“Liaaaaaaa!” Nagising ako sa sigaw ng Mommy ko!
“Lia Dannielle bumangon ka na diyan, ma le-late ka na sa klase mo!” sigaw ni Mommy habang walang tigil sa pag katok sa kwarto ko. Wala sa sariling napatayo na ako sa higaan, Kakamot kamot pa ako sa mata habang binubuksan ang pinto.
“First Day of Class late ka nanaman? Sinabihan na kasi kitang tumigil ka na sa pag Babarista mo para maka focus ka sa Studies mo!” irita paring wika ni Mommy
“Mom you're being exaggerated! Look!” inabot ko dito ang alarm clock ko. “7am pa ang klase ko Mom, It's only 5:20 in the morning! Masyado pang maaga!” Sabay mapang asar ko itong nginitian. Pabiro naman ako nitong kinurot sa singit.
“The point is? You're slow like a turtle, Kaya sige na maligo ka na muna bago ka bumaba!” Wala akong choice kundi ang sundin si Mommy. Masyado talagang on time kahit kelan ang mga matatanda ano? “Heheheh!”
Nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko ay dumeretso na ako sa cabinet para I ready ang mga susuutin ko, No Uniform na kasi sa School na pa-pasukan ko, Simple white V,Neck-shirt and a black Jeans,matching it with sneakers. After kong maligo at mag bihis ay inayos mo muna ang sarili ko sa harapan ng Salamin. Alam kong maganda ako, kitang kita ng sarili kong mata ang kabuuan ko. I have this Brown Black Eyes, Curly Natural long Lashes, Not so Pointed Nose but in a Good Way, At my lips na kahit hindi mo na lagyan ng lipstick ay mapula na. Bumagay din sakin ang Natural Black curly hair ko na nakuha ko sa Mommy ko. “Hay Tama na nga Ang pagmumuni-muni!” bulong ko sa sarili ko, Kinuha ko na ang Mini Backpack ko at nag mamadali na akong bumaba sa Sala.
Naabutan ko si Mommy at Dad na nag Kakape habang abala pag scroll sa phone nila. As Usual naka ready na ang masasarap na putahe sa lamesa, Si Mommy paba eh kung sa lutuan ay tiyak champion ito.
“Ano Oras ka makakauwi mamaya galing school anak?” Tanong ni Dad.
“Di ko Po alam Dad, Dederetso na Po kasi ako sa Cafe after Ng Class!” Sagot ko habang nag lalagay na ng pagkain sa plato. Inabutan Naman ako ni Mommy ng Coffee. “Thanks Mom!” Nakita ko ang matamis na ngiti ni Mommy.
“You Better stop Working Hija! Masyado ng hassle Yung trabaho mo sa iyo, Kaya ka naman namin suportahan ng Mommy mo!” Ani Dad habang humihigop sa kape niya.
“Don't Worry Dad, I can handle both naman, Sayang po kasi, 7am to 12pm lang ang pasok ko and 3 times a week lang, Matetengga po ako sa bahay mas gusto ko yung may ginagawa ako.” as usual iiling iling nanaman ang Daddy.
Actually kaya naman ako suportahan ng Mommy at Dad ko kahit pa in my entire life sa mundo, pero ayaw kong masanay na umaasa ako sakanila, their not getting any younger na din, And Ewan ko ba Kay Mommy ayaw kumuha ng katulong.
“Hija your just 20 you have all of your time to enjoy and relax!” as Dad's always saying. Feeling ko motto na yun ni Dad, everyday nalang “Hehehehe!”
“Yes Dad I Know Po!” ipinag patuloy ko na ang pag aalmusal.
“Siya nga pala, Gisingin mo na ang kuya Lance mo at sumabay kana sakaniya papasok sa school!” Ang napaka bait Kong kuya, Tumalima na ako Kay Dad after ko mag Breakfast, Tinungo ko na ang kwarto nito.
Pero walang nasagot, malamang ay humihilik pa ito, My Kuya is in his last year sa University kaya ayan pa petiks petiks nalang.
“Kuyaaaa!” Sigaw ko habang kinakatok ko ang pinto ng kwarto nito. Naka dalawang katok lang ako ay binuksan na nito ang pintuan, “Aba at bihis na bihis ka na ah!” pang aasar ko Kay kuya, Naka bihis na kasi ito at ready na din pumasok sa school.
“Mukang Excited ang Lia namin sa First day of School ah Haha!” Ang lutong pa Ng tawa nito sarap sapakin.
“Ewan ko sa iyo! Kumain ka na sa baba, sasabay daw ako Sayo Sabi ni Daddy!” I said while rolling my eyes.
“Sure Baby Girl!”Sabay kindat pa nito, Ang lakas talaga msng asar.
“Kuyaaaaa stop it!” pag protesta ko sa pang aasar nito. Si kuya naman ay humahalakhak pa habang bumababa ng hagdanan.
Napaka bait ng kuya ko malakas lang talaga siya mang asar, kaya nabibwiset ako. Humigop lang ito sa kape ni Dad at inaya na akong pumasok sa school. Aba at parang excited pa ang kuya kong pumasok.
Nang makasakay kami sa kotse ni kuya ay pa sipol sipol pa ito habang nag sa-start Ng kotse, siguro ay may magandang nangyari dito, Hindi ma wala wala Ang ngiti sa napaka among mukha nito. Maya Maya lang ay binabaybay na namin ang QC. Mga ilang minutes lang ay narating na namin ang university. Nauna na akong bumaba, Ang kuya ko naman ay tumakbo papalapit sa Isang Babae na Hindi ko Naman Kilala, Malamang First day of school nga diba.
“Lia Come Here!” Sigaw ni Kuya pinapalapit ako nito sa kanilang dalawa. Lumapit naman ako sa mga , Hindi pa kami nakakapasok sa university.
“Hi, I'm Andrea, Nice to Meet you Lia!” Aba at napaka gandang babae naman nito, sa isip isip ko, nakipag kamay ako dito at matamis ako nitong nginitian.
“Girlfriend ka ni Kuya?” I asked
“Hindi pa, Soon!” Sabi Naman ni kuya. Naka angkla ang kamay ng babae sa braso ng kuya ko at sabay sabay na kaming pumasok sa University.
Hinatid muna ako ng dalawa sa Room ko at Maya Maya lang ay Wala na sila sa paningin ko. “Iba rin kamandag ni kuya ah, Isipin mo ganun kagandang babae!!!” nangingiti ako habang iniisip ang mga bagay na yun. Halos lahat ng student naka iphone ah, “Sana All!” oo nga pala naka iphone din naman ako.
May Isa na akong nakasundo sa mga classmate ko si Rora, Napaka tahimik nito sa umpisa pero after a while Nung nagka kilanlan kami ay napaka daldal na niya. Nakakatuwang isipin na napaka ingay pala nito Kasama, sa umpisa kasi ay Akala ko Hindi makabasag pinggan sa sobrang pag ka behave nito.
“You know what Rora , Magkakasundo kayo ni Mommy, Tuwang tuwa kasi yun kapag may nakakausap siya! Lalo na at madaldal, mahilig kasi yun makinig sa nga story!” natatawa kong pahayag dito, Halos lahat kasi ng sabihin nito ay nakakatawa. Kumbaga napaka kalog niya.
“Really? Kailangan mo akong ipakilala sa mommy mo Lia, Saka siya nga pala, Nakita ko ang kuya mo akin nalang siya!” biro ni Rora , Napa hagalpak nanaman ako ng tawa, kasalukuyan na kaming nag lalakad palabas ng Campus. “Napaka gwapo niya! One of this days ay magiging akin din siya, I swear!” Sabi pa nito
“Wag na baka mag sisi ka!” ito Naman ang natawa sa sinabi ko. Nang makarating na kami sa parking ay nasa labas na ang sundo ni Rora..
“Aurora!” Sigaw ng lalaking naka sunglasses na kalalabas lang sa kotse nito. Halos mapanganga ako sa aking nakikita.
The guy who saved me last night and the guy who's calling Rora's name- ay iisa! Mabilis na tumakbo si Rora papalapit sa lalaki.
“Kuya Axel! You Came!” Narinig kong sigaw ni Rora. So- Axel pala ang pangalan nito. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko, sobrang nahihiya ako dito.
“Ofcourse it's your First day sa school as a College Student right.” Sabi Naman ng binata, kahit ang boses nito ay napaka gwapo parin.
“Thank you kuyaa!” Ani Rora “Hey, Lia! Come Here, I want you to meet my Brother!” dahan dahan naman akong lumapit sa dalawa. “Kuya this is my Friend, Lia Dannielle Acosta, and Lia This is Kuya Alexander Lane!” Hindi man lang nito tinugon ang nakalahad kong kamay. Bagkus ay Tumango tango lang ito na para bang Hindi niya ako Kilala.
“Nakaka disappoint Naman!” bulong ko sa sarili ko.
“Gusto mo bang sumabay Lia? ihahatid kana namin ni kuya sa house mo!” Sabi Naman ni Rora.
“No, ah- ano , andito narin naman si kuya maya-maya lang, go ahead Rora Bye!” ako na ang naunang tumalikod sa mga ito, Pu-mwesto ako sa may waiting shed sa labas ng campus. Nang napansin kong umalis na Ang sinasakyan nila Rora ay Saka lang ako nakahinga ng maluwag. “Grabe bakit Naman ako kinakabahan ng ganito eh wala Naman akong ginagawang masama!” sapo sapo ko ang dibdib ko.
I don't think that my Kuya will arrive, Malamang ay may Date ito. Pumara nalang ako ng taxi at nagtungo na sa Cafe Bar na pinag tatrabahuhan ko. Nang makasakay sa taxi at nasabi ko na Ang destination ko ay napatingin nalang ako sa labas ng bintana! “Im not in the mood!” Napaka lalim ng iniisip ko, May Mali ba akong nagawa sa Kuya ni Rora? “Arghhh Nakakaasar!”
Nang marating ko Ang Cafe Bar ay nagmadali na akong bumaba sa Taxi, Naabutan ko Sina Allen na abala sa pag pupunas Ng mga Wine Glass sa Counter. Nakabusangot akong pumasok na nahalata naman dalawa.
“Anong mukha yan Dannielle?” tatawa tawang pang aasar ni Jacob.
“Kamusta Ang first day of Class? Masaya ba Lia?” Nakangiting tanong din naman ni Allen.
“Tigilan niyo nga akong dalawa! Nakakairita! Arghh!” maarte kong saway sa dalawa. Nag derederetso na ako sa Staff Room para mag palit ng Uniform. Nang makapag palit ay dumeretso na ako sa counter para mag punas punas na palagi kong ginagawa.
Wala sa sarili na ilibot ko ang paningin ko sa ka buuan ng “Cafe Bar” Brown Black Theme with a touch of sophistication. Sa gilid ng counter makikita ang mini stage na palaging kinakantahan ng mga customer o di kaya ay ng mga Banda na kinukuha ng Amo namin. May High Ceiling din na pinag sasabitan ng mga mamahaling Wine at Alak. At Ang mga ibst ibang sizes ng Shot Glass. Napaka Ganda sa lugar na ito, Yung nga lang ngayong Araw na ito ay parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko, tila ba parang di ako makahinga.
“Ano ba naman kasing Alexander Lane to! Ginugulo mo ang pusot isip ko bwisit ka!” Wala sa sariling napa hilamos nalang ako sa mukha ko. Napansin kong nag tinginan lang Ang dalawa kong kasama.
Pumasok Muna ako sa staff room para makapag ayos at makapag apply Ng kaunting makeup sa mukha.