Tea Time Cafe Bar

786 Words
Alexander Lane's POV Gusto ko lang naman mag-relax. Gusto kong magpahinga at bitawan ang galit na nararamdaman ko. Pero imbes na humupa, parang lalo pang nadagdagan ang inis ko—dahil sa babaeng ito. Para siyang nasa sariling mundo. Kanina ko pa kinakausap, pero tulala lang. Ano bang nangyayari sa mundo ngayon?! Nakatitig siya sa kawalan, parang wala nang balak bumalik sa realidad. “My girlfriend is cheating on me. My bandmates are insufferable. And now, this cashier girl is making my blood boil!” “Miss? Are you alright? Hey! Jeez!” Kinawayan ko na siya sa mukha, pero wala pa rin. Tulala pa rin. Kaya naman, hinugot ko ang panyo ko at iwagayway ito. Sa wakas, natauhan din. “Finally,” bulong ko, napapailing. “Yes, Sir! I’m here! Ay este... ano...” Nauutal pa siya, halatang nawala sa focus. Mas lalo akong nainis. “Can I order now, Miss? What’s taking you so long?” Napansin niya siguro ang iritasyon sa boses ko, kaya nag-adjust siya agad, pilit nagpapakalma. “May I take your order, Sir?” tanong niya, sabay ngiti nang sobrang tamis na parang scripted. Walang epekto. “One shot of Margarita. Now, please,” sabi ko nang madiin, iniangat pa ang boses ko para klaro. Sobra na ang inis ko; hindi ko na matiis. “Okay, Sir! Coming up!” sagot niya, abala agad sa paghahanda. Kumuha ng baso, ng stainless shaker, at nagsimula sa proseso. Halatang nagpapakitang-gilas. Pero nah, wala na akong pake. Ang ganitong galawan, hindi na gumagana sa akin. Habang nagmamaktol ako, napansin kong parang may binubulong siya sa sarili niya. Mukha siyang baliw. This girl is creeping me out. Matapos niyang maihatid ang order ko, kinuha ko agad ang baso at pumwesto sa isang sulok malapit sa mini stage, malayo-layo sa counter para maibsan ang inis ko. --- Lia Dannielle’s POV Kitang-kita ko kung paano sumalampak ng upo yung lalaking galit na galit kanina. Pinapanood ko siya mula sa counter. Napansin ko na panay ang tingin niya sa mga babaeng papasok pa lang sa café. Edi wow! Sila na magaganda! Napairap ako. Ang hilig niyang tumitig sa mga may malalaking... boombaya. Tseh! Bumalik ako sa trabaho. Tuwing ganitong oras—happy hour—inaasikaso ko ang mga orders sa mga mesa. Kapag ganitong busy, napupuyat talaga ako, pero sanay na rin. Hindi biro ang trabaho dito. Para akong nagiging mascot dahil sa uniform naming checkered crop top, high-waisted jeans, at cowboy boots. Kulang na lang kabayo para magmukhang nasa farm. Habang abala ako, napansin kong may lalaking kumakaway. Lumapit agad ako, dala ang pinalaking ngiti. “Yes, Sir? Ano pong kailangan ninyo?” “Miss, available ka ba? Ang ganda mo naman,” sabi niya, may malisyosong ngiti sa labi. Nanindig ang balahibo ko. Aba’t ginagawa mo akong Pk-Pk?! “Pasensya na po, Sir, pero hindi ako kasama sa mga binebenta dito. Maiwan ko na kayo,” sabi ko nang madiin. Halatang narinig ng iba ang pagtataas ng boses ko dahil napalingon sila. “Uy, palaban ka ha? Halika na dito,” sabay hila niya sa braso ko. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko, pero sobrang higpit ng kapit niya. “Aray ko! Bitawan mo ako, bwiset ka!” sigaw ko. Walang pakialam ang lalaki. Kaya naman, buong lakas ko siyang sinuntok sa mukha. Pero mas lalo lang siyang nagalit. Hinablot niya ang kwelyo ko, at mukhang sasapakin niya ako. Biglang may pumigil sa kamay niya. Pagmulat ko, nakita ko ang lalaki mula kanina—ang iritadong customer na muntik ko nang pagalitan. Napahiga na sa sahig ang manyakis. “P*ta, pare, ano bang problema mo?!” bulyaw ng manyakis, sapo ang pisnging sinuntok. “Any sane man would do this, bro. And let me tell you, what you did was a foul,” madiin na sabi ng gwapo kong tagapagligtas. Tinitigan niya ang lalaki nang matalim bago ako hinila palayo. Napatitig ako sa kanya habang hawak niya ang braso ko. Ang pointed nose niya, yung mapang-akit na mga mata, at ang bango niya! Para akong nawala sa sarili. Pagkarating namin sa counter, binitawan niya ako. Wala siyang sinabi, ni hindi ako tinignan. Agad siyang umalis. “Lia, ayos ka lang ba?” tanong ni Allen, mukhang nag-aalala. “Mag-break ka muna. Kami na ang bahala rito. Pahinga ka na muna sa loob.” Tumango lang ako, hindi makapagsalita. May parte sa akin na sobrang nanghihinayang. Hindi ko man lang siya napasalamatan, ni hindi ko alam ang pangalan niya. Napahawak ako sa braso ko, doon sa lugar kung saan niya ako hinawakan. At hindi ko maintindihan—pero may kabog sa dibdib ko na hindi dahil sa takot. “Ano bang nangyayari sa akin?” !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD