Chapter 18

2570 Words
“Mabuti na lang at naisugod ka ni Tito Dave sa hospital. Nag-aalala talaga ko ng sobra nang tawagan mo ‘ko at sinabi mong kagagaling mo lang sa opera,” wika ni Marielle. Nasa boses pa rin niya ang takot kahit okay na okay na ‘ko ngayon. “At mabuti na lang... nasa two week vacation ako dahil katatapos lang ng finals namin. Mabuti na lang talaga kaya agad akong nagpa-book ng flight kay Mommy,” dagdag pa niya at uminom sa baso ng juice. Napalingon naman ako kay Dave. Sakto namang nakatitig siya sa ‘kin kaya nagtama ang mga mata namin. Sandali akong napako sa mga mata niya. Siya lang nakakagawa ng ganito sa ‘kin. Kapag tinititigan ko si Ninong Dave, hindi ganito. Hindi rin nabubuhol ang t***k ng puso ko. Malakas na tumikhim si Ninong kaya napakurap ako at umayos ng upo. Nandito kaming lahat ngayon sa sala at nanunuod. Nakabukas ang TV pero wala sa amin ang interesado sa palabas. Lalo na si Marielle na mukhang maraming gustong marinig na kwento mula sa akin. Si Dave kaya... marami rin gustong marinig sa akin? Bakit siya sumama dito? Nalaman din kaya niya? Nag-alala rin kaya siya sa ‘kin? Nang dumating sina Marielle at Dave ay pinatuloy sila ni Ninong dito sa loob ng bahay, pero alam kong napipilitan lang siya dahil nandito si Dave. . .halata naman. Aalis din sila mamaya para tumuloy sa isang hotel. “Ako ang tumawag at nagbalita kay Dave ng nangyari sa ‘yo,” tila sagot ni Marielle sa isip ko. “Mauuna nga dapat siya para bisitahin ka... mabuti na lang at nakinig din sa akin. Wala kasi akong kasama at ang layo-layo ng America,” dagdag pa niya. “Sobrang alala ni Dave sa ‘yo, Faye,” makahulugang dugtong pa ni Marielle. May halo pang kilig ang boses at ngiti niya sa amin ni Dave. Hindi naman ako makangiti dahil may matang nakatingin at tila nagbabantay sa magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil iba na ang awra ni Ninong Dave. Nasa mahabang sofa kami nakaupo. Si Dave ay nasa kanan ko at si Ninong ay nasa kaliwa ko. Si Marielle ay nasa single sofa sa gilid ni Dave. Para akong naiipit. Kapag lilingon ako kay Dave... sobrang lapit niya at aaminin kong na-miss ko ang amoy ng pabango niya na humahalo sa sarili niyang amoy. He smells like home. Umiiwas kaagad ako ng tingin kapag nahuhuli ako ni Ninong. Para kaming magkasintahan na lihim na magkarelasyon sa harap ng magulang. Panay ang subo ko sa popcorn dahil sa kaba sa dibdib ko. At si Marielle naman ay panay din ang subo na akala mo’y nanunuod ng teleserye. Na-e-excite sa bawat episodes kahit wala naman. “O-Okay na ‘ko ngayon. Wala ng dapat alalahanin dahil naagapan naman ako kaagad. Mabuti na lang talaga at dinala ako ni Ninong sa hospital noong gabing ‘yon,” mahinang boses ko. “Dave, dapat niyayakap mo si Faye!” tudyo ni Marielle. Alam kong kanina pa siya nagpaprinig sa amin ni Dave. Kanina pa nga siya kinikilig kahit wala namang nakakakilig na nangyayari. O baka kinikilig siya sa mga titig ni Dave sa akin. Namumungay kasi ang mga mata ni Dave na para bang miss na miss na niya ‘ko ng sobra. Kaya siguro nanunukso itong si Marielle na yakapin ako ni Dave. Napansin din siguro niya. “Tapos na kanina, ‘di ba?” walang gana kong tanong kay Marielle. Sandaling yakap at isang halik sa pisngi lang ‘yon kanina pero nagbigay ng saya sa puso ko. Masaya akong makita siya ulit. Pati na rin si Marielle. “Iba ‘yon sempre,” ani ni Marielle. Rinig na rinig siya ni Ninong Dave. Nakakahiya! Wala talagang preno ang bibig. Pinandilatan ko siya ng mata para warning-an. Imbes na itikom ang bibig ay ngumisi pa siya sa ‘kin. “Don’t tell me nagkakahiyaan pa kayo sa isa’t isa? Pagkatapos ng ilang buwang nag live-in kayo?” nakangising tanong niya. Aawatin ko na sana si Marielle nang magsalita si Dave. “Faye and I are good friends. Ako lang naman ang may feelings sa kaniya, right, Faye?” Gusto kong aminin na mahal ko rin siya sa mga oras na ‘to pero hindi ko ginawa dahil may paninindigan ako sa salita ko. Binigyan ko ng chance si Ninong Dave kaya ibibigay ko sa kaniya ang chance na ‘yon. Kaya nga hindi ko rin masiyadong ini-entertain si Dave kahit miss ko na siyang kausapin. “Mm.” Tipid kong sagot at isang beses na tumango. “Ano’ng ikaw lang? In-love rin si Faye, sa ‘yo, Dave.” Pwede bang manakal ng kaibigan? Namula ang buong mukha ko lalo pa at gulat na nakatunghay si Dave sa akin ngayon. “N-Nagbibiro lang ‘yan si Marielle,” katwiran ko at yumuko. “Palibhasa first time magka-jowa kaya ka gan’yan,” tudyo ni Marielle sa ‘kin. Napaangat ako ng mukha sa kaniya. Gusto kong punuin ang bibig niya ng popcorn para matahimik. Si Ninong naman ay kanina pa tahimik. Alam kong nasasaktan siya sa mga naririnig. “Ang... ang totoo...” Napalingon silang lahat sa akin. “Ang totoo, may fiancé na ‘ko.” “Si Dave?” nakangisi at kinikilig na tanong ni Marielle. Isang beses akong tumango kaya halos mangisay siya sa kinauupuan niya. “Engaged na kami ni Ninong,” mahinang boses ko. “W-What?!” Napaubo pa siya sa pagkabigla. “I thought, it’s Dave…” panghihinayang niya. “Yes, it’s Dave. Ninong Dave and I are engaged.” Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kaya. Tatanggapin ko kung makakarinig ako ng salita kay Marielle. Ang alam niya ay Ninong ko si Ninong Dave. Ang alam niya ay parang tatay na ang trato ko kay Ninong at alam kong ganito ang magiging reaksyon niya dahil sa sinabi kong engaged kami ng alam niyang tinatrato kong ninong lang. Wala akong narinig kay Marielle dahil nabigla siya. Si Dave naman ay naging malungkot at si Ninong ay speechless din sa mga narinig. Ito sa tingin ko ang tamang gawin. . .ang mamili na lang ng isa. Ayoko nang ilagay ang puso ko sa dalawa dahil isa lang dapat. Ang pagmamahal ko kay Dave ay para na lang sa isang kaibigan kahit na alam ko sa puso kong mas malalim pa roon. Hanggang sa nagtanong si Marielle. “But how?” “Ayos lang ba ito kay Tita Mina? Kasi akala ko... god father mo lang siya. And now... you guys are…” hindi niya matuloy ang sasabihin. Namamangha ang mga mata niyang nakatingin sa amin ni Ninong. Tila naghahanap ng kasagutan kung bakit at paano umabot sa ganito. Nahihiya ako sa kaibigan ko sa iniisip niya sa ‘kin. Sa dami ng nakilala niyang manliligaw ko noon na palagi kong binabasted... dito pa ‘ko kay Ninong Dave na siyang tingin ng lahat ay naging pangalawa kong ama. Bawal na pag-ibig ba ito kung tawagin? “Nabuntis mo ba si Faye?” napatayo kaagad si Marielle at hinarap si Ninong. Hindi ko alam kung naiinis ba siya kay Ninong o nagagalit. Seryosong-seryoso ang awra niya. “H-Hindi,” ako na ang sumagot. “Paanong kayo ni Tito Dave? Sumama ka pa nga kay Dave sa probinsya.” “Ugh! Bakit dalawang Dave pa kasi ang pangalan niyo?!” naguguluhan at naiinis niyang sabi. “Sumama ako kay Dave dahil naglayas ako sa ‘min.” “Why? Dahil sa kaniya? Dahil hindi kayo matanggap ni Tita Mina?” Itinuro pa niya si Ninong. Umiling ako. “No. Pero oo. Parang gano’n na nga. Hindi niya kami matanggap.” Mas nilalamon ako ng hiya. Ang pangit isipin na sarili ko pang ina ang karibal ko sa lalaking pakakasalan ko. “Mahabang kwento, Marielle. Kung gusto mong malaman lahat... willing akong ikwento sa ‘yo.” “Babalik kami ni Dave bukas.” Hindi ko na mabasa ang reaksyon ni Marielle. Dismayado ba siya sa ‘kin dahil sa mga nalaman niya? “Tara na, Dave. I need a drink,” wika niya kay Dave. Tumayo naman si Dave at si Ninong. Nagkatitigan pa silang dalawa. Tumayo na rin ako. “Bukas na lang, Dave, Marielle. Salamat sa pagpunta ni’yo. Na-touched ako ng sobra,” nakangiting sabi ko. Sana gumaan ang paligid dahil hindi ko na gusto ang vibes na naaamoy ko sa dalawang Dave na nasa harapan ko. “Good night, Faye,” nakangiting sabi ni Dave at hinila na siya ni Marielle. “Night, Faye,” tipid na saad ni Marielle. She’s upset. Ni hindi niya ‘ko nginitian bago sila lumabas ni Dave. Nakakadismaya siguro ang buhay na pinipili ko ngayon. Mukhang mali at nakaramdam ako ng panliliit at pandidiri sa sarili. Siguro hindi lahat ng pagmamahal ay pupwede at tama. Kahit tama ang nararamdaman mo, maaaring mali sa paningin ng ibang tao. “Ayos ka lang?” untag sa akin ni Ninong Dave habang nililigpit ang mga baso. Tumango ako sa kaniya nang hindi nakatingin. “Magbabago kaya ang tingin ni Marielle sa ‘kin? Lalo na kapag sinabi ko na sa kaniya kung bakit tayo nagsasama ngayon?” Maingat akong umupo sa sofa habang nakatanaw sa pintuang nilabasan nila. “Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa kaniya,” sagot ni Ninong. “Hindi nga, pero gusto ko. Para na kaming magkakapatid nina Grace. Hindi siya pupunta dito sa America kung hindi kami pare-pareho ng tingin sa isa’t isa. Para ko na siyang kapatid kaya gusto kong alam niya kung ano ang mga pinagdadaanan ko. At alam kong mas lalo siyang madidismaya sa ‘kin.” Humina ang boses ko sa huling sinabi. “Kailangan mo ba talagang sabihin sa kaniya?” maingat na tanong ni Ninong. “Mabait si Marielle, Ninong. Siya na lang ang malapit kong kaibigan at ayoko siyang lumayo sa akin. Ayoko ring maglihim sa kaniya dahil walang gano’n sa samahan namin nina Grace.” “Okay. Sasamahan kita bukas.” “Kaya ko naman. Ayos lang.” Nginitian ko siya. Parang naaawa siya sa ‘kin. “Manood na tayo?” pag-iiba ko ng usapan. Inabot naman niya ang kamay ko. “ ‘Pag natapos ang tatlong buwan... pwede mong ibalik sa akin ang singsing na ‘to kapag nakapagdesisyon ka na…kung uuwi ka o ang makasama ako sa habang-buhay. Huwag mong pipilitin ang sarili mo, Faye kung hindi ka naman doon sumasaya. Minsan kasi... kahit mahal at gusto natin ang isang tao o bagay... hindi pa rin tayo masaya.” Makahulugang sabi niya. Hindi ako nakapagsalita dahil parang tinamaan ako sa salitang ‘yon ni Ninong. Itinuloy pa rin namin ang movie time. “Gusto mo ng makakain?” tanong niya habang nanunuod kami. Ubos na kasi ang popcorn dahil maraming kinain si Marielle kanina. Kung hindi siguro siya nadismaya... baka dito pa ‘yon matulog. “Cup noodles. Gusto ko ng mainit na sabaw,” nakangiting sabi ko. Tumayo naman si Ninong at tumungo sa kusina. Napatingin agad ako sa cell phone ko nang marinig ang message ringtone. Nakita kong may message sa akin si Dave. Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng text mula sa kaniya. “Nandito na kami sa hotel. Marielle is upset. Nagyayayang mag-inuman kami.” Napabuntong-hininga ako. Siguro panay ang daldal ni Marielle kay Dave ng mga saloobin niya sa ‘kin. Nagtipa ako ng reply. “Pasensiya na, Dave. Ikaw muna ang bahala kay Marielle.” “Of course,” tipid na reply ni Dave. Sobrang simple na lang din ng texts niya sa ‘kin. Wala na ang lambing. At makukulit na texts niya. Muli akong napabuntong-hininga. Ibinaba ko ang cell phone ko nang bumalik si Ninong na may dalang dalawang cup noodles. Nakatakip pa ‘yon kaya hindi pa pwede. Ipinatong niya ‘yon sa lamesita pati ang chopsticks. Matapos ang halos dalawang oras na movie ay nagpasya na kaming matulog ni Ninong. Tahimik lang ako nang yakapin niya ‘ko. Iniisip ko pa rin si Marielle at ‘yong naging reaksyon niya kanina. Hindi na ‘ko nakatanggap pa ulit ng text kay Dave kaya hindi ko na alam kung ano na ang balita kay Marielle ngayon. Kampante naman ako kahit malasing si Marielle dahil hindi naman siya pababayaan ni Dave. Nag-aalala lang talaga ako sa pagiging dismayado niya. Hindi nga talaga magandang makita ng ibang tao na ganito kami ni Ninong. We had s*x, countless times. Pero pareho naman kaming hindi Ninong at inaanak ang turingan sa isa’t isa. Hindi ko rin siya ninong noong pinabinyagan ako. Kahit pala hindi... iyong mga tingin at pagkakaalam ng mga tao, ninong ko siya. Mahirap baguhin ‘yon. At isa pa, ang tawag ko pa rin sa kaniya ay ninong. Hindi ko siya kayang tawagin sa ibang pangalan o sa sweet na paraan. Naguguluhan akong pumikit at pinilit na matulog. Bukas, matapang kong ikukwento kay Marielle ang mga pangyayari para mas maintindihan ko pa ang mundo at buhay na pinasok ko. I need someone to talk about this. O mas mabuting sabihin na kailangan ko ng taong sasampal ng katotohanan sa akin para magising ako at mas mamulat pa. * Nagising akong ako na lang mag-isa sa kama. Nakita ko pa si Joe na maglalapag pa lang ng gamot sa side table. Nginitian ko siya. “Good morning, Joe.” “Good morning, Miss Faye,” nakangiti at formal niyang bati sa ‘kin. Naghilamos muna ako bago ako uminom ng gamot. Kakain din kaagad ako dahil may ibang gamot pa mamaya. Nagbihis muna ako ng damit pang-bahay bago bumaba. Tumungo ako sa kusina para makapag-almusal na. Nakita ko si Ninong na nagkakape pero may mga nakahanda ng pagkain. Palagi niya kasi akong hinihintay para raw sabay kaming kumain ng almusal. Nang makita niya ‘ko ay binigyan niya kaagad ako ng matamis at malambing na ngiti at isang matamis na halik sa labi. Nag-iwas na lang ng tingin si Joe sa amin. “Let’s eat!” masigla pang aya niya sa ‘kin. Mukha siyang energetic ngayon. “Good mood, huh?” panunukso ko. He chuckled. “Ganito naman ako palagi,” wika niya. “No. I mean, yes. Masigla ka naman palagi buhat nang makalabas ako sa hospital.” Humaba ang nguso niya. Tinawanan ko lang siya. “So, ano’ng meron?” tanong ko. “Well, Marielle sent me a message last night. She wants a double date today.” Tumaas ang dalawang kilay ko. “A double date?” “Akala ko dismayado siya sa ‘kin?” tanong ko pa. “Nabigla lang siguro. Sige na. Mag-breakfast na tayo. I’m excited for today. This is our first date!” Natigilan ako. Lumalabas kami ni Ninong pero hindi namin matawag na date ‘yon. Namamasyal lang kami at bibili ng gusto pagkatapos ay walang romantic na nangyayari. Para lang kaming lumalabas dahil trip lang. Walang okasyon gaya ng date. At ngayong may double date na magaganap... hindi ko maiwasang kabahan. Siguradong si Dave ang kapareha ni Marielle ngayon. Wala namang namamagitan sa kanila kaya hindi ako apektado. Ang hindi nagpapakali sa puso ko ay ang makasama si Dave sa araw na ‘to na kasama pa si Ninong Dave. Magiging okay kaya at masaya ang date na ‘to? I hope so. I really hope so.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD