“Ninong?!” hindi makapaniwalang tanong ko. Namamalikmata ba ‘ko? Nananaginip?
Nakumpirma kong hindi nang yakapin niya ‘ko at maamoy ko siya. Natulala ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito pagkalipas ng tatlong buwang wala siyang paramdam sa akin.
“Akala ko, hindi na kita makikita ulit. Nag-aalala ako sa ‘yo, Faye,” bulong niya at inamoy ang buhok ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap at hinalikan ang labi ko. Doon lang ako nagising at marahas siyang itinulak. Nagulat siya sa ginawa ko at mas nagulat siya nang malakas ko siyang sinampal. Tumabingi ang mukha niya at gulat siyang nakatunghay sa ‘kin.
“Ang galing mo talagang magpanggap, ano?!” galit kong sigaw sa kaniya.
“Faye…ano’ng panggap?” naguguluhan niyang tanong.
Pagak akong tumawa. “Sige, magkunwari ka pa,” mapakla kong sabi.
“Hindi kita maintindihan...”
“Nabuntis mo si Mama at hindi mo sinabi sa ‘kin na kayo na pala bago naging…” hindi ko masabing naging kami dahil wala nga pala kaming lebel. Hindi ako sigurado kung boyfriend ko nga ba siya kahit ilang beses na naming ginawa ang mga bagay na lagpas sa limitasyon. Wala naman siyang sinasabi at hindi ko rin siya tinuturing na gano’n. Malungkot akong tumawa.
“Oo nga pala... hindi pala naging tayo,” humina ang boses ko sa huling sinabi dahil dama ko ang pagkapahiya. Galit na galit ako dahil iniisip kong may kami. Bakit ngayon ko lang na-realize na wala pala kaming label? Wala akong karapatang magalit kay Mama kung naging sila. Dahil si Mama, boyfriend ang turing kay Ninong. Ako?
Mabuti pa siya at naging boyfriend niya si Ninong at nabuntis pa. Samantalang ako... patago lang kaming nagsasama at gumagawa ng… Agad kong winaksi ang mga maiinit na ala-ala naming dalawa.
“Hindi ko nabuntis si Mina. At hindi rin naging kami,” naguguluhan niyang saad.
“Mama, told me. Nabuntis mo siya. At kung titingnang mabuti... nakabuo kayo no’ng makita ko kayo sa kwarto niya.” My teeth gritted. Nakakuyom ang mga kamay ko at baka lumipad na naman sa mukha niya. Umiling siya ng paulit-ulit at hinawakan ang kamay kong nakakuyom. Hinaplos niya ‘yon.
“Hindi ‘yon totoo at walang katotohanan ‘yon, Faye. Sa katunayan ay siya pa nga ang tumawag sa ‘kin dahil na-kidnap ka raw,” wika niya.
“Kidnap by who?” nagtataka kong tanong. Bigla kong naalala si Dave na dinakip ng mga pulis.
“Ni Dave?!”
“Last week lang ako umuwi matapos kong magising sa coma. Umuwi agad ako nang mabasa ko ang text ng Mama mo sa katrabaho ko na na-kidnap ka raw. Mabuti na lang at nahanap na ang kumuha sa ‘yo. Sinaktan ka ba niya? Ano’ng ginawa niya sa ‘yo?”
“Coma? Accident?” magkasunod at naguguluhang tanong ko.
“Nagkaroon kasi ng lindol at isa ako sa nabagsakan ng malaking tipak ng semento sa building na pinagtatrabahuan ko,” sagot niya. Nag-alala ako at natakot sa sinapit niya.
“Kaya hindi kita natatawagan noon at hindi ko alam kung ano na ang mga balita sa ‘yo. Nasira rin ang cell phone ko sa lindol at hindi na nahanap. Nagising na lang akong nasa hospital na ‘ko,” wika niya.
“Pero papaano mo mapapatunayang totoo nga ang mga sinasabi mo? Baka pinapaikot mo lang ako,” wika ko.
“Hindi, Faye. Sumama ka sa ‘kin at ipapakita ko sa ‘yo ang naging record ko sa hospital. Dala ko ang x-ray ng paa kong naoperahan,” wika niya kaya awtomatiko akong napatingin sa paa niya.
“Bago ako sumama sa ‘yo... gusto kong pakawalan mo si Dave. Hindi niya ‘ko kinidnap,” seryosong sabi ko.
Ayokong mahulog sa mga salita ni Ninong at baka maloko na naman ako. Tama na ang isang beses dahil nakakamukhang tanga kapag may susunod pa at uulitin pa.
Magkasama kaming tumungo ni Ninong sa police station. Kinuha ko na lang muna ang susi ng sasakyan ni Dave at binilin sa manager sa bar niya. Nagulat pa ‘ko nang makita si Mama. Ano’ng ginagawa niya rito?
Nang makita ako ay agad siyang umiyak. “F-Faye, anak!” mahigpit niya ‘kong niyakap na para bang kay tagal talaga niya ‘kong hinahanap. Nilingon ko si Ninong sa tabi ko at kumalas sa pagkakayakap niya.
“Ang tagal ka naming hinanap ng Ninong mo,” puno ng pag-aalala ang boses niya.
Palihim ko siyang pinasadahan ng tingin. Walang umbok sa tiyan niya. Tatlong buwan na ‘kong nawala at dapat... medyo malaki na ang belly niya.
“I thought you are pregnant?” may diin kong tanong. Nagbago ang awra ni Mama at para bang natakot sa itinanong ko. Nawalan agad siya ng kulay.
“Dahil hindi talaga siya buntis, Faye,” wika naman ni Ninong.
Agad kinuha ni Mama ang kamay ko. “Patawarin mo ‘ko, anak... masiyadong magulo ang isip ko no’n at hindi nakakapag-isip ng maayos,” nagsusumamong pakiusap niya.
“At tanggap ko na ang relasyon ni’yo ni Dave. Sorry, anak at nagsinungaling ako. Patawarin mo sana si Mama.” Hindi ko maramdaman ang sensiridad sa boses niya kaya hindi ko rin pinaniwalaan.
“Si Dave?” tanong ko at binalewala ang mga sinabi niya.
Hindi na ‘ko bata na madaling utuhin. Kung sino man sa kanila ang nagsisinungaling... sisiguraduhin kong hindi ako mahuhulog sa bitag ng pagpapanggap nila.
Matapos ang ilang paliwanagan sa presinto ay pinakawalan din nila si Dave. Agad ko siyang nilapitan nang maalis ang posas niya.
“Ayos ka lang? I’m so worried about you.” Imbes sarili niya ang alalahanin ay ako pa ang inuna niya. Pasimple niyang ni-check ang buong katawan ko. . .ula ulo hanggang paa na para bang may masama talagang nangyari sa ‘kin. Binalewala ko ang tanong niya.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.
“Yes, I’m fine,” nakangiti at tipid niyang sagot sa akin. Nasa mga mata ni Dave ang pangamba nang makita si Ninong sa likuran ko.
“Isasama ko si Faye sa America gaya ng plano naming dalawa,” wika ni Ninong habang nasa dinner kami dito sa bahay. Nasa gitna nila ako ni Dave kaya para akong naiipit. Halata ang pagseselos ni Ninong kay Dave at hindi maalis ang nakakatakot nitong titig. Pero si Dave ay nananatiling kalmado sa tabi ko.
“Hindi pa ‘ko pumapayag,” wika ko.
“P-Pero bakit? Okay na at legal na tayo kay Mina,” nagtatakang wika ni Ninong. Nilingon ko siya.
“Hindi ko pa nakita ang proof na sinasabi mo,” wika ko.
“Nasa sasakyan ko,” sabi niya at agad na tumayo. Lumabas siya para kunin ang proof na sinasabi niya. Siguraduhin niyang totoo at hindi operadong proweba ang ipapakita niya.
Si Mama naman ay pilit akong kinakausap na para bang okay pa rin kami tulad ng dati. Kung nagsinungaling siya... grabe naman na kinalimutan niyang maging ina sa akin nang dahil kay Ninong. Gano’n siya kadesperada? Anak pa talaga ang mas dapat magparaya sa magulang?
Nang makabalik si Ninong ay dala niya ang envelope at isa pang malaking brown envelope. Nilabas niya ang naging x-ray ng paa niya. Tinuro pa niya kung saan ang bakal na inilagay para lang makatayo siya uli ng maayos. Tinignan ko ang date kung kailan siya dinala sa hospital at ito ang araw na... lumayas ako.
Tinignan ko siya at nilingon uli ang record na hawak ko. Totoo ngang kailan lang siya na-dismissed sa hospital sa America. Hindi peke dahil may tag ng pangalan ng hospital. Nakalagay din kung ilang dolyar ang naging bills niya. Pati ang mga gamot ay nakalagay din.
“Paano mo ito nakuha?” biglang tanong ko. Hindi ko sigurado kung pwede bang kunin ang naging record sa hospital kaya gusto kong makasiguro.
“Kinuha ko talaga ‘yan dahil alam kong kailangan kong magpaliwanag sa ‘yo dahil sa hindi ko pagpaparamdam sa ‘yo. Kilala kita, Faye at sa pagkakakilala ko sa ‘yo... hindi ka naniniwala kapag walang proweba,” paliwanag niya.
“Pwede bang iuwi ang record ng pasyente?” tanong ko.
“May record din sila sa mismong hospital kung gusto mong mas makasiguro pa... sumama ka sa ‘kin at patutunayan ko sa ‘yong nagsasabi ako ng totoo,” sagot niya.
“And how about you, ‘Ma?” bigla kong baling kay Mama. Nagulat pa siya nang kausapin ko bigla.
“Ngayong magkakaharap tayo... ngayon mo sabihing hindi ka nabuntis ni Ninong,” dugtong ko. Napalunok siya at agad na inabot ang baso ng tubig sa tabi niya.
“Masiyado kong minahal si Dave kaya ko nasabi ang mga kasinungalingang ‘yon,” mahinang boses niya na parang siya lang ang nakakarinig.
“Bakit kailangan mong magsinugaling?” deretsong tanong ko.
“Dahil alam kong ikaw ang gusto ni Dave at hindi ko matanggap,” sagot niya. Mas lalong humina ang boses niya.
“Kaya hahayaan mong masaktan ang anak mo, para sa pansarili mong kaligayahan?” Umigting ang panga ko sa galit kay Mama. Hindi na siya makatingin sa ‘kin ng deretso.
Hindi siya nakaimik at tahimik na umiyak. Hindi ko alam kung totoo bang nagsisisi siya o pagkukunwari lang itong pinapakita niya. Kapag naloko ang isang tao, mahirap ng ibalik ang tiwalang nawala. Kahit pa sa mismong kadugo mo. Kahit pa magulang ko mismo.
Matapos ang dinner ay pinakiusapan ako ni Ninong na sumama sa kaniya. “Kay Dave ako sasama. Kailangan kong pag-isipan muna ang lahat bago sumama sa ‘yo,” wika ko at humawak sa kamay ni Dave. Nakita ‘yon ni Ninong at naging malungkot ang mga mata niya. Nakita rin niya ang singsing na suot namin ni Dave at mas lalo siyang nalungkot. Aaminin kong nakaramdam ako ng awa para kay Ninong. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagsisisi ngayon habang nakikita ang mukha niyang nalulungkot. Nasasaktan ako.
“Hindi kita pipigilan kung gusto mong sumama sa kaniya,” wika ni Dave habang nasa taxi kami. Babalikan namin ang sasakyan niya sa bar niya bago umuwi. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ulit mula pa kanina.
“Sa tingin mo... nagsasabi ng totoo si Ninong?” tanong ko.
“I think, he’s telling the truth. Mama mo ang nagsinungaling. . .hindi ang Ninong mo. Base lang ‘yon sa nakikita ko at naririnig kanina. Nasa sa ‘yo pa rin ang desisyon kung sino’ng papaniwalaan mo,” wika niya. Muli kong naalala ang malungkot na mukha ni Ninong Dave.
Hindi ako pinapatulog sa pag-iisip kay Ninong Dave. Dahil sa sinabi ni Dave ay gusto kong puntahan si Ninong ngayong gabi at yakapin ng mahigpit. “He’s telling the truth.” Paulit-ulit ‘yon sa isip ko at ang mga patunay na hawak ni Ninong.
Sinubsob ko ang mukha sa unan dahil sa hindi ko maintindihang damdamin ko. Tulog na si Dave at magkatabi pa rin kami. Pero bakit pakiramdam ko, nagtataksil ako kay Ninong dahil may iba akong lalaking katabi sa kama?
Bumangon na lang ako para magkape. Hindi talaga ako madalaw-dalaw ng antok dahil sa mga iniisip. Sasama na ba ako kay Ninong sa America? Doon ay makakasama ko na siya at hindi na kami mapaghihiwalay o masisira ni Mama. Legal na rin kami sabi ni Ninong. Ibig sabihin din no’n ay may relasyon na talaga kami. Gusto kong magsaya o magdiwang pero parang mali at may pumipigil.
Nang maubos ang dalawang tasa ng kape ay bumalik na ‘ko sa tabi ni Dave. Dahil sa kape ay mas lalo akong hindi nakatulog. Hanggang umaga kong iniisip ang pagsama kay Ninong sa America. Gusto ko at miss na miss ko na rin siya. Ngayon pang sinabi ni Dave na nagsasabi ng totoo si Ninong. I trust Dave kaya naman naniniwala na ‘ko ngayon kay Ninong.
“Good morning,” nakangiting bati sa ‘kin ni Dave.
“Morning,” bati ko pabalik.
“Matulog ka pa. Alam kong puyat ka sa kakaisip,” ani ni Dave.
“Kilala mo na talaga ako, ‘no?” nakangiting tanong ko.
“Konti pa lang. Alam kong marami pa ‘kong kikilalanin sa pagkatao mo,” makahulugang sabi niya.
“Ah…Dave,” alanganing tawag ko sa kaniya.
“Yes, my wife?” malambing na tanong niya.
Nag-aalangan akong sabihin dahil sa ngiting nakikita ko sa kaniya. Sobrang bait niya sa ‘kin at nakakakonsensya.
“It’s okay,” nakangiting sabi niya kaya nagulat ako.
Mas lalo siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko. “It’s okay. Piliin mo kung saan ka masaya. Mabuhay ka ng makabuluhan,” sabi niya at hinalikan ang noo ko.
“How about you? Okay lang ba talaga sa ‘yo na sumama ako kay Ninong?” magkasunod kong tanong.
“Win or lose, right? Hindi pa naman ako nanliligaw kaya wala rin ako sa dalawang ‘yon,” wika niya at tumawa ng mahina.
“P-Pero—”
“Tara na. Mag-almusal na tayo,” biglang aya niya sa ‘kin at nauna na siyang bumangon. Hinintay pa niya ‘ko sa may pintuan kaya bumangon na rin ako.
Gaya ng palagi niyang ginagawa tuwing umaga... pinagtimpla niya ‘ko ng mainit na chocolate drink. Siya na rin ang nagluto ng itlog para sa almusal namin. Toasted bread with butter, bacon at egg sunny-side-up ang almusal namin. Siya lahat ang nag-prepare dahil gaya ng palagi niyang sinasabi... ayaw daw niya ‘kong mapagod.
“Ihahatid kita sa Ninong mo mamaya,” wika niya habang nasa hapag-kainan kami. Sa boses niya ay walang halong tampo. Maluwag sa kaniyang umalis ako at sumama kay Ninong kaya naman nakaramdam ako bigla ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit gusto kong tumutol siya. Gusto kong pigilan niya ‘ko.
“Sige,” tanging nasabi ko.
Matapos ang almusal ay sinabi ni Dave na ipapadala na lang ang mga naiwang gamit ko sa bahay nila sa probinsya. Si Ate Pina na raw ang bahala do’n dahil hindi muna siya uuwi ro’n at may aasikasuhin pa siya rito sa Manila.
Kung hindi ba ‘ko sasama kay Ninong at kay Dave ako sasama... uuwi kaya siya agad sa Eastern Samar tulad ng plano namin? Oo nga pala, naging plano lang ang pagtira namin doon para makalayo ako. Ngayong nandito na si Ninong at alam ko na ang katotohanan... hindi na matutuloy.
“Sige,” sabi ko.
Hinatid ako ni Dave sa bahay mismo ni Ninong. Dito ako nagpahatid dahil ayoko pang umuwi sa bahay. Sigurado din namang walang tao roon dahil may trabaho si Mama kapag weekdays.
“Salamat sa paghatid, Dave. Salamat sa lahat,” malungkot kong sabi. Nalulungkot ako pero gusto kong makasama si Ninong. Nahahati ang damdamin ko.
Kanina pa ‘ko naiiyak sa byahe. . .pilit ko lang tinatago. Kasi manghihina ako kapag hahayaan ko ang sariling umiyak.
“No worries. Alis na ‘ko. Take care of yourself, Faye,” nakangiting sabi niya at sumakay na sa sasakyan niya. Pinunasan ko ang muntik nang pumatak na luha habang nakatanaw sa papalayong sasakyan.
Nang makalayo ang sasakyan niya ay doon pa lang ako nag-doorbell sa gate ni Ninong. Isang pindot lang at lumabas kaagad si Ninong na para bang inaasahan na niya ‘ko. Huminga ako ng malalim nang makita siya.
“Faye!” masayang tawag niya sa ‘kin.
“Hi, Ninong,” nakangiting bati ko sa kaniya.
Kinuha niya ang dala kong bag at niyaya niya agad ako sa loob. Inakbayan pa ‘ko ni Ninong para akayin papasok.
Bago ko hinakbang ang mga paa ko’y nilingon ko muna ang kalsada kung saan ko huling nakita ang sasakyan ni Dave. Sana okay lang talaga siya. And I’m hoping na maging okay din sa ‘kin.