Naghahanap ako ngayon sa cabinet na magandang isusuot para sa double date. Maganda ang panahon ngayon pero medyo malamig. Pinili ko ang bistidang hanggang taas ng tuhod. Kulay beige ang kulay at papatungan ko na lang ng makapal na coat. Magsusuot din ako ng boots para bumagay at hindi lamigin ang paa ko.
Kinuha ko rin ang make-up kit ko para maglagay ng kaonting kulay sa mukha ko. Excited din ako para sa araw na ‘to dahil sabi nga ni Ninong... first date namin ‘to. Gusto kong maging espesyal at maging maganda sa paningin niya.
Light na kulay ng lipstick ang in-apply ko. Very light na kulay ng blush on para hindi ako magmukhang multo lalo na kapag tatamaan ng liwanag. Sinuot ko rin ang kwintas na bigay ni Ninong sa akin noon. Ang pendant nito ay may pangalan ko. Ito ang pinakamahal kong natanggap na regalo kay Ninong. Gold necklace na 24k at alam kong hindi basta-basta ang presyo dahil pinasadya pa niya. Pero ang engagement ring na suot ko ay may diamond na bato. Mas mahal yata ito kaysa sa kwintas na suot ko.
Pinili kong itirintas sa magkabilang side ang buhok ko. Nakita ko kasi sa phone ko na magiging mahangin ngayong araw. Nasiyahan ako sa nakita dahil mas lalo akong nagmukhang fresh tingnan. Nag-add din ako ng mascara para mabuhay ang mga pilikmata ko. Ngumingiti ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang ayos ko nang pumasok si Ninong.
“Wow...” bulalas niya nang masilayan ako.
“Ako dapat ang magsabi niyan sa ‘yo,” nakangiting wika ko dahil mas bumata tingnan si Ninong Dave sa suot niya ngayon. Gray long sleeve na tinaas niya ang manggas hanggang sa baba ng siko. May tatlong butones sa bandang dibdib na hinayaan niyang nakabukas ang dalawa. Black pants at rubber shoes. May suot din siyang mamahaling relo at itim na shades. Mas nagmukhang malaki ang katawan niya dahil sa suot niya.
Hinapit niya ‘ko sa beywang nang malapitan ako. “You’re so beautiful...” Hinalikan niya ang labi ko.
“And you’re so handsome as always.” Muli niyang hinalikan ang labi ko nang mas matagal at may diin.
Binitawan niya ang labi ko at halata ang pagpipigil sa kaniya. “Hindi pa pwede,” bulong niya sa sarili at nginitian ako.
Pinunasan muna niya ang gilid ng labi ko. Nabura na yata ang lipstick ko. Nilingon ko ang salamin at nag-apply uli at saka nilagay sa purse ang lipstick para may pang retouch ako mamaya.
“Shall we?” nakangiti at excited niyang tanong.
“Let’s go, babe,” nakangiting sabi ko. Nahuli ko ang pagpula ng mukha niya. Malakas akong tumawa.
“Ganiyan ka pala kiligin, Ninong,” panunukso ko.
“Muntik na ‘kong atakihin sa puso,” wika niya kaya mas natawa ako.
“Let’s go na,” aya ko sa kaniya. Hindi siya gumagalaw. Bumuntong-hininga ako.
“Babe, let’s go.” Doon lamang siya gumalaw kaya kunwari ko siyang inirapan. Kailangan talagang babe pa ang itawag para sumunod siya.
Nang makababa kami at masakay sa sasakyan ay may itinanong siya sa ‘kin. “Pwede bang... okay lang bang...” hinihintay ko ang sasabihin niya. Nahihiya siya.
“Okay lang bang tawagin mo ‘kong babe ngayong araw?” Namumula na naman ang buong mukha niya.
“Okay,” agad kong sagot.
“Talaga?!” Hindi naman big deal ‘yon. Saka nagsasama na kami at magpapakasal din in the future.
“Yes. I think, ito ang magiging simula ko para masanay akong hindi ka na tawaging ninong.”
Nangiti siya sa ‘kin at hinalikan ako sa labi. “I love you,” he murmured.
“And I love you too, Ninong babe.” Kumunot ang noo niya kaya tinawanan ko na naman siya. Pailing-iling siyang nagmaneho habang nakangiti.
Si Ninong ang nag-suggest ng magandang lugar na perfect para sa mga date na romantic. Magkahawak ang mga kamay namin habang nagda-drive siya. Ang isang kamay niya ay nasa manibela at ang isa ay hawak ang kamay ko at maharang hinahaplos ang mga daliri ko.
Ang gwapo niyang tingnan habang nagmamaneho. Ang mga mata niya ay nakasentro lang sa daan pero aware na aware na pinagmamasdan ko siya dahil pangisi-ngisi siya at namumula na naman ang pisngi.
“Mag-focus ka sa pagda-drive,” kunwaring singhal ko sa kaniya,
“Naka-focus naman ako ah?” Mas lalo siyang napangiti. Inirapan ko siya.
“Ikaw din naman masiyadong naka-focus sa ‘kin,” tudyo niya.
“Huwag kang assuming, Ninong babe.” Inirapan ko siya uli.
“Okay. Sabi mo eh,” pagpipigil ngiti niyang sabi.
Nakarating kami sa restaurant. Classic restaurant na para bang nabubuhay ka noong panahon ng 1920’s. Ang vibes ng lugar ay sobrang nakaka-relax. Kahit ang mga waiter at waitress ay makaluma rin ang suot.
Tumuloy kami sa loob at mas lalo kong naramdaman ang pagiging classy at vintage ng lugar. Mula sa mga lamesa at upuang mukha ng antique, sa chandelier na nakasabit at ang musikang napakasarap sa pandinig. Hindi nanggagaling sa speaker kundi sa mga intruments na live na pinapatugtog. Ang tunog ng piano at ng violin... isama pa ang maliit na trumpet na napaka-romantic. Wow! This is really a perfect place for romantic dates!
“May pina-reserve na ‘kong table natin,” wika ni Ninong habang ang kamay ay nasa beywang ko, nakaalalay sa akin.
Agad kaming in-assist ng isang waiter at dinala sa nasabing table. Apat ang seats kaya para talaga ito sa double date. Pinaghila ako ni Ninong ng upuan at nagpasalamat ako sa kaniya. Ang pwesto ay malapit sa bintana kaya nakikita ko ang mga dumadaang sasakyan sa labas.
May menu book nang nakahanda pero hindi ko pa feel um-order dahil namamangha pa rin ako sa lugar. Kung alam ko lang na ganito ang pupuntahan namin... sana hindi ganito ang suot ko. At pati si Ninong ay hindi rin para sa ganitong lugar ang suot niya.
“Sana sinabihan mo ‘kong classic vintage pala ang kakainan nating restaurant. Sana nakapgbihis ako ng mas aayon sa ambiance ng lugar,” mahinang bulong ko.
“Pwede pa naman tayong kumain sa susunod dito,” wika niya.
“Mukhang mamahalin dito e.”
“Mas mahal kita, Faye,” malambing at nakangiting sabi niya. Kinuha pa niya ang kamay ko at dinala sa labi niya. Hindi nakaligtas ang ngiti sa labi ko sa mga mata niya kaya lumawak ang ngiti niya sa labi.
Nag-order na kami habang hinihintay sina Marielle. Kakakain pa lang namin pero nae-excite na ang dila kong makatikim ng pagkain dito. Saktong kakaalis lang ng waiter nang dumating sina Dave at Marielle.
Maaliwalas ngayon ang mukha ni Marielle nang batiin niya ‘ko. Hindi na kaya siya dismayado sa ‘kin? Si Dave naman ay gano’n pa rin pero tuwing titingnan niya ‘ko... may kung ano’ng kislap sa mga mata niya. He look so handsome today.
Bagay pala sa kaniya ang mga damit pang winter. Puro black ang kulay ng suot niya at talagang bumagay sa kaniya. Mukha siyang astig at cool tingnan. Isang damping halik ang binigay niya sa akin nang batiin niya ‘ko. Tumikhim si Ninong kaya naalis ang titig ko kay Dave.
“Kaka-order lang namin kaya um-order na rin kayo,” nakangiting sabi ni Ninong para ibahin ang atensyon ni Dave.
“Okay. Great! I’m starving!” makulit na bulalas ni Marielle at agad na binuklat ang menu book. Mabuti naman at bumalik siya agad sa dati niyang mood.
Magkaharap si Dave at Ninong at kami naman ni Marielle. Apat kami dito pero dalawang Dave ang nakatingin sa akin. Parang may magnet ang mga mata nilang dalawa.
“Guys, double date ito. Hindi triangle,” makahulugang suway ni Marielle sa kanila habang ang mata ay nasa menu. Tinikom ko naman ang bibig para pigilan ang sariling tumawa. Tinawag agad ni Marielle ang waiter at sinabi ang order niya at gano’n din si Dave.
“This is a nice place. I like it,” wika ni Marielle habang pinagmamasdan ang paligid.
“Thank you,” pasalamat ni Ninong.
“After we eat, mamamasyal tayong apat. And Tito Dave... ikaw ang toka sa mga places dahil matagal ka na rito. One week lang kami ni Dave kaya gusto kong sulitin ang stay ko kasama si Faye.” Nginitian niya ‘ko kaya mas gumaan na ang pakiramdam ko.
Dumating ang orders namin at kumain kami ng tahimik. Kung ano ang ganda ng lugar ay siya rin ang mga pagkain.
“This is so good!” ani ni Marielle habang kinakain ang steak niya. Walang masiyadong dumadaldal dahil pare-pareho naming ninanamnam ang mga masasarap na pagkain.
“Very,” usal naman ni Dave at napainom sa baso ng wine.
Matapos ang masarap na pagkain ay nagpasya kaming tumungo sa isang lugar kung saan pwedeng mag-ice skating.
“This is exciting!” wika ni Marielle.
Nang makapagsuot ng sapatos para sa ice skating ay mahigpit akong kumapit sa gilid. Hindi ako marunong tumayo gamit lang ang ganitong sapatos. Madulas din kaya naninigas ang mga binti ko.
Pareho kami ni Marielle na hindi marunong kaya kaming dalawa ang magkahawak. Matapos makapagpalit ng sapatos si Ninong at si Dave ay sumama ako kay Ninong at si Marielle naman kay Dave. Pareho silang marunong kaya sila ang magtuturo sa ‘min ni Marielle.
“Relax,” bulong ni Ninong. Mahigpit akong nakahawak sa kamay niya.
“I’m trying. Ang dulas kasi.”
“Isipin mong kabisado mo ang sapatos na suot mo. Ang madulas na yelong sahig ay dapat sumabay sa paa mo.” Kumunot ang noo ko.
“I don’t get it.”
“Sabayan mo na lang ako.”
Nang subukan ko siyang gayahin ay natumba ako. Agad lumapit si Dave habang hawak niya si Marielle. “Ayos lang ako,” wika ko sa kaniya nang akma niya ‘kong tutulungan.
Itinayo ako ni Ninong at hinila palayo kina Marielle. “Slow down. Natatakot ako,” kinakabahang sabi ko.
“Trust me,” nakangiting sabi niya.
Mahigpit pa rin akong nakahwak sa kamay niya. Hila-hila niya ‘ko hanggang sa sumasabay na rin ang mga paa ko. Sa sobrang tuwa ay tumatawa ako.
“See?” nakangiting tanong niya.
“Madali lang pala,” usal ko. Sinubukan niya ‘kong bitawan at kaya ko nang tumayo mag-isa!
“Aha! Marunong na ‘ko!” malakas kong boses at sinubukang lumayo.
Si Marielle ay tinuturuan pa rin ni Dave. Lumapit kami ni Ninong sa kanila.
“Ang hirap!” reklamo ni Marielle.
“Mas magaling na Dave yata ang tagaturo mo,” wika niya kaya natawa naman si Ninong. Si Dave naman ay napailing na lang.
“I told you to relax,” wika naman ni Dave.
“Nakakatakot kasi e. Ang hirap mag-relax,” reklamo pa ni Marielle.
“Come here,” tawag sa kaniya ni Ninong.
Hinawakan niya si Marielle at hinila gaya ng ginawa niya sa ‘kin kanina. Kasama ko ngayon si Dave habang pinapanood sina Ninong at Marielle. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila.
“Masaya akong makita kang masaya, Faye.”
Napalingon kaagad ako kay Dave. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Masaya naman talaga ako. Well, nitong mga nakaraan ay palagi akong down na down dahil sa anxiety ko. Marami akong iniisip na mga bagay na hindi ko dapat pag-aksayahan ng panahon. Masiyado kong pinoproblema ang mga haka-haka sa isip ko.” Tahimik naman siyang nakikinig sa akin.
“Dito sa ibang bansa... hindi talaga maiiwasan ang homesick. Iba ang vibes sa Pinas. Malayong-malayo talaga. Talagang napatunayan ko rito ang kasabihang... “There’s no place like home”. At isa pa... wala pa ‘kong mga kaibigan dito kaya nami-miss ko talaga kayo ni Marielle. Lalo ka na, Dave...” Ngumiti ako sa kaniya mula sa puso ko.
Mahal ko si Dave dahil naging mabuti siya sa akin. Mapa-kaibigan man, kamag-anak o kung sino pang naging malapit sa ‘yo, sila talaga ‘yong hahanap-hanapin mo tuwing kailangan mo ng makakasama. But I have Ninong Dave. Kuntento ako doon kaya lang... may mga pagkakataon talaga na hahanapin mo ang mga kaibigan at mahal sa buhay. Lalo na kapag tahimik ang paligid, doon umaatake ang anxiety ko. Kaya gusto ko ng saya at aliw na pakiramdam para maiwasan ko. . .pero malalayo naman ang mga kaibigan ko.
“Noong nabalitaan kong naging critical ang lagay mo... gusto ko nang lumipad papunta rito…pero para lang dalawin ka. Wala akong balak na kunin ka sa kaniya dahil nakikita ko namang masaya ka.” Iyong ngiti niya ay halatang kuntento sa nakikita sa akin ngayon. Panatag ang kalooban niya at masaya siya para sa ‘kin. Nakakamangha na may mga ganito pa ring tao dito sa mundo.
“Bakit ang bait-bait mo sa ‘kin, Dave? Sobrang maintindihin mo,” wika ko. Sa lahat ng nangyayari ay hindi manlang siya nagtatampo o nagagalit.
“Iyan din ang palaging tanong ng Ate ko. Kanino raw ako nagmana?” wika niya at saka mahina tumawa.
“Hindi ko kasi talaga masiyadong iniisip ang mga bagay-bagay. Magdudulot lang ‘yon ng stress sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin. I don’t want them to get worried about me. So, kung kaya ko namang intindihin, tanggapin ang mga bagay-bagay... mas madaling mabuhay. Kasi, kung maiinis ako, magagalit o kung ano pa mang magbibigay ng ikakasama ng loob ko... may magbabago ba? Matutulungan ba ‘ko ng galit, inis? Hindi naman ‘di ba?” I nodded once.
He’s right. Hindi naman maibabalik ang nangyari kapag nagalit o nainis o kung ano pa man. Sasama lang talaga ang loob mo kapag gano’n. Napahanga na naman ako sa mga salita ni Dave.
“Kaya imbes na magmukmok at problemahin ang mga problema… tatanggapin ko na lang. Iintindihin ko na lang. Dahil ang buhay natin hindi naman patas at pare-pareho. Hindi tayo pantay-pantay at pare-pareho ng dahilan at sitwasyon. Sometimes we need to accept what we have. Be contented and be happy kahit madalas mahirap at kumplikado.”
“Maiksi lang ang buhay natin, Faye kaya mabuhay dapat tayong may kabuluhan. Huwag kang mabuhay sa stress at problems, paiiksiin lang niyan ang buhay mo.”
Sa dami niyang sinabing mahahalaga ay hindi na namin napansin sina Ninong at Marielle. “Look at her,” turo ni Dave kay Marielle. Napalingon naman ako kay Marielle. Marunong na siyang mag-skating!
“Puro siya reklamo kanina. Pero no’ng tinigil niya at sinubukan niya... she learned,” makahulugang sabi ni Dave.
Now, I get it. Stop complaining. Tigilang mag-isip ng bagay na hindi naman nakakatulong sa buhay natin. Kasi tama si Dave…wala namang maibibigay na mabuti ‘yon. Bibigyan lang tayo ng sakit ng ulo, sama ng loob na siyang nagbibigay kahinaan sa atin.
“Naiintindihan ko na kung bakit hindi mo ‘ko pinipilit na ligawan. Kasi tanggap mong hindi pa pwede. Hinahangaan kita, Dave. Ang sarap sa pakiramdam na nakilala kita.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang braso niyang yumakap sa akin.
Kung ano ang buhay na pinili ko, dapat mabuhay ako ng makabuluhan kahit gaano kahirap at kakumplikado. Dahil nasa tao ang desisyon, nasa tao lang kung papaano niya gagawing makabuluhan ang buhay na pinili niya. I want a happy and simple life with Ninong Dave kahit maraming struggles na pagdadaanan.
“I’m glad nagpunta ka sa bar ko noon,” nakangiting sabi niya na agad kong sinang ayunan.
“Oo nga.”
“Pero huwag mo pa rin kakalimutan na kapag pinaiyak ka niya…”
“Kukunin mo ‘ko sa kaniya?” nakangiting tanong ko.
“Yes. I mean it, Faye.”
“Alam ko naman ‘yon.”
“Alam mo bang bumabawi si Ninong sa akin ngayon? May tatlong buwan siya para ipakita sa akin na deserve niya ang tulad ko.”
“Hindi ko nga alam kung ano bang ginawa ko sa inyong dalawa at minahal ni’yo ‘ko ng ganito,” natatawang dugtong ko.
“Because you are a especial, Faye” nakangiting sabi ni Dave.
“Ang dalawang Dave sa buhay ko ang nagparamdam na espesyal ako, lalo ka na, Dave. Thank you.”
Ngayon mas tanggap ko na ang buhay na meron ako ngayon. Hindi na masiyadong mabigat sa puso na i-let go si Dave at piliin si Ninong. I think this double date went well. It went, very well. May mga bagay akong natutunan at bagong experience na mai-a-apply ko sa buhay.