Laila's Pov. "
"Marghielyn sister"
Marghielyn,,, marghielyn,,,
Tika si Nanay yon ah, ba't parang galit habang tinatawag si ate,
Agad akong lumabas ng sa kusina upang puntahan si inay,,
Inay ano pong nangyari,? tanong ko kay inay ng may pag tataka, at pag alala dahil parang inaataki na naman si nanay ng sakit niya sa puso,
nasaan Ang ate mo, Ani nanay
hindi ko po alam diba po kayo ang magkasamang umalis dito sa bahay,
Sagot ko,
Humagulgul ng iyak si nanay kaya sobra akong nag alala, agad akong nagtungo sa kusina upang ikuha siya ng tubig, nang makapagsalin na Ako ng tubig sa baso agad akong bumalik sa kinaroroonan ni Nanay,
nagimbal ako ng Makita ko si nanay na nakahandusay sa sahig na walang malay,
Patakbo Kong dinaluhan si Nanay, itay kuya Vince,tulong si inay, pasigaw kong tawag kila kuya Vince at itay, habang nasa lap ko Ang ulo ni Nanay at niyuyugyog ang kanyang katawan ni Nanay na wala paring malay
Ilang segundo ang lumapas lumapit sa amin si itay at kuya Vince agad ding binuhat ni kuya si inay sa kamang malapit sa sala,
Anong nangyari sa inay mo? Tanong ni tatay,
anong nangyari Kay Nanay Laila, Tanong din sa akin ni kuya Vince,
Hindi ko po alam itay, kuya, aniko na tumingin itay at kuya,
dumating po dito sa bahay, na sumisigaw, at tinatawag niya si ate Lyn,
nasaan si marghielyn? tanong ni kuya, na ngayon palakad lakad sa may harap ko, at hindi mapakali
hindi ko po alam kuya, nagtataka nga po ako kasi iyak ng iyak si nanay kanina,bago ako pumunta sa kusina para sana ikuha siya ng tubig, kasi napapansin kong sinasapo niya ang kanyang dibdib,piro pagbalik ko ayon nakita ko siya sa sahig na walang malay,
Kuya, alam kong may dahilan kaya nagkaganito si Nanay, aniko, kay kuya na Nakatingin sa gawi ni Nanay,
hindi natin malalaman yan hanggat walang malay si Nanay, kaya hintayin natin siyang magkamalay, Ani ni kuya Vince,
Ilang saglit pa ay magkamalay na rin si Nanay agad din kaming lumapit sa kanya nang marinig namin ang paghagulgul niya,
nay ano pong nangyari?
saan po si marghielyn? Tanong ni kuya Vince, nang makapit kami sa kanya,
Nay saan po si ate Lyn? tanong ko kay nanay, na umiiyak parin, ramdam ko ang sakit na dinadala ni Nanay sa kanyang dibdib,
Laila, tawagin mo Ang iba mo pang kapatid na sina Daina at Lerio, utos sa akin ni Nanay,
Tiningnan ako ni kuya Vince at itay, na parang sinasabi nila na sumunod na lang,
Kaagad din akong umalis at pumunta sa ng Kaybigan ni Lirio dahil panigurado nandoon na naman iyon sa kaybigan niyang si Jonny at Romer,
Nang marating ko Ang bahay ni Jonny agad akong kumatok sa pintuan, ay kaagad din namang iyon binuksan,
Jonny andiyan ba si Lerio? Tanong ko kay Jonny,
Ate Laila ikaw pala, opo andito po si Lerio,
sandali lang po at tawagin ko siya,
Ani Jonny,
Sige, salamat,Sabi ko,
Ate Laila,! Tawag sa akin ng kapatid kong si Lerio, lumingon din agad ng marinig ko ang tawag sa akin ng kapatid kong si Lerio,
Bakit ate?
Anong bakit"? kung saan saan kayo naglalakwatsang dalawa ni Daina, hindi tuloy alam kung anong nangyayari sa bahay,,
Hanapin mo si ate Daina mo at umuwi kaagad sa bahay, bilisan mo, aniko
Sige ate, ani ng kapatid ko, at kumaripas na ito ng takbo,,
Pabalik na sana ako sa Bahay ng masalubong ko si ate Jennie Ang best friend ni ate Lyn,
Ate Jennie nakita mo ba si ate, tanong ko sa kanya,alam kong nagtataka siya,
dahil bahagyang napakunot ang noo niya,
hindi ko pa siya nakikita magsimulang kaninang galing siya sa Bahay,
bakit anong nangyari?
ah wala naman ate, Sige salamat, Aniko at lumakad na patungo sa bahay,.
Pagkarating sa bahay nadatnan ko sila tatay, kuya Vince at Ang Asawa nito na si ate Anna, at si Nanay nakaupo na siya sa upuang naroon sa sala, habang hinahagod ang ni tatay ang kanyang likod, dahil nahihirapan parin itong maghinga,
Nang makita ako ni Nanay tinanong Niya agad ako,
Nasaan ang dalawa mong kapatid na sina Daina at Lerio,
Magsasalita palang sana ako ng marinig ko ang boses ng Daina,
Andito na po kami inay, Ani Daina
Ano pong nangyari inay? tanong ni Lerio
hindi pa namin alam, kung ano talaga ang nangyari, tanging si Nanay lang ang nakakaalam ng lahat, piro nahihirapan siyang magsalita, at wala rin ang ate Lyn niyo dito para Mat.......
hindi natapos ni kuya Vince ang Sasabihin niya ng mapahagulgul ng iyak si nanay, agad kaming lumapit ni Daina sa tabi ni Nanay,
Kuya Vince saan si ate Lyn, tiyak kong alam niya kung bakit nagkaganto si nanay, Ani Daina,
Nakita kong napakuyom ng kamay si kuya Vince,patunay itong nagagalit na siya dahil wala kaming idea kung bakit sobrang sakit ng nararamdaman ni Nanay dahil napapahawak pa ito sa dibdib,
Makakatikim talaga sa akin ang babaeng yon kapag nalaman kong may kinalaman siya dito,
kaya kayo nandito lahat ngayon dahil may importante akong Sasabihin sa inyo, napalingon kami lahat kay nanay, ng may pag tataka, habang tinitingnan niya kami isa-isa,
hanggat maaari huwag ninyo itong Sasabihin kahit na kanino, manatili munang lihim ito sa lahat ng tao, at Hanggat hindi umuuwi Ang kapatid ninyo mananatili tikom ang mga bibig ninyo, tayo-tayo lang muna ang makakaalam nito, maliwanag ba sa inyo,
Nagtataka man kaming lahat sa mga pinagsasabi ng Nanay namin, piro Sabay-sabay kaming tumango,
huminga ng malalim Ang Nanay namin saka nagsalita,
Buntis ang kapatid niyo,
kasabay ng salitang iyon ang pag iyak ni Nanay
sa harap naming lahat,
for the first time lang namin nakita ang pag iyak ni Nanay sa harap namin, dahil hindi namin siya nakikita actual na umiiyak na kaharap kaming mga anak niya,
sobra sigurong sakit non para sa kanya, maging ang tatay ay naikuyom Ang kamao, at nagpigil ng galit, si kuya at Lerio naman Sabay na napasutok sa ding-ding ng bahay Namin,
agad din nilapitan ni Anna si kuya Vince para pakalmahin, at lumapit din si Daina sa kapatid naming si Lerio habang ako hinahagod ko ang likod ni Nanay dahil alam kong nagsisimula na-namang manikip Ang kanyang dibdib,
Inay tama na po iyan, makakasama po yan sa Inyo,
nasaan ang babaeng yon inay, makakatikim talaga siya sa akin kapag nakita ko siya, Ani kuya Vince
hindi ko alam, pag labas ko kanina sa center wala na siya,marahil, narinig niya ang pag uusap namin ni Mrs. Santos, natakot siguro na kumprontahin ko siya at mapagalitan, kaya umalis, hindi na ako nagtanong pa sa mga taong naroon dahil ayaw kong may ibang makaalam nito,
wala rin naman siyang mapupuntaha kaya alam kong uuwi din siya dito,
hintayin natin ang pag uwi niya,mahabang turan ni Nanay,
E inay paano nahulaan na buntis si Lyn?" Ani ate Anna,
nakaraang buwan ko pa siya binabantayan, at pati kayo rin biglang baling ng tingin niya sa amin ni Daina, at nagulat kaming napatingin kay nanay,
Alam ko kung Kaylan kayo dinadatnan buwan-buwan kaya hindi kayo makakaligtas sa akin,
nanlilisik ang mga matang tumingin sa amin ni Daina,
Agad ibinalik Ang tingin nito Kay ate Anna,
nagtaka kasi ako kahapon sa inakto niya, dahilan kung bakit nabahala Ako, at pagdudahan siya,
dahil kahapon kasi nagluluto ako ng sinigang na isdang danggit nabanguhan siya sa niluto ko, e wala namang mabango sa sinigang na danggit, kinutuban ako kaya dinala ko siya ng center para makumpirma Ang hinala ko, hindi nga ako nagkamali,
Mahabang paliwanag ni Nanay,
Kilala niyo ba kung sino ang boyfriend ng ate niyo, Ani kuya Vince na biglang tumingin sa akin at kay Daina,
kuya ang kilala lang namin na boyfriend ni ate ay si Adrian, aniko,
taga saan ang lalaking Yan,?" tanong ni tatay,
Taga Isla po itay, nagtagis ang bagang ni itay dahil sa narinig niya, at napasuntok ulit si kuya Vince sa ding-ding,
Magtatakip silim na piro wala parin si ate, kaya napagpasyahan na namin siyang hanapin, bukod sa padilim na ay maulap na rin ang kalangitan,
humingi na kami ng tulong sa mga kapatid ni Nanay, at mga pinsan pati na rin sa mga kaibigan, na hanapin si ate Lyn,
Idinahilan na lang namin na napagalitan ni Nanay kaya umalis ng bahay,
Jennie's Pov."
★Marghielyn best friend★
Daina... sandali lang, tawag ko sa kapatid ng best friend ko, dagli niya naman akong nilingon,
anong nangyari, totoo bang naglayas si ate mo, tanong ko,
Oo ate Jennie, paki tulungan mo naman kaming mahanap si ate please'
Pagmamakaawa ni Daina sa akin,
Nu, kaba," kahit dimo gawin yan tutulong akong maghanap, worried din ako sa nalaman ko, aniko, habang hawak ko ang kamay niya, hindi na kayo iba para sa akin, hmm....
salamat ate Jennie,
Wala iyon, oh sya sige,,, umpisahan na nating hanapin ang ate mo,
bago bumagsak ang ulan, Kaylangan nasa bahay niyo na siya,. okey.....
sige ate Jennie, salamat ulit ha"
Hayyyts, saan kaya pumunta Ang babaeng iyon, sana makita namin siya bago bumagsak ang ulan,
Tika may naisip Ako......
Hmm........ bakit nga ba hindi,
Sabi ko sa sarili ko,
Ate maricel, tawag ko sa hipag ni Dom agad din siyang lumingon sa gawi ko na marinig niya tawag ko ,
O" Jennie ikaw pala, lika tuloy ka, aniya.
Salamat po ate maricel, piro itatanong ko lang po sana kung andito po ba si Dom, patulong po sana kaming maghanap Kay Lyn,
Naku", Jennie kanina pa yon umalis dito nang mabalitaan niyang umalis sa bahay nila si Lyn,dagli agad siyang umalis para tumulong na rin sa paghahanap Kay Lyn,
alam niya kasi ang dahilan ng paglayas ni Lyn sa kanila kaya nag aalala din si Dom para sa kanya,
Ganon ba ate maricel, Sige po una na po ako, tutulong din ako sa paghahanap kay Lyn, aniko
Hmm,, tango lamang ang naging tugon ni ate maricel,