Linggo kaya walang pasok at day-off ko sa trabaho. Nasa terasa kaming pamilya—ako, si Kuya, si Mommy, at si Daddy. Halata ang kaseryosohan ng usapan nila. Ako lang yata ang clueless sa nangyayari.
“Bakit napakabilis naman yata, anak?” basag ni Daddy sa katahimikan.
“Huh? Ano bang meron? Sobrang clueless ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit pati ako kasali sa usapan ninyo!” reklamo ko.
“Dad, yes! I am deeply in love with Andrea, and I don’t know what to do if she leaves me!” sagot naman ni Kuya, halatang desperado. Napahithit si Daddy sa sigarilyo niya habang si Mommy ay tahimik lamang at seryosong nakikinig. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maitulong dahil wala talaga akong idea sa usapan nila.
“I understand, Lance, pero bakit parang ang aga naman? Yun ang gusto kong ipaintindi mo sa amin ng Mommy mo. Bakit kailangan agad-agad? Pwede namang next year o after two years,” mahinahon na sabi ni Daddy.
“Hindi na siya makapaghintay, Dad. She said if not now, then it’s never!” Biglang tumayo si Kuya mula sa upuan. “Dad, please! I’m already an adult, and I think I’m ready to build my own family!” Napanganga ako. So, ito pala ang plano ni Kuya? Pakasalan si Andrea agad-agad?
“Kuyaaa! Seryoso ka ba? Wala pa yatang isang buwan mula nung makilala mo siya!” Hindi ko napigilang mag-react. Narinig ko ang palakpak ni Daddy.
“Tama si Lia, anak! Have some time to think. Wala namang problema kung gusto mo nang bumuo ng pamilya, pero napakaikli pa ng panahon na kilala mo siya,” nakangiti ngunit seryosong sabi ni Daddy. Si Mommy? Wala pa ring reaksyon. Tahimik lang talaga.
“Fine, Daddy! I will,” malungkot na tugon ni Kuya.
“Kapag nakapagdesisyon ka na at sigurado ka na talaga sa gusto mo, so be it. Pakasalan mo siya,” sabi ni Daddy sabay tapik sa likod ni Kuya.
Bigla namang niyakap ni Daddy si Mommy. Tumayo si Kuya at mabilis na pumasok sa kwarto niya. Sinundan ko naman agad.
Pagpasok ko, nagulat pa siya.
“Kuya… okay ka lang ba? Tama naman si Daddy, ‘di ba?” tanong ko.
“Yeah,” sagot niya, halatang malungkot.
“Don’t worry, Kuya. Kung desidido ka na talaga, ako pa mismo ang mag-aayos sa bride mo!” biro ko sabay yakap sa kanya. Tumango-tango siya ngunit nanatiling tahimik.
Pagkalabas ko ng kwarto niya, dumiretso na ako sa kwarto ko. Kailangan ko talagang magpahinga. Alam kong ang iniisip lang ni Daddy ay ang kapakanan ni Kuya, lalo na sa business nila. Naiisip ko rin na hindi talaga practical ang desisyon niya. Isang linggo pa lang nilang magkakilala ni Andrea! Paano magiging matagumpay ang ganito?
“Hay, ewan. Pati ako, namomroblema na rin!” Hiniga ko na ang sarili sa malambot kong kama. Pagtingin ko sa oras, alas-nuwebe ng umaga. Nag-set ako ng alarm para magising mamaya.
Pagbangon ko, alas-singko na pala ng hapon. Pupungas-pungas pa akong nagpunta sa CR para maghilamos. Naisipan kong mag-relax sa Tea Time Café Bar. Wala rin naman akong ibang gagawin dito sa bahay.
Pagkatapos maligo, nagbihis ako. Pinili kong magsuot ng black above-the-knee knitted dress na pinartneran ko ng brown flat boots. Naglagay ako ng light makeup at dala ang super mini sling bag ko.
“Now I’m all good!” Kinindatan ko pa ang sarili ko sa salamin. Bagay na bagay sa akin ang dark colors dahil mas lumilitaw ang kaputian ko.
Pagbaba ko, nadaanan ko si Mommy at Daddy na seryosong nag-uusap. Mukhang tungkol pa rin kay Kuya Lance ang pinag-uusapan nila.
“Mom, Dad, I just wanted to give myself a break. Sa café bar lang po ako!” pagpapaalam ko.
“Sige, anak. Pero mag-ingat ka ha. Sino bang kasama mo?” tanong ni Mommy. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi nila.
“Don’t worry, Mom. Andoon naman po sina Allen at Jacob,” sagot ko. Tumango si Daddy at dumukot ng pera sa wallet niya. Limang libo ang inabot niya sa akin.
“D-Dad, para saan po ito? May pera naman po ako. Ngayon pa ang sweldo ko,” tanggi ko. Pero isiniksik niya ang pera sa mini bag ko.
“Treat mo sina Allen at Jacob. They also deserve a break. Tawagan mo si Kuya kung kailangan mong magpasundo, ha?” sabi niya nang malambing.
“Yes, Dad. Mom, thank you! I’m going!” paalam ko bago lumabas ng bahay.
Medyo malayo-layo pa ang lalakarin ko para makarating sa sakayan ng taxi. Ilang minuto ang lumipas, nakasakay na rin ako. Habang nasa biyahe, tumunog ang cellphone ko. Lumabas sa screen ang pangalan ni Allen. Sinagot ko agad.
“Hello, Allen? What’s up?”
“May naghihintay sa’yo dito. Kanina pa alas-kuwatro,” sabi niya.
“Huh? Sino daw? I’m on my way!” sagot ko.
“Sige na, may mga dumadating nang customers. I need to hang up,” sabi niya bago binaba ang tawag.
Pagdating ko sa café bar, medyo madaming tao. Napansin ko agad ang lalaking nakaupo malapit sa counter at mini stage.
Pagkalipas ng ilang minuto, narating ko ang Café Bar. Medyo marami-rami na ring tao ang naroroon. Pagpasok ko, agad kong napansin ang isang lalaki na panay ang tingin sa wristwatch niya, tila naiinip.
“Oh my? Alexander Lane?” Napabuntong-hininga ako at dumiretso papasok sa loob ng Café Bar.
Pagbungad sa akin ni Allen, nag-nguso siya, tinuturo si Alexander na prenteng nakaupo sa kanyang paboritong pwesto, malapit sa counter at sa mini stage.
Habang papalapit ako sa kanya, halos dumagundong ang puso ko sa kaba. Bawat hakbang ay tila ba bumibilis ang pintig ng puso ko. Nang malapit na ako, bigla siyang lumingon at nagtama ang aming mga mata. Agad siyang tumayo, hinawakan ako sa bewang, at biglang hinalikan sa pisngi.
Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Para akong napako sa kinatatayuan ko.
"A-ano?! P-para saan yun?" nauutal kong tanong.
"Pasensya ka na sa inasal ko noong nakaraang Biyernes," sagot niya.
"Ganoon ba? Wala iyon, kalimutan mo na. H-hinahanap mo raw ako? Bakit?" clueless kong tanong.
Inalalayan niya akong umupo at binigyan ako ng isang matamis na ngiti—ang ngiti niyang matagal ko nang inaasam. Napakagwapo niya! Parang natutunaw ako sa bawat titig niya.
"Actually, oo. By the way, Miss Lia Dannielle, gusto ko sanang ipakilala ang sarili ko nang maayos. Hindi ko kasi nagawa iyon last time."
Hindi ko alam kung bakit tila nang-aakit ang bawat kilos niya. Napapangiti ako nang hindi ko namamalayan, pinaghalong hiya at kilig ang nararamdaman ko.
"I’m Alexander Lane Chaves. Gusto ko lang sanang bumawi sa'yo, at pakiusap na rin iyon ni Rora," sabay abot niya ng kamay.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Nginitian ko siya at tinanggap ang kanyang kamay.
"And I’m Lia Dannielle Acosta. It’s my pleasure to finally meet you!" sabay shake hands namin.
Nanatiling nakapaskil ang matamis niyang ngiti sa akin. Siya na rin ang nag-insist na siya ang bibili ng maiinom namin. Saglit siyang tumayo at nagtungo sa counter. Hindi ko maiwasang titigan ang gwapo niyang likod. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang long sleeve black V-neck shirt, fitted pants, at white sneakers. Para siyang modelo, napakabango niyang tingnan kahit nakatalikod.
Pagbalik niya, nakangiti pa rin siya. Hindi ko alam kung anong nakain niya at napakabait niya ngayon, pero sana hindi na ito matapos.
"Here, my favorite Margarita," sabi niya sabay abot sa akin ng baso.
"Salamat. Ako naman next shot ang bibili, Alexander!" sagot ko, na ikinatawa niya.
"I won’t mind if you call me Lane or Axel instead of Alexander," sabi niya habang tumatawa. Tumango na lang ako at ngumiti.
Habang nag-uusap kami, napansin kong ang mga babae sa paligid ay panay ang tingin kay Axel. Halatang-halata ang interes nila. Naiinis akong napairap sa kanila. “Sakin lang si Axel, walang pwedeng umagaw!” bulong ko sa sarili ko.
Bigla siyang nagsalita, "I think we need wine. Hintayin mo ako diyan."
"Sige," sagot ko habang nakangiti.
Maya-maya lang, bumalik siya dala ang wine at tinanong ako:
"Care to dance, Lia?"
Agad niya akong iginiya sa mini stage. Narinig ko ang tugtog ng kantang Lady in Red. Hawak niya ang aking bewang, at ang mga kamay ko naman ay nakapulupot sa kanyang leeg.
"Axel," mahinang tawag ko.
"Hmm?" sagot niya nang malambing, sabay higpit ng yakap niya sa akin.
"Why are you doing this?" tanong ko habang halos hindi ako makahinga sa kaba.
"Because I want to," bulong niya. Narinig ko ang mahina niyang halakhak, na lalong nagpataas ng kilabot sa akin.
Napansin niyang hindi na ako komportable, kaya hinila niya ako pabalik sa upuan. Inalalayan niya akong umupo at ipinatong ang isang tray sa mini table namin. May red wine, prutas, at iba’t ibang klase ng chocolates.
"Wow," bulalas ko.
Pinagsalin niya ako ng wine, inikot pa ito sa baso, inamoy, at tinikman na parang expert. Tila napansin niyang nakatitig ako, kaya tumawa siya. Mabilis akong bumaling ng tingin, ngunit lalo lang niyang sinundan iyon ng nakakabighaning ngiti.
"Huwag ka ngang ma-tense," sabi niya nang malambing. "First time bang may gumawa nito para sa’yo?"
Tumango ako. "Oo. First time may sumayaw sa akin, first time ding may humalik sa pisngi ko… at lahat ng ito." Itinuro ko ang mesa.
Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti. "Halata naman. Pulang-pula na kasi ang mukha mo, Lia. Ilan na ba ang naging boyfriend mo?"
Hindi ko alam kung sasagutin ko siya. Pero sa huli, inamin ko:
"W-wala pa. K-kaya hindi ako sanay, lalo na sa ganitong set up."
Napangiti siya. "Let’s toast for that, my girl!"