“Manang! Manang! Kunin mo lahat ng gamit ni Lia! Sasama na siya sa lalaki niya!" malakas na sigaw ni Daddy na umalingawngaw sa buong bahay. "Tatawagan ko si Attorney Reyes, kailangan nilang ikasal ngayon din!" Mataas pa rin ang tono ng kanyang boses, puno ng galit at hinanakit.
Nagmadali si Manang Anita na sumunod sa utos habang ako’y napaupo na lang sa gilid ng sofa, nanginginig at hindi makapagsalita. Si Daddy naman ay pabalik-balik ng lakad sa living room, halatang hindi mapakali. Sa kabilang banda, si Axel ay nakasandal lang sa pintuan, mukhang wala itong alalahanin. Nakapamulsa pa ito na parang hindi ito naapektuhan ng kaguluhang nagaganap sa pamilya ko. Ang galit ko sa sarili ko at sa kanya ay lalo pang tumindi. Sinadya ba niya ang lahat ng ito? O pareho lang talaga kaming biktima ng maling desisyon?
Naputol ang mga tanong sa isip ko nang marinig ko ang umiiyak na boses ni Mommy. "George, maawa ka naman sa anak natin. Napakabata pa ni Lia para magpakasal! P-palipasin na muna natin ito!"
"Amelia! Huwag mo nang kampihan yang batang iyan! We've done everything para gawing maginhawa ang buhay niya, pero tingnan mo ang ginawa niya!" galit na sagot ni Daddy.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Daddy, sorry! Please, bigyan n’yo ako ng pagkakataon. Ayusin ko ang lahat, aakuin ko ang responsibilidad ko!" Humahagulgol na ako habang pilit na hinahawakan ang braso niya, pero tinabig lang niya ito.
"Responsibilidad? Inunahan mo pa ang kuya mo, Lia! At—" Naputol ang litanya niya nang magsalita si Axel, kalmado pero seryoso ang tono.
"Sir, I know this is a sudden event. To be honest, Lia and I have no special relationship, but I will do everything to hold her accountable. Pakakasalan ko siya ngayon din."
Napataas ang kilay ni Daddy. "Walang espesyal na namamagitan? At bakit mo ginalaw ang anak ko? Anong gusto mong palabasin, na ikaw ang kawawa? Na ang anak ko ang umakit sa’yo?!"
Biglang sumugod si Kuya Lance. "Hudas ka! Sinira mo ang buhay ng kapatid ko!" Babatuhin sana niya ng suntok si Axel, pero napigilan ito ni Daddy.
"Lance, kalma! Ang mahalaga ngayon ay maayos ang sitwasyon. Hindi ko hahayaang mapahiya ang pamilya natin."
Tahimik akong nakayuko. Ang bawat salita ng pamilya ko ay parang dagok na sumasampal sa akin. Napahawak ako sa dibdib, pilit nilalabanan ang hinagpis.
"Pwede po ba akong magbihis?" mahina kong tanong, halos hindi marinig. Napansin kong tiningnan ako ni Axel mula ulo hanggang paa. Nang magtama ang aming mga mata, napalunok ito at umiwas ng tingin.
Walang imik ang lahat. Hinawakan ako ni Kuya sa balikat at inalalayan paakyat sa kwarto. "Lia, don't worry. Everything will be alright," malungkot niyang sabi bago ako iniwan.
---
Habang nasa banyo, pilit kong inalala ang nangyari. Ang malamig na tubig mula sa shower ay hindi kayang pawiin ang sakit na nararamdaman ko. Wala akong maalala kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Nang matapos, nagbihis na ako at bumaba.
Sa living room, naroon na si Attorney Reyes. Sa coffee table, may nakalatag na kontrata at isang kahon ng mamahaling singsing.
"Lia, upo ka rito," malamig na utos ni Daddy. Paupo pa lang ako nang hawakan ako ni Axel sa baywang, inalalayan niya ako. Hindi ko maiwasang mapansin ang mahinang paghinga niya, pero wala akong sinabi.
Umupo si Attorney Reyes sa harap namin. "Once you both sign this contract, your marriage will be official. Hindi na tayo magpapaligoy-ligoy pa. Axel, ikaw muna."
Kinuha ni Axel ang ballpen at walang pag-aalinlangang pumirma. Pagkatapos, iniabot niya ito sa akin. Nangangatog ang kamay ko habang hawak ang kontrata. Tumitig muna ako kay Mommy at Kuya, pero wala akong nakuhang sagot kundi mga luha at tipid na tango. Si Daddy naman, matigas ang mukha, tila wala nang pag-asa sa akin.
“What's taking you so long? Sign it," bulong ni Axel.
Hindi ko alam kung galit o awa ang nararamdaman niya, pero alam kong hindi siya masaya sa sitwasyong ito. Para bang ako ang dahilan ng lahat ng nangyari sa kanya. Dumaan pa ang ilang minuto ng katahimikan bago ako sumagot.
“Paano kung may ibang paraan, Axel? Hindi ba’t—" Hindi ko natapos ang tanong nang sumingit siya.
“Lia, wala nang ibang paraan. This is the only way. Kung ayaw mong mapahiya ka sa pamilya mo, gawin mo na.”
Napabuntong-hininga ako. Sa huli, isinulat ko ang pirma ko.
Kasabay nito, tila nawala ang lahat ng pangarap ko.
“Now, you may exchange rings," sabi ni Attorney Reyes. Binuksan ni Axel ang kahon, kinuha ang singsing, at marahang isinuot sa daliri ko. Ako naman, nanginginig ang kamay habang isinuot sa kanya ang kanyang singsing.
"Congratulations, Mr. and Mrs. Alexander Lane Chaves. Your marriage is now official," masiglang pahayag ni Attorney Reyes.
Tumayo si Axel at nakipagkamay kay Attorney, pero ako, nanatiling nakaupo, pilit nilalabanan ang mga luhang bumabagsak. Napansin kong lumabas si Daddy at Attorney Reyes, naiwan kaming apat sa loob.
Yumakap si Mommy sa akin nang mahigpit. "Patawad, anak. Hindi kita natulungan," umiiyak niyang sabi.
"Mom, kasalanan ko ang lahat ng ito," sagot ko habang hinahawakan ang kanyang mga kamay. Si Kuya naman, patuloy ang masamang tingin kay Axel.
"Axel," malumanay ngunit mariing sabi ni Kuya, "huwag mo lang masaktan ang kapatid ko, kundi lagot ka sa akin."
Walang sinagot si Axel. Hinila na lang niya ako palabas ng bahay. Nang sumakay kami sa sasakyan niya, walang kahit isa sa pamilya ko ang sumilip mula sa bintana. Nangingilid ang luha ko habang binabagtas namin ang daan patungo sa bahay ni Axel, o dapat kong sabihin, bahay naming mag-asawa.
Tahimik kami sa biyahe, hanggang bigla siyang magsalita. "Kamusta ang pakiramdam mo? Does your lower part still hurt?"
Napatingin ako sa kanya, halatang nahihiya siya.
"Oo," tipid kong sagot, sabay iwas ng tingin.
Huminga siya nang malalim. "I'm sorry, Lia. Hindi ko rin alam kung paano nangyari ang lahat. But now, I’ll take care of you."
Nilingon ko ang backseat, punong-puno ng mga maleta ko. Sa loob ko, nagtatanong pa rin ako. Totoo bang aksidente ang lahat ng ito?
O sadyang isang pagkakamaling hindi ko na mababawi?