Chapter 11

2237 Words
Tumungo kami sa bilihan ng mga kakanin para sa meryenda. Maraning klaseng kakanin ang naka-display. Hindi ko rin kilala ang karamihan dahil hindi ko tipo ang kakanin. Suman at biko lang ang kilala ko, at saka puto at bibingka. Bumili kami ng tinatawag nilang kurukod, sarongsong at saka bakintol. Mas lalong hindi pamilyar sa akin ang mga kakaning binili namin. Bago raw umuwi ay dadaanan namin si Tita Mimi sa grocery niya para silipin. Hindi siya umuuwi ng tanghali dahil maghapong nakabukas ang tindahan niya. Dinalhan namin siya ng kakanin para sa meryenda. “Mabuti at isinama ni’yo si Faye. Susunod nga ay ipasyal mo, Dave para mas makilala niya ang lugar natin,” nakangiting wika ni Tita Mimi. “Bukas po,” magalang na sagot ni Dave kaya nakaramdam ako ng excitement. Ipapasayal ako ni Dave bukas! Maliit lang ang grocery store ni Tita pero maraming bumibili. May mga tauhan siyang nag-aasikaso sa mga tao at siya naman ang cashier. Mukhang abala si Tita Mimi kaya nagpaalam na agad kami. “Sige po, Tita, mauna na po kami,” paalam ni Dave dahil dumadami na ang tao. “Drive safe, anak,” paalala niya. Pagkauwi sa bahay ay tumulong ako sa pagsalansan ng mga pinamalengke namin. Napuno ang malaking ref dahil sa dami ng mga nakalagay. Naging makulay dahil sa mga prutas at gulay. Tuwing umuuwi lang daw si Dave nabubusog ang ref. Nasa bayan lang daw kasi lagi si Tita Mimi kaya walang tao sa maghapon dito. “Ngayong may lovers na rito... ay kailangan may pagkain lagi. Lalo na lapag may bulinggit na kayo,” wika ni Ate Pina at para bang nanggigil siya sa huling sinabi. Alanganin naman ngiti ang nagawa ko. Hindi ko pa naiisip na mabuntis at magkaroon ng anak. Lalo pa at wala naman talaga kaming relasyon ni Dave at isa pa... ang puso ko, si Ninong pa rin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mamahalin. Kung hanggang kailan mawawala ang pagmamahal ko para sa kaniya. Gusto ko siyang kalimutan na lang pero hindi naman gano’n kadali. Tuwing naaalala ko siya... magkahalong lungkot at saya. Saya ng mga ala-alang masasaya kasama siya. Nalulungkot ako dahil sa naging sitwasyon ko sa kaniya. Nasa gitna ako ng niloko at hindi niloko. Pwedeng isa sa kanila ni Mama ang nagsisinungaling tapos ako ang biktima. Talagang napakabilis na lumipas ang mga araw. Hindi mo talaga namamalayan kapag nalilibang ka. Hindi ako hinahayaan ni Dave na mag-isa. Palagi niya ‘kong pinapasyal at sinasama kapag may lakad siya. Wala rin siyang barkada kaya nandito lang siya sa bahay maghapon kapag wala kaming lakad. Marami na ‘kong dagat na napuntahan sa Eastern Samar. Dinadala rin ako ni Dave sa iba’t ibang resort dito. Sa loob ng tatlong buwan ay nasanay na ‘kong kasama si Dave. Sanay na nga akong tawagin siyang asawa ko. At kahit na hindi niya gustong nagsusuot ako ng two-piece bikini ay hinahayaan niya pa rin ako. Lagi siyang nakadikit sa ‘kin tuwing sexy ang suot ko. Hindi siya ‘yong tipo ng lalaking bastos kung tumingin sa katawan ng babae dahil tuwing titignan niya ‘ko agad niyang sinusulyapan ang paligid at baka may iba ring nakatingin. Protective kumbaga. Parang si Ninong. Ang buhay dito sa probinsya ay napakasimple. Kahit may kaya sila Tita Mimi ay sobrang simple lang nilang tao. Nasanay na ‘kong kumain ng gulay at mga simpleng ulam. Tinuturuan din ako ni Ate Pina magluto tuwing tanghali at gabi. Sa pamamalagi ko rito ay nabago ang buhay na kinasanayan ko at kinalakhan ko. Nabawasan ang paggamit ko ng internet. Nahahawakan ko lang ang phone ko tuwing pinapasyal ako ni Dave para kumuha ng mga magagandang litrato. Naging libangan ko ang pamamasyal sa magagandang lugar at pagluluto sa kusina. Marami na ‘kong alam na lutuin kaya kung minsan ay ako na ang nagpipresinta. Pero tuwing kikilos ako rito ay laging nariyan si Dave para sawayin ako. Ayaw niya raw akong mapagod at papayagan niya lang ako kapag nariyan si Ate Pina para tulungan ako. Hindi naman ako nagrereklamo dahil hindi niya naman ako pinaghihigpitan. Sobrang caring lang talaga ni Dave at isa ‘yon sa pinaka-gusto kong nakilala sa kaniya. “My husband, bawal ba ‘kong sumama?” malungkot kong tanong. Nilingon niya ‘ko habang nagbibihis. “Pwede, my wife. Pero mahaba ang byahe. Ayokong mapagod ka,” saad niya. Imbes na alalahanin ang mahabang biyahe ay natuwa pa ‘ko sa narinig. “Magbibihis na ‘ko,” agad kong sabi at naghanap ng damit na maisusuot. Pupunta si Dave sa Manila para bisitahin ang bar niya. Manila ‘yon at may posibilidad na magkita kami ni Mama pero mas inaalala ko ang paglayo ni Dave. Ayokong maiwan dito at matulog ng mag-isa. Nasanay na ‘kong katabi siya. Wala na ngang harang sa gitna kapag magkatabi kami sa kama at madalas ay magkayakap kaming matulog. Dala ang ilang damit, bumiyahe kaming dalawa ni Dave. Dalawang araw lang kami doon at uuwi rin agad. Habang nasa byahe ay pasimple kong pinapanood si Dave na nagmamaneho. Makikita talaga sa mukha niya kung gaano siya kabait at kung gaano talaga siya ka-cute at kagwapo. “Naaalala mo pa ba no’ng araw na nagtapat ka sa ‘kin?” bigla kong tanong. “Hinding-hindi ko makakalimutan,” saad niya at naging masaya ang seryoso niya kaninang awra. “Pati ang pakiramdam…gano’n pa rin,” dugtong niya. “So... gusto mo pa rin ako? Balak mo pa rin akong ligawan?” tanong ko. Saglit niya ‘kong nilingon dahil nagmamaneho siya. “Pwede na?” tanong niyang may halong excitement. Kahit ako ay naging excited din sa tanong na ‘yon sa isip ko. Pwede na nga ba? O mas mainam na tanong ay... kaya ko na ba? Kaya ko na bang kalimutan si Ninong na unang lalaking minahal ko at kumilala ng bago? Sa loob ng tatlong buwan ay wala akong natanggap na tawag mula sa kaniya o kahit text. May mga araw na sinusubukan ko pa ring tawagan ang numero niya pero out of coverage na. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. At hanggang ngayon... mahal ko pa rin siya. Hindi pa nawawala. “Hindi kita mamadaliin, my wife. Masiyado pa namang maaga at marami pa tayong pagsasamahan para mas makilala natin ang isa’t isa.” Habang sinasabi ‘yon ni Dave ay walang tampo sa kaniyang boses. Nakuha pa niya ‘kong ngitian para sabihing okay lang. Parati siyang nakangiti sa akin at palagi niyang pinapagaan ang pakiramdam ko. Nakatulong sa pagmo-move-on ko ang pagsama sa kaniya. Pero hindi rin talaga gano’n kadaling limutin ang first love ko. Nang makarating kami sa Manila ay bumalik ang huli kong ala-ala…noong gabing naglayas ako. Huminga na lang ako ng malalim at humawak sa kamay ni Dave. “Faye?” isang boses na pamilyar sa akin. Nilingon ko ‘yon. “Oh my! Faye, ikaw nga!” nagtititiling saad ni Marielle. Napatingin siya agad sa lalaking kasama ko. Naka-uniform pa si Marielle at mukhang papasok pa lang siya sa school. Napa-o-shape ang labi niya nang makita ang kamay naming magkahawak ni Dave. Tumungo kami sa isang coffee shop para doon makapag-usap. “So, nagsama na pala kayo? Kaya pala hindi ka na nagpaparamdam ha? Ibinahay ka na pala ni Dave,” may tampo niyang boses at sinulyapan si Dave sa tabi ko. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. “Sorry hindi ko nasabi sa inyo. Biglaan kasi at ayoko ng ikwento pa ang mga nangyari,” hinging paumanhin ko. Hindi ko kinuwento kay Marielle ang dahilan ng pagsama ko kay Dave. Si Dave lang ang nakakaalam ng tungkol sa ‘min ni Ninong. At sa katunayan ay nahihiya akong malaman nila ang tungkol doon dahil ang alam nila... ninong ko talaga si Ninong Dave. Hindi nila alam na may pagtingin ako kay Ninong Dave. “It’s okay. Mukha namang masaya ka at alagang-alaga ka ni Dave,” nakangiting sabi niya. Nahiya naman ako sa sinabi niyang alagang-alaga. Well, totoo naman. Alagang-alaga nga ‘ko ni Dave. “Hindi ka na rin pumapasok. May balak ka pa bang mag-aral?” naging seryoso naman ang tanong ngayon ni Marielle. “Next year,” maikling sagot ko kahit pansamantalang nawala sa isip ko ang pag-aaral. Nakalimutan ko ‘yon sa loob ng tatlong buwan. “Great! Doon ka na lang mag-enroll sa pinapasukan ko. Si Grace kasi…” Naging malungkot ang boses niya. “What happened?” kinakabahan kong tanong. Naluluha si Marielle nang tingnan ako. “S-She’s gone,” wika niya at napahikbi. Tinitigan ko muna si Marielle dahil hindi pumapasok sa isip ko ang mga sinabi niya. Ni ayaw kong isiping totoo ‘yon. Sa huli ay napatakip ako ng bibig. “P-Paanong…” “Car accident,” wika ni Marielle at dinukot ang panyo sa bulsa para punasan ang luha niya. Nanginig ang labi ko at agad na lumandas ang masaganang luha. Pumapatak ang luha ko sa ibabaw ng lamesa hanggang sa narinig ko na rin ang sarili kong hikbi. Agad akong napayakap kay Marielle. Masakit mawalan ng matalik na kaibigan. Para na kaming magkakapatid kung magturingan. May pagsisisi akong naramdaman dahil hindi ko manlang siya napuntahan sa burol niya. Ni hindi ko manlang nakita ang malaking ngiti niya bago siya mawala. Tahimik akong humagulgol sa balikat ni Marielle. Ang sakit sa dibdib at parang may nakabarang punyal na ayaw maalis. Naninikip ang dibdib ko at ayaw huminto ng luha ko. Pinagpaliban muna namin ang lakad namin ni Dave. Gusto kong bisitahin ang puntod ng dati kong kaibigan. Nang makita ang pangalan niya sa lapida ay napahagulgol na ‘ko. Nakalagay doon kung kailan siya ipinanganak at kung kailan siya nawala. She died last month. Hinaplos ko ang pangalan niya sa lapida. Si Dave lang ang kasama ko dahil kailangang pumasok ni Marielle. “Sana tinawagan ko sila noon,” puno ng pagsisisi kong wika. “Para narinig ko man lang boses n-niya,” dagdag ko. “I’m sorry, Grace. I’m sorry,” bulong ko pa. Masasayang alaala namin nina Marielle at Grace ang bumalik sa isipan ko na siyang nagpapaiyak sa akin ng husto. “My wife,” mahinang tawag sa ‘kin ni Dave. Nilingon ko siyang basang-basa ng luha ang mukha ko. Nag-aalala siyang nakatunghay sa ‘kin at tinabihan ako sa harap ng puntod ng kaibigan ko. “Hindi ko alam kung papaano pagagaanin ang loob mo. Hindi ko alam ang gagawin kundi panoorin ka lang na umiiyak. Nasasaktan akong makita kang ganiyan, my wife,” wika niya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. “Sapat na sa ‘kin na sinama mo ‘ko dito sa Manila,” nakangiting sabi ko pero tuloy pa rin sa pag-agos ng luha ko. “T-Thank you,” umiiyak na pasalamat ko at niyakap siya. Kung hindi ako sumama, malamang ay hindi ko pa rin alam ang masakit na balitang ito. Nanatili pa kami ng isang oras bago magpasyang umuwi. “Tumuloy na tayo sa bar,” wika ko habang nasa biyahe. Nilingon niya ‘ko at saka umiling. “Kailangan mong magpahinga, my wife.” “Maiiwan na lang ako dito sa sasakyan mo. Hindi na ‘ko sasama sa loob. Gusto ko rin kasing umuwi na sa probinsya. Nasu-suffocate ako rito,” wika ko at nagbiro sa huli pero iyon ang totoo. Hindi ko alam na ganito kahirap bumalik dito. Nag-aalala pa rin si Dave sa ‘kin kaya nginitian ko siya. “You know, pollution,” dagdag ko pa. Nakakaunawa naman siyang tumango. “Mabilis lang ako, my wife. Uuwi rin tayo agad,” saad niya at hinalikan ako sa noo. Ito ang unang beses kaya hindi ako nakagalaw kaagad dahil sa gulat. It’s a sweet gesture na never ko pang naranasan kahit kanino. Kahit kay Mama o kay Ninong. Tumuloy kami sa bar pero ako ay nasa parking area lang ako naghihintay. Pero habang nasa loob ako ng sasakyan ay dumating ang isang police car. Agad na bumaba ang mga pulis doon na tila ba nagmamadali sa kanilang kilos. Hindi ko ‘yon pinansin kahit kinabahan ako. Pero agad akong napababa ng sasakyan nang makita kong nakaposas ang mga kamay ni Dave at hawak ng mga pulis! “Dave!” malakas kong tawag sa kaniya at nilapitan siya. Huminto naman ang mga pulis. May isang sasakyan pa ang dumating. “Pumasok ka sa kotse, Faye,” mariin na utos ni Dave. “Bakit ka nakaposas? Bakit ka nila hinuhuli?” nag-aalala at puno ng takot kong tanong sa kaniya. “I don’t know,” mahinang sagot niya. Mas lalo akong natakot. “Bakit ni’yo siya hinuhuli?!” nagpa-panic kong tanong sa pulis. Hindi nila ‘ko sinagot at agad na lang pinasakay si Dave sa sasakyan. “Wait! Bakit niyo siya hinuhuli?!” malakas kong boses. Pinagtitinginan na kami ng ilang taong nasa paligid. Kinatok ko pa ang bintana ng sasakyan pero nang makasakay ang pulis sa driver seat ay agad na pinaandar ang sasakyan. Bumalik ako sa kotseng naka-parking. Nasa loob ng sasakyan ang susi. Magmamaneho ako para sundan si Dave sa prisinto. Nakapagmaneho na ‘ko dati pero hindi pa ‘ko gano’n kasanay. Bago pa ‘ko makasakay sa driver seat ay may humawak sa braso ko. Agad ko ‘yong nilingon at namilog ang mga mata ko sa gulat nang masilayan si Ninong!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD