Bestie!,, pasigaw na tawag sa akin ng best friend kong si Jennie,
Oh bestie saan ka ba galing? Tanong ko sa kanya,
Hmm,, Aniya, Sabay abot niya sa akin ng soft drinks at biscuits, ohh kunin mo na, binilihan na kita, alam ko kasing hindi ka nanaman tatayo diyan sa kina uupuan mo, para bumili ng makakain mo, kaya naman ako na ang gumawa para sayo,
Salamat bestie, aniko at kinuha na rin ang binili niyang meryenda para sa akin,
BTW, Dito kami ngayon sa loob ng klassroom, tamang katatapos lang mag review for final exam sa 4th grading,
Class,,,,.....!
napalingon ang lahat ng estudyante sa kinaroroonan ng tinig ng aming adviser na si Mrs.Manalo,
next week na ang final exam niyo, habang naglalakad patungo sa aming harapan
This is last exam for this year,
at ihanda Ang inyong mga sarili, mag review kayo at mag aral ng mabuti, e-review ang mga pinag aralan natin from 1st grading to 3rd grading okey,
Yes ma'am, Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante,
At pagkatapos ng exam may meeting tayo as a parent I will be announce who is top;10 ranking this section okey, alam kong excited na kayong malaman kung sino ang mangunguna sa top;1 mahabang paliwanag ng adviser namin na tumingin sa gawi namin ng kaibigan ko,
nagkatinginan kaming mag best friend, at nagngitian,
dahil alam namin na kami ang tinutukoy ng guro namin,
dahil alam nang lahat na kaming dalawa ng best friend ko ang matalino sa klase namin, kaya akala nang lahat ay naglalaban kami para makuha Ang top1,
Actually hindi kami interesado sa top1, ginagawa lang namin Ang best namin, hanggang doon lang yon, bahala na kung sino sa amin ang makakuha nang top1, parehas naman kaming nag aaral nang mabuti,
Okey class dismiss, Sabi ng adviser namin
Naglalakad na kami ng Kaybigan kong si Jennie, sa buong hallway nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko,
Marghielyn,,......! tawag ng isang pamilyar na boses,
napalingon ako, nang marinig ko ang pangalan ko,, nagkatinginan kami ni Jennie at mapanukso niya akong nginisian,
Anong klaseng ngiti yan, aniko at hinarap Ang taong nagtatatakbo sa kahabaan ng hallway,at pinanghahawi ang estudyanteng sagabal sa daraanan niya,
Hayyyts ang yabang talaga ng admirer mo bestie, palibhasa anak ng principal,,
Psst..... aniko baka may makarinig sayo,
Oh! Aldren ikaw pala, bakit may kaylangan ka?, malumanay kong sabi nang makapit na siya sa amin,
Si Aldren ay nanliligaw sa akin, guwapo naman siya Matalino, matangkad, isang sikat na basketball players sa buong school, sa katunayan maraming nagkaka-gusto sa kanya, lalo na kapag may pa lega sa bawat mga Barangay, palaging team nila Ang nananalo, 4rth Year student din gaya ko kaya lang magkaiba kami ng section, anak siya ng principal namin,
Hmm!, free kaba tonight yayain sana kitang mag dinner, kung okey lang sayo,
Hmm, pasinsiya kana Aldren ah kaylangan kong mag review e, next week na kasi ang final exam natin diba!? Maybe next time nalang siguro,
Oo nga pala, Sige next time nalang, aniya at lumakad na palayo,
Pagkarating Namin sa BH namin pumasok agad Ako sa kwarto, at sumunod din sa akin Ang kaybigan ko, napahiga ako sa kama,
hysst,,,! nakakapagod din pala mag aral nuh best, aniko sabay buntong hininga
Oo nga kapagod talaga, sagot naman ng Kaybigan ko at napahiga narin sa kama, habang naka tingin sa bubung,
Oh,! Ba't ang lungkot mo this time bestie, malumanay na wika ni Jennie,,
Ha!, wala ito bestie, ayos lang ako,
Aniko, na hindi tumitingin sa kanya,
Hindi ba siya nagpaparamdam? tanong niya,
Saka ko palang siya nilingon,
Ha!, nagpaparamdam?, sinong tinutukoy mo diyan?,maang-maangan Kong tanong,?
Bestie kilala kita, nuh! hindi ka makaka-pagsinungaling sa akin, remember I'm your best friend right!,
maaaring magsinungaling iyang bibig mo pero never ang mga mata mo,
alam ko kung anong nandyan, aniya sabay turo ng hintuturo niya sa may dibdib ko kung saan naroon ang puso ko,
Bestie!, Napayakap ako bigla sa kanya, at kasabay ng pag agos ng aking mga luha,
Napakalas siya sa pagkakayakap sa akin ng maramdaman niyang sumisinghap ako,
Kilala mo talaga ako best, kasi alam mo kung anong nararamdaman ko,
Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang mga daliri,
Syempre naman nuh,! kilala natin Ang isat-isa, simula pagkabata tayo Ang palaging magkasama, ni minsan hindi tayo nagkahiwalay, naalala mo dati, noong mga bata pa tayo nangako tayo sa bawat isa, na sabay tayong ga-graduate sa elementary, high school, at college, magkasabay nating abutin ang mga pangarap natin sa buhay, sabi pa nga natin kung anong problema ng isa, ay problema din ng isa,
So! Tell me anong bumabagabag diyan sa isip mo, si Dom ba?
napatango ako sa kanya ng nakayuko,
nahihiya kasi ako na makita niya ang itsura ko, na namumula,
Ewan ko ba, kapag nababanggit yong pangalan niya parang kinikiliti ang kalamnan ko,
Hayyyts, alam mo kahit hindi ko nakikita yang mukha mo alam kong nag bu-blush ka, kinikilig ka nuh,
hindi rin halatang In love ha!
Hayyyts lika ka nga,
Hinawakan niya ang magkabilaang kamay ko,
Saka pa lang Ako napatingin sa kanya
Best huwag mo nang isipin iyon okey, alam ko at ramdam ko na mahal na mahal ka niya, anong malay mo baka may dahilan lang yong tao kaya hindi siya nagpaparamdam sayo, baka busy lang siya o baka naman susur-presahin ka niya anong malay natin baka mamaya o bukas dito na ulit siya,
May punto naman ang kaibigan ko, baka nga naman busy lang siya, kaya hindi siya nagpaparamdam sa akin ngayon,
pumupunta nga pala si Dom sa Isla kung saan ako nag aaral para lang magkita kami bumabalik din agad siya sa Lugar nila kapag may byahe kinabukasan ang bangka papuntang Mindoro, lihim lang ang pagkikita namin, hindi pweding malaman ng parents ko at mga kapatid ko, walang ibang nakaka-alam kundi kami lang ng best friend ko, once a month lang dapat sana ang pagkikita naming dalawa, kaya lang sabi niya dahil mahal na mahal niya ako gagawin niya daw na twice a month,
twice a month daw, pero once a month lang pala, liar! aniko na pabulong lang,
Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon, after one year and six months ay ganito na ang set up naming dalawa,
Mas lalo pa naming minahal Ang isat-isa, at alam ko at ramdam ko ang pagmamahal niya para sa akin, sa ilang Araw na inilalagi niya rito sa amin ay palagi niyang pinapadama sa akin Ang tunay na pagmamahal niya para sa akin at ganon din ako sa kanya,
Hindi kami nagsasawa na iparamdam sa bawat isa ang buong pusong pagmamahalan, kahit pa may isang buhay na nawala sa amin ang anak namin hindi kami sumuko,
Nong una hindi ko matanggap ang pagkawala ng aming anak, sobrang sakit talaga sa dibdib, halos ikamatay ko Ang Araw na iyon nong magising akong wala na Ang anak ko sa aking sinapupunan, ay para akong paulit ulit na pinapatay sa sobrang sakit,
Hanggang isang araw na bumalik si Dom at nag usap kami, muli ay nakaramdam ako ng lakas sa buo kong katawan, nag usap kami na kahit anong mangyari hindi kami susuko at ipaglalaban namin ang aming pagmamahalan, hanggang sa
kamatayan,
Bestie nuh kaba huwag ka nang mag isip dyan, hindi ka naman kayang tiisin nu'n nuh," Mahal ka kaya nu'n
magtatapos na kasi ang buwan ng march wala pa rin siyang paramdam,,
Hayyyts bahala siya diyan, pag di siya dumating sa graduation ko naghahanap na ako nang iba,
Kainis siya!,, Padabog kong Sabi,
hay!... if ever naman na kaya mong maghanap ng iba, e hindi mo nga sinasagot si Aldren na matagal nang nanliligaw sayo,
alam kong sobrang mahal mo si Dom bestie, kaya hindi mo magagawa na ipagpalit siya sa kahit na kaninong lalaki diyan nuh,,
Nakakainis kasi siya bestie e', sabi ko na nagpapadyak-padyak ng paa sa ibabaw ng kama, na animo'y parang batang nagtatampo,
Ni hindi man lang marunong tumawag o di kaya'y mag text man lang, nakakainis talaga, pag di talaga siya dumating pag tapos nang exam ebe-break ko siya,,
Asos!,.... kaya mo kaya!, nakangiting niyang sabi ng best friend ko
Inirapan ko lang siya saka ako tumayo,at pumunta sa kusina para magluto ng hapunan namin,