" Kinabukasan"
Nakita ko ang pagbagsak ni Dom sa lupa ng undayan siya ng suntok ni kuya Vince, napasigaw ako
Dom............. sigaw ko.,
kuya Vince parang awa mo na Tama na po, pagmamakaawa ko sa kuya ko
walang kasalanan si Dom, Ako ang kusang lumapit sa kanya, iyak kong sabi sa kuya ko,
Umiiyak ako habang nakikita ko Ang pagsuntok ni kuya Vince kay Dom.
Kuya.......... ako nalang ang saktan mo, huwag lang siya, aniko habang tumitingin kay Dom
Nakita ko ang pag iling ni Dom nang magtama ang paningin naming dalawa, parang sinasabi ng mga mata niya, na huwag akong mag alala, na okey lang siya, na kaya niya ang tiisin ng lahat,
Yong mga tingin niyang pinapatahan ako sa pag iiyak,
at wala man lang ako magawa para tulungan siyang makatayo, dahil hawak ako ng mga kapatid kong sina Laila, Daina, at Lerio dahil naabutan nila kaming magkayakap ni Dom sa loob ng kubo,
bumitaw bigla si Lerio sa pagkahawak nito sa akin, at lumapit sa gawi ni Dom,
inipon ko naman ang lakas ko para makawala sa pagkakahawak sa akin ng dalawa ko pang mga kapatid na babae,
at hindi rin naman ako nabigong Gawin yon dahil nabitawan nila ako,
Nang makawala ako sa pagkakahawak sa akin, ay patakbo akong lumapit at yumakap kay Dom,
Isang matigas na bagay ang lumapat sa aking likuran,
D.... Dom.....
Kahit ramdam ko ang sakit ng pagkakahampas sa aking likuran, ay parang wala lang iyon sa akin, dahil isang matamis na ngiti ang ipinakita ko sa kanya,
itinaas ko ang aking kamay at bahagyang hinaplos ko ang guwapo nitong mukha, at pinakatitigan ito ng husto, agad niya namang hinawakan ang kamay ko na nasa kabilang pisngi nito at hinagkan niya ang likod nito,
babe,, please don't leave me,
D..... Dom.. so... sorry sa ginawa sayo ng kuya ko pauta-utal kong sabi,
No,, it's okey babe,
I love you so much,, more than my life, Dom.....
Iyon lang ang tanging nasabi ko, dahil unti-unti nang dumilim ang buong paligid,at maging ang kanyang mukha ay malabo narin sa aking paningin,
Dominick's Pov,"
I love you so much, more than my life, Dom....
Iyon lang ang huling katagang narinig ko mula sa kanya at unti-unti na nitong ipinikit ang kanyang mga mata, kasabay ng pag agos ng mga luha sa gilid ng kanyang mata,
Sinakop ng aking dibdib at braso ang kanyang ulo, at hinagkan ang noo niya,
A......Ate I'm sorry,
rinig kong sabi ng kapatid niya na humampas sa likod niya na dapat sana ay ako ang nasa setwasyon niya ngayon, pero hindi iyon nangyari bagkus hinarang ng katawan niya na dapat ay sa akin iyon Tama,
hindi ko sinasadya ate, sorry, iyak nitong sabi,
Dahil naka focus ang mata ko sa mukha niya hindi ko napansin ang dugong umaagos sa binti niya,
Du...... Du.....dugo!!
napatingala ako sa nagsalita, at nakita ko kung saang parti ng katawan ni Lyn siya Nakatingin, sinundan ko iyon.
dagling huminto ang mundo ko sa nakita ko,
tila parang nandilim ang paningin ko, nang makita ko ang umaagos na dugo sa kanyang binti,
Du..,dugo..... sabi ko ng pagaralgal na tuno,
hi....hindi,, hindi,,, ito pweding mangyari,,, Jusko ko,, Ang anak ko,, babe wake up please,"
napapikit ako at tumingala sa kalangitan at taimtim na nagdarasal,,
sa diyos ko huwag niyo po siyang kunin sa amin, sabi ko habang nakatingala sa langit,
Umaasa na sana marinig niya Ang kahilingan ko,
Aaa.................. Pasigaw kong sabi habang hawak ang walang malay niyang katawan, at niyayakap, kasabay ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata
Tulungan niyo ako dalhin natin siya sa center, paki usap kong sabi sa mga kapatid niya,
***"
Hindi na kaylangan,' doon siya dadalahin sa bahay,
napatingala ako sa nagsalita at napagtanto ko kung sino ang nag mamay- Ari ng tinig na iyon
Ang kanyang Ina,
Pe.... pero po may du...
hindi ko natapos ang Sasabihin ko ng biglang magsalita Ang inay niya,
Vince at Lerio buhatin niyo na Ang kapatid niyo at dalahin sa bahay, siguraduhin ninyong walang makakaalam sa kung ano ang nangyari, Ani nanay niya,
Agad naman silang lumapit sa gawi ko at sa walang malay na si Lyn,,
Ante ako na lang po Ang magdadala kay Lyn sa bahay niyo, pakiusap Kong sabi sa nanay niya,
hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko, na walang ibang taong makaka-alam sa nangyari,
Per............
Sige na Vince kunin mo na ang kapatid mo, Lerio tulungan mo Ang kuya Vince mo, utos nito sa dalawang anak na lalaki,
Lumapit ang dalawang magkapatid sa aming kinaroroonan ni Lyn,.
At agad binuhat ng kuya niya ang katawan ni Lyn na walang malay,
wala akong magawa kundi ang ipaubaya sa kanila ang babaeng nagpabago ng buong pagkatao ko,.
dahil alam kong maging maayos ang kalagayan nya sa kanila, at alam kong hindi siya nila pababayaan,
Dom,! mag usap tayo puwedi ba?
tiningala ko ang taong nagmamay-ari ng boses, tumango ako yumuko din agad ng mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harap ko,
Ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ng anak ko? Aniya at pinaka diinan Ang salitang anak ko,
Tumango ako", na hindi tumitingin sa kanya,
Pakkkk....,
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking kaliwang pisngi, at hindi ko iyon ininda dahil pakiramdam ko namanhid na ang buong kalamnan ko ng makita ko kanina ang dugong umaagos sa Binti ni Lyn,
Dahil mas higit ang sakit na aking nararamdaman ngayon dahil alam kong mawawala sa amin ang anak namin ni Lyn, Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang kalagayan niya, ganito pala kasakit sa dibdib Ang mawalan ng anak,
Haa...!...! Ang lakas naman ng loob mong buntisin ang anak ko, anong karapatan mo para paki-alaman ang anak ko ha,,,,,,
alam mo ba kung ilang taon palang siya, she is 17 year's old, at alam mo ba kung anong kaso ang nararapat para sayo,?
Tumango ulit ako, bilang tugon sa tanong niya,"
At talagang pinagsabay mo pa silang mag pinsan, ibang klase ka rin talaga,
Patawar..........
Hindi ko natapos ang Sasabihin ko ng magsalita siya ulit,
layuan mo ang anak ko,
Maikling salita ngunit ikinaguho ng mundo ko, gusto kong lumuhod at magmakaawa sa kanya at sabihing huwag nilang gawin iyon sa akin dahil Mahal ko na ang anak nila,
Pero bakit? .... Bakit?" walang salitang gustong lumabas sa aking bibig, nanlalabo ang aking mga mata dahil sa namamasa na ito at gusto na nitong bumagsak, pero para hindi mahalata ng kaharap ko Ang nagbabadya kong mga luha ay iniyuko ko pa Ang aking ulo,
marami akong pangarap para sa kanya, mga pangarap na naglaho ng dahil yon sa ginawa mo,
Naiintindihan mo ba, aniya at pinatigas na pinadiing salita,
Kung hindi mo siya lalayuan hindi ako mangingimi na ipakulong ka,
Pagkatapos sabihin iyon ay agad na siyang umalis,
Unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa Pinipigilan, for the first time itong nangyari sa buhay ko, ang umiyak nang dahil sa babae, kahit minsan hindi ko ito naranasan,
Lyn,,! Babe,,! mahal na mahal kita,
Mahal na kita sa simula palang,
Hindi ko alam kung Kaylan ito nagsimula, pero ramdam ko na sa simula palang may nararamdaman na ako para sayo,
Napangiti ako ng maalala ko ang una naming pagkikita,
Flashback
Love, this is my cousin marghielyn,,
my favorite cousin, mabait yan, masipag, mapagmahal, matalino at... sinadyang binitin ang sasabihin,
Syempre maganda, like me,
Pagpapakilala sa akin ni Elsie sa mga pinsan niya, at kabilang na nga doon si marghielyn,
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, kasi sa lahat ng mga pinsan ni Elsie ay siya lang pinaglahadan ko ng aking kamay para pormal na magpakilala,
I'm Dominick Sanchez, aniko sabay lahad ng kanang kamay sa harap niya,
Agad niya namang inabot ang kamay ko para tanggapin ang pormal Kong pagpapakilala sa kanya,
May kung anong malakas na kuryenti ang dumaloy sa buong pagkatao ko at tinungo nito ang puso ko, na siyang naghuhurumintado na sa mga oras na ito, hindi iyon normal sa pagtibok nito,
Nakatuon lang ang paningin ko sa kanya, hindi ko alam kung saan ako na attract, sa sinabi ba ni Elsie o sa maganda niyang mukha,
Natural ang kagandahan, walang make-up, walang anomang lipstick o liptint na gamit para maging mapula Ang mga labi, sadyang napaka-natural na mapula ang labi niya, ang straight at makapal na buhok na lampas balikat at ang bangs nito na siyang higit na bumagay sa hugis ng kanyang mukha, ang manipis nitong kilay, mahabang pilik mata at kulay brown na mata, ay natural na natural,
Love!,, love,,,!" Ani Elsie habang niyugyug ang aking katawan,
saka palang bumalik ang katinuan ko ng may humawak sa aking pisngi at paharap kay Elsie,
Ha!.............
Ma......may sinasabi ka ba?. aniko,
Napa kunot-noo si Elsie, na nagtataka,
hindi mo yata narinig ang sinasabi ni cuz Lyn sayo,
Ha..!... E,, sorry,,
pasensya na, may iniisip lang kasi,
ano nga ulit yon"
Ahm... Sabi ko Lyn nalang itawag mo sa akin, iyon kasi ang tawag sa akin ng karamihan dito, aniya saka ngumiti,
at bigla kong napansin ang gumuhit na dimples nito sa kanang bahagi ng kanyang pisngi, at ang puti at pantay-pantay nitong mga ngipin,
Love! Tawag ulit ni Elsie, sa tulala kong mukha,
Ah.. okey!," aniko,
End of the flashback.
Noon palang naramdaman ko na ito, pero binabaliwala ko lang yon dahil girlfriend ko Ang pinsan niya,
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko sa aking labi,
Bumalik ang ala-ala ko sa mga pangyayari kanina, at hindi ko maiwasang hindi napaluha habang inaalala ang patakbo niya akong niyakap,
Isinuntok ko sa lupa Ang aking kamao, bakit mo ginawa yon Lyn, dapat ako ang nasa kalagayan mo ngayon, hindi ko mapatawad Ang sarili ko dahil sa nangyari sa anak namin,
Sigurado akong nakunan siya dahil napakaraming dugo ang umaagos sa Binti niya kanina,