Chapter 9

2581 Words
Agad akong nag-impake at tinawagan si Dave. Kung tutuloy ako kina Grace, malalaman ni Mama. Ayoko rito. Ayoko na rito. Umiiyak ako at puno ng sakit sa dibdib ko habang nilalagay ko sa maleta ang mga damit ko. May pagmamadali bawat kilos ko at hindi ko na magawang ilagay ng maayos ang mga damit ko sa maleta. Mahalaga lang ay makapagdala ako ng damit na magagamit ko. Wala na ‘kong pakialam kung ilan o kung ano ‘yong mga nadadala ko. Mahalaga may mailagay ako sa maleta. “D-Dave,” umiiyak kong tawag sa kaniya nang sagutin niya. “Umiiyak ka ba? Ano’ng nangyari?” magkasunod at nag-aalala niyang tanong. “Sunduin mo ‘ko. Iti-text ko sa ‘yo ang address,” wika ko. Wala akong panahon para magpaliwanag kaya hindi ko siya nasagot ng maayos. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko at walang dereksyon ang isip habang nag-iimpake. Wala akong pakialam kung makita man ako ni Mama na aalis. Basta ayoko siyang makasama at mas lalong ayokong makita si Ninong. “Sige-sige,” agad niyang sagot at binaba ko na ang tawag. Dala ang lahat ng cash money ko ay nagbihis ako ng pantalon at itim na jacket na may hood. Kaya pala hindi na gaanong malungkot si Mama sa pangba-basted ni Ninong sa kaniya... sila na pala. And now she’s pregnant?! How come? Kaya ba kating-kati si Ninong dalhin ako sa ibang bansa dahil tatakasan niya ang responsibilidad kay Mama? O takot siyang malaman ko ang totoo? Gulong-gulo ang isip ko at hindi makapag-isip ng maayos. Binitbit ko ang maleta at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Narinig kong nasa kusina si Mama at naghuhugas ng mga plato. Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa makalabas ng bahay. Dali-dali akong pumara ng taxi para makaalis na. Walang kamalay-malay si Mama na naglayas ako. At mas lalong wala siyang kamalay-malay na sobrang nasasaktan ang anak niya. Walang humpay ang luha ko habang nakasakay sa taxi palayo sa bahay. Kahit palingon-lingon sa akin ang driver ay wala na ‘kong pakialam. Masiyadong masakit. Sa sobrang sakit ay para bang hindi kinakaya ng puso ko. Naninikip at hirap akong makahinga. Ni-text ko kay Dave ang lugar kung saan kami magkikita. Nauna pa siya sa ‘kin. Siya na rin ang nagbayad sa taxi-ng sinakyan ko. Agad niya ‘kong pinasakay sa sasakyan niya kahit hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit may dala-dala akong mga gamit. “What happened, Faye?” nag-aalalang tanong niya. Umiling ako at napahagulgol ng iyak. Unang pag-ibig, pero naloko lang ako at nasaktan. Lahat ng ibinigay kong pagmamahal kay Ninong... nasayang at hindi pinahalagahan. Pero hindi ako magsisisi sa mga nangyari sa ‘min dahil ipinakita ko lang ang pagmamahal ko sa kaniya. . .ang kaya kong ibigay sa kaniya. Sadyang hindi lang ako pinalad. Dinala ako ni Dave sa bahay niya. Binigyan niya ‘ko ng tubig at inabutan ng tissue. “Niloko niya ‘ko,” umiiyak kong sumbong sa kaniya. Para akong batang inaway sa kalye at nagsusumbong dito kay Dave. “Sino?” tanong niya. Bakas ang galit kaagad sa boses niya pero malumanay pa rin. “Si N-Ninong,” umiiyak kong sagot. May pagsisisi rin akong nararamdaman. Na sana pala hindi ko na lang binigyan ng kulay. Nanatili na lang sanang ninong ang turing ko sa kaniya para hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero simula pa lang kasi ay batid ko nang gusto ko si Ninong at hindi siya ninong lang para sa ‘kin. Minahal ko siya nang higit pa ro’n. “Papaano ka niya niloko?” seryosong tanong niya. Tinitigan ko siya. Pinag-iisipan ko muna kung sasabihin ko pero sa huli ay kinukwento ko lahat sa kaniya. “Mali ba ‘ko, Dave?” tanong ko. Umiling siya. Walang pandidiri o panghuhusga sa mga mata niya kahit napakinggan niya ang kwento ko. Purong pang-uunawa lamang ang nakikita ko sa mga mata ni Dave. “Mali ba na minahal ko si Ninong?” ulit kong tanong. “Sa love, win or lose, right? Lose si Mama mo at ikaw ang panalo. Pero ang laro ng pag-ibig ang pinakadelikado. Minsan, kahit nasa panalo ka na... pwede ka pa ring madaya. Or maybe, pwede kang dayain ng natalo para manalo ang natalong kalaban,” wika niya. “What do you mean?” kuryuso kong tanong. “Sa akin lang ‘to ha? Kapag ang lalaki, sinabing ayaw niya sa babae dahil may matagal siyang hinihintay... hindi na niya babalikan ang babaeng binasted niya. At wala ring explanation ng maayos ang Mama mo kung paanong naging sila ng Ninong mo. Pero ang pagbubuntis niya ang isang malaking alas para manalo,” wika niya. “Ibig mong sabihin…” “Yes. Posibleng gawa-gawa lang ni Mama mo ang lahat. Hindi mo pa nakakausap ang Ninong mo, ‘di ba?” Umiling ako. “Call him,” wika niya. “Paano kung totoo?” natatakot kong tanong. “Masasagot lang ‘yan kung tatanungin mo siya mismo.” Sinubukan kong tawagan si Ninong pero hindi niya ‘ko sinasagot. Napahagulgol na lang ako dahil sa inis at galit dahil pakiramdam ko, totoo ang mga sinabi ni Mama. Agad naman akong dinamayan ni Dave. “T-Talo ako,” nanghihinang sabi ko. “You still have me. Hindi kita pababayaan,” wika niya. Sa bahay niya ‘ko magpapalipas ng gabi. Wala siyang kasama at wala rin siyang katulong kaya kaming dalawa lang dito. Sinabi ko rin ang plano kong paglayo. Wala pa ‘kong alam kung saan. Gusto ko sa Palawan kaya lang baka ma-trace ako do’n ni Mama dahil sa ticket. “Nasa legal age ka na kaya hindi ka na niya pwedeng pilitin bumalik kung iyan ang inaalala mo,” wika ni Dave. “Huwag ka munang mag-isip ng kung ano. Magpahinga ka muna at bukas natin isipin ang mga gagawing hakbang,” wika niya. “Salamat, Dave,” mula sa puso kong pasasalamat. “No problem,” nakangiting sabi niya. “Good night, Faye,” pahabol niya at tumungo sa sala. Iisa lang ang kwarto kaya doon na lang daw siya sa sofa matutulog. Magdamag akong naghintay ng tawag o text mula kay Ninong pero kahit isa ay wala akong natanggap. Halos hindi ako nakatulog kaka-dial sa number niya pero walang sumasagot. Ring lang nang ring. Mugto ang mga mata ko at mabigat ang ulo nang magising. Ni hindi ko magawang ayusin ang sarili ko. Na kahit maghilamos ay hindi ko ginawa. Sobrang down ako at para bang nahihirapang kumilos. Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted. “Good morning!” nakangiting bati ni Dave nang makalabas ako ng kwarto. Nag-prepare siya ng almusal at binigyan ako ng mainit na chocolate drink. “Morning,” mahinang tugon ko. Halos hindi ko marinig ang boses ko sa hina. “Kumain na tayo?” aya niya sa ‘kin. Isang tango lang ang ginawa ko. Naupo ako sa dining chair. Nilagyan ni Dave ng fried rice ang plato ko at isang hotdog at dalawang slice spam. Nagsimula kaming kumain pero tahimik. Hirap kong lunukin ang kinakain ko dahil naiiyak na naman ako. Tuwing sasagi si Ninong sa isip ko... nalulungkot ako at nasasaktan ng sobra. Hanggang sa bigla na lang akong napahikbi habang sumusubo ng pagkain. Agad na napatayo si Dave at niyakap ako mula sa likuran. Lumakas ang paghikbi ko dahil mas lalong sumasakit. Mas lalong kumikirot ang dibdib ko. Hinayaan akong umiyak ni Dave hanggang sa ako rin ang huminto. Nasira ang almusal namin at wala na sa ‘ming kumain pagkatapos no’n. Nakatitig lang ako sa screen ng cell-phone ko dahil umaasa akong tatawagan ako ni Ninong nang magsalita si Dave. “May Tita ako sa Eastern Samar.” Nilingon ko siya. “Sa Visayas,” dugtong niya. “Kung talagang desidido ka ng lumayo,”dagdag pa niya. “Sasamahan kita, Faye,” dagdag niya ulit. Nilingon ko ang cell phone ko at suminghot. Kanina pa ‘ko tahimik na umiiyak. “Paano ang negosyo mo rito?” tanong ko. “Bibisitahin ko na lang,” wika niya. “Malaking abala, Dave. Huwag na. Dito ka na lang at ako na lang ang lalayo.” “Hindi mo na kailangang samahan ako,” dugtong ko. “Hindi kita kayang pabayaan lang. At mas mabuting magpanggap tayong mag-asawa kung titira tayo kay Tita. Relihiyoso kasi ‘yon eh,” wika niya. Parang iyon na lang ang tanging paraan para makalayo ako. . .ang tumira sa probinsya kasama si Dave. “Kung ayaw mo naman... hahanap tayo ng ibang lugar,” wika niya. “Malayo ba do’n?” “Malayo at tahimik,” he answered. “Mahina rin ang internet doon at signal kaya—” “Mas okay ‘yon. Mas gusto ko ‘yon,” agad kong sabi. “Ayos lang sa ‘yo na magpanggap na asawa ko?” tanong niya. “Kailangan ba nating magpakasal para may katibayan?” tanong ko. “Hindi. Simple wedding ring will do. Okay na ‘yon. Hindi naman mahilig maghalungkat si Tita,” sagot niya. “Ayaw kasi no’n sa hindi kasal tapos nagsasama sa iisang bubong. Kasalanan daw kasi ‘yon,” wika niya at napakamot ng batok. Mukhang hindi sanay sa paniniwala ng tita niya. “Ayos lang... walang kaso sa ‘kin,” wika ko. Dumaan uli ang maghapon na walang paramdam si Ninong. Lalo akong nanghihina dahil wala akong nakukuhang sagot mula sa kaniya. Wala rin akong natatanggap na text o tawag kay Mama. Na para bang hindi niya ‘ko hinahanap. Sumapit ang gabi at nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama. Matagal kong tiningnan ang pangalan niya sa screen ng phone ko bago ko sagutin. “Faye?! Nasaan ka?!” magkasunod at nag-aalala niyang tanong. “Bakit wala na ang ibang gamit mo rito?” dagdag pa niya. “Sumama na ko kay Dave,” deretso kong sagot. “H-Ha?!” napalitan ng takot ang boses niya. Hindi siya updated kay Ninong? Mukhang hindi pa niya alam ang tungkol sa ‘min. Bago ako lumayo... mag-iiwan muna ako ng dahilan para mag-away silang dalawa. Napangisi ako nang makaisip ng isang ideya. “Papunta na ‘kong America,” saad ko. “B-Bakit?!” puno ng pangambang tanong niya. “Dahil ako pa rin ang mas gusto ni Ninong Dave,” makahukugang sagot ko at agad na binaba ang tawag. Mukhang wala silang komunikasyon. Mukhang pareho kami ni Mama... ayaw kausapin ni Ninong Dave. Pareho niya kaming pinagtataguan. Kinausap muna ni Dave ang Tita niya sa probinsya para ipaalam ang pagdating at pagtira namin doon. Naging excited siya kaya kahit papaano ay nakagaan sa loob ko. Kinausap niya rin ako sa telepono at natutuwa raw siyang makilala ako. She’s very excited to meet me. “Magugustuhan mo do’n,” nakangiting sabi ni Dave. “Simple lang ang buhay doon at tulad din sa Palawan. Malapit lang din ang bahay namin sa dagat,” wika niya kaya naging interesado ako. “Talaga?” manghang tanong ko. “Mm... mmm,” tumatango siyang sagot sa akin. “Maraming dagat doon dahil napapaligiran kami ng tubig. Karamihan doon ay pangingisda ang kinabubuhay at pangunguha ng copra. Pero kapag doon na tayo nakatira... hindi naman natin kailangang kumuha ng copra o mangisda,” saad niya at tumawa ng mahina. “Kaya kitang buhayin, Faye. Ako’ng bahala sa ‘yo,” nakangiting sabi niya. Dalawang araw lang ang kinailangan ni Dave para bilinan ang manager sa bar niya bago kami bumiyahe patungong probinsya. Si Mama naman ay hindi na nagparamdam na para bang hindi na niya ‘ko anak, na para bang wala na talaga siyang pakialam sa ‘kin. Noong tumawag siya ay iyon na rin ang huli. Hindi pala-kwento si Dave tungkol sa buhay niya kung hindi ka magtatanong. Deretso rin kasi siyang sumasagot kapag may gusto akong malaman. “Mag-isa ka lang talaga dito sa bahay mo?” tanong ko habang inaayos ang gamit ko. Hindi kasi maayos ang pagkakalagay ko sa maleta. “Oo. Ako kasi ang bunso, iyong Ate ko... nasa Japan na. Doon na sila naninirahan kasama ang napangasawa niyang hapon,” sagot niya. Isang beses naman akong napatango. “Ang mga magulang namin ay matagal nang hiwalay at may kaniya-kaniya na ring pamilya,” dugtong niya. “Mabuti at nakaya niyo ng ate mo?” “Lumaki kami kasama si Dad. Pero nang makatapos kami ni Ate sa college... bumukod na kami sa kaniya at nagkaniya-kaniya na ng buhay,” wika niya. Kung iisipin ay parang mahirap, pero nakaya ni Dave. Sana ako rin. Sa paghihiwalay namin ng landas ni Mama... sana kayanin ko rin. Gusto kong maging katulad ni Dave. Nakakaya ang buhay kahit mag-isa. Sa pick-up truck ni Dave kami sasakay. Kaya naman daw niyang bumiyahe kahit malayo. Pwede rin daw kaming mag-stay sa hotel na madadaanan namin para magpahinga sa byahe. Mahirap daw kasi kapag bus. At hindi rin ako pumayag na sumakay ng eroplano. “Baka may naiwan ka pa?” tanong niya. “Isang maleta lang naman ang gamit ko,” natatawang sagot ko sa kaniya. “Sa wakas, nakita ko na uli ang tawa mo,” saad niya kaya na-freeze ang ngiti sa labi ko. “Kailangan ko rin. Masakit ang mga nangyari pero hindi ko pwedeng ikulong ang sarili ko do’n. Gusto kong maging katulad mo, Dave. Gusto ko ring makayanan ang buhay ko kahit wala na ko sa puder ni Mama,” nakangiting saad ko. “Alam kong kaya mo. Hindi pa tapos ang laban,” makahulugang saad niya. Hindi na lang ako nagsalita pa at sumakay na lang sa sasakyan. Dumaan muna kami sa isang grocery store para bumili ng maiinom at makakain sa byahe. Balak ko sanang magpaalam kina Grace at Marielle pero hindi ko ginawa. Tatawagan ko na lang siguro sila kapag nasa probinsya na kami. “Ito ang bayad, Dave,” wika ko sabay abot ng pera. “Ako na. Hindi ba mula ngayon ay asawa na kita? Pera ko ay pera mo na rin,” nakangiting sabi niya. Nahiya ako sa sinabing ‘yon ni Dave pero inabot ko pa rin ang perang hawak ko. “Pero... nakakahiya—” “Kailangan mong masanay dahil magsasama na tayo,” wika niya. Tila ngayon ko lang na-realize ang pinasok ko. Titira ako sa probinsya kasama si Dave bilang asawa ko. Kahit kunwari lang at hindi naman totoo ay nakakakaba pa rin. Para kasing totoong mag-asawa ang dapat naming ipakita kapag nandoon na kami. Dumaan pa kami sa isang jewelry shop para bumili ng couple ring. Gold ang napili ni Dave dahil hindi ako makapili. Hindi ko alam kung paano pumili dahil kunwari lang naman kaming mag-asawa. Wala naman akong nakikitang kakaiba kay Dave at gano’n pa rin naman siya. Hindi siya nagbago kahit konti. “Can I call you my wife?” tanong niya nang maisuot sa akin ang singsing. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Nandito pa rin kami sa jewelry shop at tinitingnan kami ng nakangiti at kinikilig na saleslady kaya tumango na lang ako. Nakakahiya na. Mas lalo namang ngumiti ang saleslady nang makita at marinig ang naging sagot ko. Binili namin ang couple ring na napili ni Dave. Plain lang at walang desenyo pero bagay sa kamay ko. Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko ang singsing na suot ko. Ito na yata ang simbolo ng panibagong yugto ng buhay ko. Mula ngayon... asawa ko na si Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD