Chapter 17

2728 Words
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta may masakit sa akin. Nandito ako ngayon sa hospital at naluluha si Ninong na pinagmamasdan ako. Hawak-hawak pa niya ang kamay ko at paulit-ulit na hinahalikan. “Sobra akong nag-alala, Faye... akala ko mawawala ka na sa ‘kin,” umiiyak niyang bulong at patuloy sa paghalik sa kamay ko. Takot na takot ang mga mata niya. Akma akong babangon pero pinigilan niya ‘ko. “Inoperahan ka sa baga kaya huwag ka munang kumilos.” Mangha ko siyang tiningnan. “Muntik ka nang mamatay, Faye. Takot na takot ako.” Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa labis na pagkabigla. Pinilit kong inalala ang mga huling nangyari hanggang sa lumitaw ang mga imahe sa isip ko. Inaway ko si Ninong Dave dahil tinapon niya ang singsing na bigay ni Dave. Napatingin ako sa daliri ko. Suot ko na ngayon ang dalawang singsing sa iisang daliri. “Dala ng sakit mo kaya ka nagkakaroon ng anxiety. Marami kang iniisip lately, tama ba ‘ko?” Nag-aalala at puno ng pagsisisi ang boses niya. Hindi ko pa kayang isipin pero tumango pa rin ako. “I’m so sorry. Masiyado akong nag-focus sa trabaho para maibigay ko ang kasal na nababagay para sa ‘yo. Hindi kita naalagaan. Hindi ko alam na gano’n na pala ang nararamdaman mo tuwing naiiwan ka sa bahay.” Hindi ako umimik. Kailangan ko pa palang humantong sa ganito para makita ni Ninong lahat ng ginagawa ko para sa kaniya at kung ano ang sitwasyon ko kapag wala siya. “From now on, ako na ang mag-aasikaso sa ‘yo. Huwag mong iisipin na hindi ko nakikita ang mga ginagawa mo. Iyong mga pinapabaon mo sa ‘kin ng lunch? Kinaiinggitan ng mga ka-opisina ko. Palaging maayos at nakakatakam.” Malambot siyang ngumiti sa huling sinabi. Naaalala ko ang mga lunch meal na pinapabaon ko sa kaniya. Isa ‘yon sa dahilan kung bakit madaling araw pa lang ay gising na ‘ko. Nilulutuan ko siya ng masasarap na ulam para mabusog siya sa lunch niya. Akala ko hindi niya na-a-appreciate ang mga ginagawa ko. Akala ko, isang gamit lang ako sa kaniya. Napahikbi ako habang nakatanaw kay Ninong. “I’m s-sorry...” Umiling siya sa ‘kin. “Alam kong masyado ka pang bata para sa mga ganitong bagay kaya naiintindihan ko bakit ka nagkakagan’yan. Ako ang may pagkakamali, Faye. Iniiwan kitang mag-isa sa bahay at ikaw lahat ang gumagawa ng mga gawain. Sobrang maalaga mo sa ‘kin pero ikaw hindi kita naaalagaan...” “Hayaan mo sana akong... bumawi sa ‘yo sa lahat ng pagkukulang ko. At kung walang mangyayari, ibabalik kita sa Pilipinas at hahayaan na sa gusto mo.” Ang mga salita ni Ninong Dave ay may kalakip na pangako. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Gusto ko ulit subukan. Kaya siguro hinahanap-hanap ko ang presensya ni Dave, hindi lang dahil nami-miss ko siya kundi naho-homesick din ako. Naiiwan ako palagi ng mag-isa kaya naghahanap ako ng kalinga. Gaya noong walang paramdam si Ninong Dave ng tatlong buwan, pakiramdam ko... bumalik uli ako sa sitwasyong ‘yon. Kasama ko nga si Ninong pero parang hindi ko rin nararamdaman. At ang masakit pa, nakikita niya lang ako kapag naghahanap ang katawan niya. Napabayaan niya ‘ko, iyon din ang isang term ng naging kalagayan ko. Hindi kami nagkukwentuhan kahit pa gusto kong makipagkulitan at maglambingan kami. Nawala ang tamis kaya naging mapakla at mapait. Malungkot ang bahay kapag walang kasama. Mas malungkot ang bahay kapag may kasama ka pero palagi naman siyang wala. “Sige, subukan natin ulit, Ninong. Huwag nating madaliin ang process. At sorry dahil napamahal ako kay Dave.” Umiling ulit siya sa ‘kin. “Naiintindihan ko. Hindi ko alam ang mga pinagdaanan mo noong mga panahong wala ako at hindi kita masisisi na naisip mo noong hindi na ‘ko babalik kaya ka napamahal sa iba. Wala kang alam sa nangyari sa ‘kin kaya wala kang kasalanan. Sa kabila ng mga nangyari, napamahal ka sa iba at sa sinabi ni Mina na nabuntis ko siya... ako pa rin ang pinaniwalaan mo at sumama ka pa sa ‘kin dito.” “Gusto kong ipakita sa ‘yo na hindi ka nagkamali ng desisyong pinili ako. Ipapakita at ipapadama ko sa ‘yo na ako ang Dave na nararapat sa pagmamahal mo, Faye. You’ll be the judge after three months.” “Three months?” “Yes, three months. Three months mong nakasama si Dave habang wala ako kaya tatlong buwan din ang kailangan ko para ipakita sa ‘yo na kaya rin kitang alagaan.” “Pagkatapos ng tatlong buwan?” “Ibabalik kita sa kaniya. Nasa ‘yo ang desisyon pagkatapos ng tatlong buwan,” sagot niya. * Ilang araw pa ‘ko dito sa hospital bago ako i-discharge. Sobra-sobrang pag-aasikaso ang ginagawa sa akin ni Ninong. “Paano ang trabaho mo? Baka masesante ka niyan,” nag-aalala kong sabi. Hindi na siya pumapasok sa opisina para lang alagaan ako. Nakakapaglakad naman ako at nakakakilos na pero ayaw niya ‘kong iwan ulit nang mag-isa. “Huwag mo nang isipin ‘yon. Ang sabi ng doctor, huwag ka rin masyadong mag-isip dahil hindi makakabuti sa ‘yo.” “Paano nga ang trabaho mo?” Hindi ko kayang isawalang bahala lang. Ilang araw na kami dito at ang sabi pa niya ay dalawang araw akong tulog pagkatapos kong maoperahan sa baga. Ilang days na siyang hindi pumapasok sa trabaho kung gano’n. “Kinausap ko na ang boss ko at naiintindihan niya. Sa bahay na rin ako magtatrabaho at pupunta lang sa opisina kapag may kailangan akong ipasa,” nakangiting sagot niya. “Kaya maaalagaan na kita, Faye.” Hinalikan pa niya ang labi ko at noo. Makalipas ang ilang araw pa sa hospital... sa wakas ay makakauwi na ‘ko. Nag-hire pa si Ninong ng nurse para sa ‘kin para mabantayan ang pag-inom ko ng gamot sa bahay lalo na kapag kailangan niyang magtrabaho at umalis. Hindi stay-in ang nurse na mag-aalaga sa ‘kin. “Thank you, Joe,” nakangiting pasalamat ko matapos niyang iabot sa akin ang gamot na kailangan kong inumin. Isa siyang American kaya matangkad siya at may itsura. Ang buhok niya ay natural na kulay brown. Blue ang kulay ng kaniyang mata na para bang tubig ng dagat. Deep blue eyes. Mapuputi pa ang mga ngipin at natural na mapula ang mga pisngi at labi. Halos magkasingtangkad sila ni Ninong at sa kaha ng katawan ay hindi rin nagkakalayo. “How old are you, Joe?” tanong ko sa kaniya matapos inumin ang gamot ko. Si Ninong ay nasa kwartong bakante at nagtatrabaho. Iyon na ang ginawa niyang opisina niya at library. “Twenty-one next month,” sagot niya. Magka-edad pala sila ni Dave. “Do you have a siblings?” “Yes, Miss Faye. I have a brother, his name is Austin and he just turn eighteen last week.” Ngayon naman kaedad ko ang nakakabata niyang kapatid. What a coincidence. Malalim ang boses ni Austin at alam kong nakakatakot kapag sumigaw ito. Napalingon kami ng sabay sa may hagdanan nang bumaba si Ninong. Nang makita ako ay hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Tapos na yata ang trabaho niya o nag-break lang ito sandal? “Magluluto lang ako, babe.” Natawa ako do’n kaya kumunot ang noo niya. Dumistansya muna si Austin sandali. “Ang cheesy ng “babe” ha?” natatawang saad ko. “Ano gusto mong itawag ko sa ‘yo? Ninang?” Humagalpak ako ng tawa at kumirot ang sugat ko. “Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Ninong. Tumango ako habang natatawa pa rin. “I’m fine with “Ninang”.” Pareho kaming natawa sa sinabi kong ‘yon. “Ano’ng gusto mong tanghalian, Ninang?” natatawang tanong niya. “Nakakatanda pala kapag tinatawag na Ninang?” “Ayoko na ng Ninang. Bakit sa ‘yo bagay ang Ninong bakit sa akin hindi?” “Nasanay ka kasi,” nakangiting sabi niya. “Sige. Babe na lang.” Natawa naman si Ninong. “Bakit nagbago ang isip mo?” “Mas okay ang cheesy kaysa maging granny.” Sabay kaming natawa ulit. Si Ninong ang lahat ng gumagawa ng gawaing bahay. Malayo na sa dati ang set-up dito bahay. Si Ninong ang naglilinis, naglalaba, nagluluto at nag-aasikaso sa ‘kin. Halos wala na ngang gawain si Joe dito. Pero gusto pa rin makasiguro ni Ninong na makakainom ako ng gamot sa tamang oras kaya nandito pa rin si Joe. Isang linggo lang naman si Joe at pagkatapos no’n... babalik na siya sa hospital para doon mag-duty. “So, ano’ng gusto mong lunch, babe?” Tinawanan ko lang siya. “Hmm... beef. Nagki-crave ako sa beef.” “Okay,” Malambing na sagot niya at sinama na ‘ko sa kusina. “Bakit ang hilig mong maghubad kapag nagluluto ka?” hindi ko maiwasang tanong. “Mainit kasi.” Sinuot niya ang apron at nagsimulang kumuha sa ref ng mga ingredients. “Babe?” tawag niya sa ‘kin. “Kanino ka natutong magluto?” Tanong niya. Alam ni Ninong na hindi ako marunong magluto. Alam niya ring hindi ako marunong sa mga gawaing bahay. Natuto talaga ako sa probinsya nina Dave. Salamat din kay Ate Pina na gumagabay sa ‘kin noon kaya natuto ako. Marami akong natutnan sa pag-stay sa probinsya. Nakaka-miss ngang tumira ulit doon. Ang peaceful kasi ng buhay at maraming magagandang tanawin ang mapapasyasalan. Kaya hindi ko rin masisisi si Dave kung bakit bumili siya ng beach sa Eastern Samar. Iyong beach na tinatayuan ng bahay nina Tita Mimi ay sa kaniya pala ‘yon at si Tita Mimi lang ang nakikitira. “Kay Ate Pina,” mahinang sagot ko. “Ate Pina? Parang ngayon ko lang narinig ang pangalan na ‘yon. Bagong tagalinis sa bahay ni’yo?” “Uh... no. Si Ate Pina ay katulong sa bahay nina Tita Mimi at ni Dave.” Mas humina ngayon ang boses ko. “Pati sa gawaing bahay ay sa kaniya rin ako natuto,” dugtong ko. “I see,” usal niya at nagpatuloy na sa paghahanda. “Sorry.” Nilingon niya ‘ko. “For what?” “Kasi... baka na-offend kita sa sinabi ko.” “Well, ang totoo... nagseselos ako kay Dave. Paano ba kayo nagkakilala?” Oh, no. Hindi ko gusto ang tono ng boses ni Ninong Dave. “Sa bar. After ko kayong makita ni Mama sa kwarto niya at ginagawa ni’yo ‘yon... nasaktan ako ng sobra at nagalit kaya nagpunta ako ng bar para maglasing at makalimot. Kasama ko sina Marielle at Grace noong nakilala namin si Dave.” “He’s really a nice guy. Kasama rin namin siya sa Palawan.” “Nakita ko nga.” Naging tunog selos ang boses niya. “How?” “Nakita kong ni-post mo.” Siguro ang tinutukoy niya ‘yong mga pictures naming naka-post. “Mukha kang mas masaya kapag kasama siya,” mahinang boses niya at malakas na pinidpid ang bawang kaya napaigtad ako. Galit ba siya? Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-igting ng panga niya. Oo nga. Galit nga siya. “Masaya ako kasi malayo sa problema. After ko kasing makita ang ginawa ni’yo ni Mama... palagi akong hindi okay. Mama ko kasi ‘yon...” Tiningnan ko siya. “Hindi ako maglilihim sa ‘yo, Ninong ng nararamdaman ko. Ayoko nang manahimik na lang at sa bandang huli ay sasabog ako.” Naging malambot ang awra niya. “Hindi okay sa ‘kin na may nangyari sa inyo ni Mama. Anak ako eh at nanay ko siya. Pareho kaming mahal ka at si Mama, handa siyang masira kami makuha ka lang niya sa ‘kin. Napapaisip tuloy ako kung worth it nga bang pinili kita, Ninong? Hindi kita pinili para gantihan si Mama. Hindi ko gagawin ‘yon dahil magkaiba kami. Ako pa nga ang lumayo dahil naniwala akong nabuntis mo siya. Pinili kita kasi mahal kita at nirerespeto ko ang mararamdaman mo. At ‘yong ginawa mong pagtapon sa singsing ni Dave? Hindi ko talaga nagustuhan.” Natahimik siya at nahinto sa ginagawa. Ayokong magagalit siya kay Dave dahil wala namang masamang ginawa ‘yong tao. Hindi naman ako inagaw ni Dave sa kaniya dahil hindi naman ako nagpaligaw kahit may gusto siya sa ‘kin. At si Dave pa nga ang nagtulak sa akin na piliin siya. Ang mga gano’ng klaseng tao, kagaya ni Dave... hindi dapat pagselosan dahil napakabuting tao niya. Kahit may gusto siya sa ‘kin ay hindi naman siya nag-take advantage. At mas lalong hindi niya ‘ko pinilit mahalin siya. Kusang tumibok at umibig ang puso ko sa iba dahil inakala kong wala na si Ninong at hinayaan na niya ‘ko. “I’m sorry.” “Don’t be,” agad kong sabi. “Pinatawad kita sa pagpapakulong mo kay Dave. Pinatawad kita at tinanggap noong humingi ka ng tawad dahil sa ginawa ni’yo ni Mama. Pinatawad kita sa pagtapon mo sa singsing. At ngayong nandito ako... gusto kong makita kung talagang deserve mo ang pagpapatawad na ibinigay ko.” Nilapitan niya ‘ko at niyakap ng mahigpit. “Babawi ako. Pangako ‘yan…babawi ako.” “I know. Kaya nga ako nandito eh,” nakangiting sabi ko at niyakap din siya pabalik. Ang pagsama ko kay Ninong ang naging daan para mamulat ako sa ganitong klase ng buhay. . .ang buhay may-asawa. Nakita at naranasan kong hindi madali ang buhay na pinasok ko. Ang pag-aasawa ay isang malaking hakbang. Matagal ko nang kilala si Ninong pero hindi ko pa lubusang nakikita ang tunay niyang pag-uugali. Hindi sapat ang ilang taon para makilala mo ang isang tao. Kaya bago sumama at mag-asawa, siguruduhing sigurado na para walang pagsisihan sa huli dahil maraming bagay ang hindi na maibabalik kapag nagkamali at nagsisi. Dahil kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao... kapag nakita mo ang tunay niyang ugali... posibleng magbago ang pagtingin mo sa kaniya. Pwedeng lumalim ang pagmamahal... pwedeng magbago at maaaring mawala. Nasa sitwasyon na lang ‘yon kung alin doon ang sa amin ni Ninong Dave. Ang sabi niya ay tatlong buwan, para ipakita rin sa akin ang pagmamahal niya. “Thank you for today, Joe!” nakangiting pasalamat ko. Pauwi na siya ngayong gabi. Dito na rin namin siya pinag-dinner. “Bye,” aniya at lumabas na. Si Ninong ang naghatid sa kaniya sa pintuan. Pagbalik ni Ninong ay sinara niya ang pinto at ni-lock. “May gusto ka bang panoorin ngayong gabi?” tanong niya. Tumango naman ako. “Gumawa ka na ng popcorn at maghahanap na ‘ko ng magandang papanoorin natin,” nakangiting sabi ko. “Okay,” masiglang sabi niya. Hindi namin ginagawa ni Ninong ito noong dumating kami dito. Ngayon lang na nakalabas na ‘ko sa hospital. Nagsisimula na siyang bumawi sa ‘kin. Nakikita at naa-appreciate ko naman. Bago pa man siya tumungo sa kusina ay nagpaalam akong aakyat muna sa taas para kunin ang cell phone ko. Fully charge na ‘yon ngayon dahil kanina pa ‘yon nakasaksak sa taas. Pagkahugot ko ng cell phone ko sa saksakan ay agad na lumitaw ang mukha ni Marielle sa screen. Tumatawag siya. “Hello, Marielle!” masiglang bungad ko. “Saang street ka na ulit?” tanong niya. Kumunot ang noo ko at nagtaka. “Why?” Bago pa siya sumagot ay nakarinig ako ng doorbell mula sa pinto sa baba. Bumaba ako habang nasa tenga ang cell phone. Saktong pagbaba ko ay si Ninong ang nasa pintuang nakabukas. Sumilip ako at bago ko pa makilala ang taong kausap ni Ninong ay agad niya ‘kong tinawag. “Faye!” “Marielle...” mangha kong tawag sa kaniya. Binigyan siya ng daan ni Ninong para mayakap ako. At dahil sa ginawang ‘yon ni Ninong ay nakita ko pa ang isang taong pamilyar sa akin. Bumilis ang pintig ng puso ko pagkakita pa lang sa kaniya. Ang kakaibang halukay sa loob ng tiyan ko ay naramdaman ko uli. He’s here. “D-Dave?” Halos hindi marinig ang boses ko sa sobrang hina pero nagawa pa rin niya ‘kong ngitian nang marinig ako. “Hi, Faye.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD