigan ko,
magsabi ka ng Totoo, walang ibang nakaka-alam nito kundi kami lang dalawa, kaya imposibleng malaman mo ito sa ibang tao,
May nangyari sa atin Lyn kaya imposibleng walang mabuong baby diyan sa sinapupunan mo, at saka may kutob din ako na makakabuo Tayo ng anak dahil hindi ako gumamit ng protection.
Bigla siyang natahimik, at tiningnan lang ako ng masama,
Oo na siya ang nagsabi sa akin, huwag Kang magalit sa kanya, ginawa niya lang kung ano ang tama,
Sabi ko na nga ba," aniya na nagpipigil sa galit, hindi ko man makita Ang expression ng mukha niya alam kong galit siya, dahil sa tuno ng kanyang boses,
And you don't really tell me about your pregnancy, I said and gradually come to her,
Will you leave me right for my child?
Dahil yon ang tama, yon ang dapat, Dom, dahil alam kong hindi ka interesado sa anak ko, diba nga sabi mo ang nangyari sa atin ay isang malaking pagkaka...,.,...,
Hindi ko na siya pinatapos sa Sasabihin niya ng bigla Kong siyang hilain palapit sa akin at siilin ng halik,
hindi ko siya hinayaang makawala sa halik ko,
kahit na pilit siyang nagpupumiglas at itinutulak ako,
napahinto lang Ako sa ginagawa ko sa kanya ng maramdaman kong namamasa ang kanyang pisngi,
Unti-unti kong inilayo ang aking labi sa labi niya, at pinakatitigan siyang mabuti gamit ang liwanag ng flashlight na dala ko, napayuko siya ng bahagya at agad ko din namang hinawakan ang kanyang baba at iniangat ito para makita ko ang maganda niyang mukha,
Anong ginagawa mo Dom?"
wala" Sabi ko, pinagmamasdan ko lang Ang mukha ng magiging Ina ng mga anak ko,
Mga anak mo,?" anong ibig mong sabihin, aniya na napakunot ang noo,
hindi ba malinaw sayo Ang sinabi ko,
Aniko, na ngumiti at binigyan ulit siya ng banayad na halik sa labi
namiss ko Ang labing yan, sabi ko ng may ngiti sa labi,
kain muna tayo, o kung gusto mo ikaw muna ang kakainin ko, pagbibiro ko,
Arayy......
napa-aray ako dahil hinampas niya ako ng takip ng Tupperware,
Ikaw ha,... Pagbabayaran mo ito mamaya, aniko ng may nakakalukong ngiti,
Uundayan niya na naman sana ako ng hampas, ng itaas ko ang aking mga kamay,
O awat na" hindi ka lang buntis,
Ewan ko lang,
Dom......... sigaw niya
agad ko namang tinakpan ang bibig niya,
Shhh""" ano kaba isigaw talaga ang pangalan ko, alam kong Mahal mo ako pero hindi mo na Kaylangan pang ipagsigawan na Mahal mo ako,
Aniko na tumatawa,
Tst ,,,,, asa ka, assuming ka masyado, saka correction please, hindi ko pinagsigawang Mahal kita nuh.
Napangiti ako sa huli niyang binanggit,
So you mean you don't admit me that you crush me,
Ahmm...... napatango siya, hindi kita crush nu!,aniya at bahagyang umiwas ng tingin,
Ahaaa....... hindi mo nga pala ako crush kasi mahal mo na pala ako,
hala,,,,,....
ang taas naman ng confident mo sa sarili mo nuh,!!
Naman,! Ako pa ba,,,. at saka nasabi mona na Mahal mo ako,
aniko sabay kindat sa kanya,
Ano??...... wala akong sinabing Mahal kita,
O Ayan nabanggit mo nanaman,
Sige nga paki ulit,aniko at bahagyang inilapit ko pa ang aking tainga sa kanya
Ha.... Ewan sayo,
Napailing siya sa sinabi ko, at napansin ko ang pag ngiti niya at pamumula ng kanyang pisngi,
Kain na tayo, sabi ko na lang para naman hindi na siya mailang sa akin,
Hmm,,,, Sige,,,
tahimik lang kami habang kumakain, habang tinitingnan namin Ang bawat isa, bigla sumisilay Ang ngiti sa aking mga labi, kapag pinagmamasdan ko siya, may kung anong humahaplos sa aking puso kapag nakikita ko siyang nakangiti, ngayon ko lang talaga siya napagmasdan ng ganito, maganda pala talaga siya,lalo na sa malapitan, hindi ko lubos maisip na ang isang katulad niya ay magkagusto sa lalaking tulad ko,
bulag na siguro ang lalaking hindi makakapansin sa ganda niya,
dapat sayo binabahay", aniko sa mahinang boses at lihim na sumulyap sa kanya,
Ha"! ano yon?
may sinasabi Ka ba? tanong niya ng may pag tataka sa mukha,
Ha"!, wala ah,"
Bakit may narinig ka ba, pagkukunwaring sagot ko,
ahmm.... para kasing may sinasabi ka dyan e,
guni-guni mo lang yon,,
tapos kana?"tanong ko,
Hmm, tango lamang ang naging tugon niya,
Sige,... pahinga kana,,,Sabi ko tiningnan ko ang relo ko, alas otso y medya na, hindi ka pweding magpuyat, kaya naman magpahinga ka dyan,
I.... ikaw saan ka matutulog, tanong niya,
dali-dali ko siyang sinagot,
Sa tabi mo,"
Aray....... ... napa aray ako ng bigla niya akong tinampal sa braso,
ikaw ha!" nakakailan kana,,?
e saan mo ba ako patutulugin?" Nakikita mo naman na iisa lang ang kama dito, alangan namang papatulugin mo ako sa lupa, para namang hindi mo ako mahal, kunwa'y pagtatampo ko, at saka isa pa ano pa bang ikakailang mo sa akin, e mag kakababy na nga tayo, lumapit ako sa kanya at hinigit ko siya sa bewang,
Dom anong gina............
hindi ko siya pinatapos sa Sasabihin niya, nang bigla ko siyang siilin ng halik,
This time I feel my self-love for him.
hindi ko alam piro ito talaga ang nararamdaman ko, satwing hinahalikan ko siya iba ang pakiramdam ko, hindi man ito Ang unang halik ko, piro ang mga labi niya ay sadyang nakakaakit at nakaka pag painit ng buo kong pagkatao, I like, I just owned her lips.
bahagya akong kumawala sa paghahalikan namin, hinaplos ko ang kanyang pisngi,
Lyn,,,....." Why do you speed me changed,. I said
nginitian niya lang ako at sabay yuko,
sinundan ko ang mga mata niya para makita ko kung anong ibig sabihin ng mga ngiti niya, nang bigo akong makita yon hinawakan ko ang baba niya at iniangat ang mukha niya,
I immediately saw her beautiful face,
Lyn..... I'm happy that I met you, I'm happy that you are the mother of my children,
ngumiti siya at tiningnan niya lang ako sa aking mga mata, hinayaan ko siyang titigan ako sa mukha, nakita kong may luhang lumandas sa kanyang pisngi agad ko itong pinunasan gamit ang aking mga daliri.
Lyn,! bakit anong problema? may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan,? Aniko nang may pag alala,.
Umiling lang siya,