Chapter 14

2865 Words
Tulog na si Ninong, madaling araw na. . .hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ‘ko hindi mapakali dito sa kama. Kinuha ko ang cell phone kong nasa side table at bumangon na lang. Nilingon ko pa si Ninong kung baka nagising ko ba siya sa pagbangon ko. Gano’n pa rin ang pwesto niya. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Nakayakap siya sa ‘kin kanina paero inalis ko. Ayoko. Parang hindi na ‘ko sanay. Gusto kong bumalik sa dati. Pinipilit ko talaga. Pero tuwing pipilitin ko. . .feeling ko pinaparusahan ko lang ang sarili ko. Bumaba ako at tumungo ako sa kusina para magtimpla ng maiinom. Sa cabinet nakalagay ang mga tinitimplang drinks. Pagbukas ko ng cabinet. . .nakita ko ang powdered chocolate drink. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naluha habang tinitingnan ‘yon. I feel so sad, alone, and hurt. Kinuha ko ‘yon para timplahin at sinawalang bahala ang kalungkutang nararamdaman ko. Hindi ako marunong dahil iisang tao lang ang nagtitimpla ng ganito para sa ‘kin. Si Dave. I miss his hot chocolate drink. I miss his calm and beautiful voice. His baby but very handsome face. Oh, God. . .I miss Dave. Pinilit kong maging kalma at panatag gaya ng ilang araw ko nang ginagawa dito sa bahay ni Ninong. Tinimpla ko na lang ayon sa gusto ko at alam ko. Nilagyan ko ng mainit na tubig at saka hinalo. Tinikman ko gamit ang kutsarita. Pero unang tikim pa lang ay ang layo na sa lasa ng tinitimpla sa akin ni Dave. Umupo muna ako dito sa counter island para pagtiyagaan itong tinimpla ko. Matabang at mapakla ang lasa. . .gaya ng nararamdaman ko. Hindi gaya ng timpla ni Dave na lasang-lasa talaga ang chocolate at saktong-sakto ang tamis. Humihigop ako sa maliit na tasa habang iniisip si Dave. Napalingon ako sa cell phone ko. Ilang araw na niya ‘kong hindi tinatawagan. May parte sa puso kong umaasa akong tatawagan niya ‘ko. . .pero baka dahil din sa ‘kin. Hindi rin ako nagpaparamdam sa kaniya buhat nang maihatid niya ‘ko dito. Binaba ko ang tasa at kinuha ang phone ko. Tinutukso ako ng damdamin kong tawagan siya. I dial his number. Tulog na ‘yon kapag ganitong oras but I want to try. Gusto ko lang siyang marinig. I mean, gustong-gusto ko siyang marinig. Baka kasi iyon ang kailangan ko para sumigla ulit ako. Nitong mga nakaraan ay palagi akong feeling down, tinatago ko lang kay Ninong. Pinipilit kong itago. Nakailang ring na hindi pa rin niya sinasagot. Ibababa ko na sana pero agad siyang sumagot. “Hello?” Napatalon ang puso ko sa gulat nang marinig muli ang boses niya. Ilang araw lang pero pakiramdam ko’y buwan na ang dumaan. Automatic na bumilis at lumakas ang t***k nang banggitin niya ang pangalan ko. “Hello, Faye?” “H-Hi, Dave…” Napatitig ako sa tasang nasa harapan ko. Hindi ko alam ang sasabihin. . .bigla na lang kasi akong tumawag sa kaniya. Maingay ang paligid. Nasa bar pa yata siya base sa tugtog na naririnig ko sa background. “Wait. Lalabas lang ako saglit,” rinig kong boses niya. Nanatili akong tahimik at hinintay siyang makalabas. Nawala ang ingay pero naririnig ko ang mga dumadaan na sasakyan. “How are you? Ang tagal kong hinihintay ang tawag mo.” Nagulat ako ro’n at muling dumagundong ang t***k ng puso ko. Inaasahan niyang tatawagan ko siya?! Hinihintay niya ang tawag ko?! Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. “Faye?” untag niya sa ‘kin. Tumikhim ako. “A-Ah…akala ko kasi hindi ka pwedeng tawagan.” Humina ang boses ko. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Dave dahil sa tunog biro niyang tanong. “Bakit naman?” Hindi ako nakasagot. “Iniisip mong galit ako sa ‘yo? Nagtatampo dahil sumama ka na sa mahal mo?” Ang totoo ay hindi ‘yon ang iniisip ko. Hindi ko iniisip na galit siya sa ‘kin. Ang akin lang ay ‘yong mga pinagsamahan namin sa loob ng tatlong buwan. Gusto ko ulit ‘yon at iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya pero iniiwasan ko dahil hindi pwede. Hindi rin ako tumawag o nagte-text dahil ayokong mag-isip si Ninong Dave. “Huwag mong iisipin ‘yon, Faye. I’m fine. Don’t worry about me and all I want for you is to be happy.” Bakas sa boses niya na ang gusto talaga niya ay maging masaya ako. I’m not happy. Gusto ko sanang sabihin ‘yon sa kaniya pero hindi ko na lang itinuloy. “Hinanap ba ‘ko nina Ate Pina?” Gusto kong ilihis ang usapan. “Hindi naman nila alam.” “Hindi mo sinabi sa kanila?” “No. kapag ginawa ko ‘yon edi nabuko tayo.” Nagbiro siya pero para akong sinaksak sa dibdib. Ayokong mabuko kami. At ayoko rin ng nararamdaman kong kirot sa puso ko ngayon. Yes. Nagpanggap lang kami. Nasasaktan ako sa part na ‘yon…’yong nagpanggap lang kami. Napatingin ako sa suot kong singsing sa daliri. Hindi ko pa pala inaalis. Nakailang beses ko na ring nahuli si Ninong na tinitingan ang singsing na suot ko. Ayokong alisin ulit dahil noong sinubukan ko. . .hindi talaga ako sanay. Sinuot ko na lang ulit kaysa makaramdam ng pagkaalangan. “Suot mo pa ba ‘yong singsing? I mean, the fake wedding ring.” “I’m still wearing. Hindi ako sanay kapag hindi ko suot.” He softly chuckle. Malungkot naman akong ngumiti. “Me too. Hindi ako sanay…” Tumahimik ang linya. “Bukas na ang flight namin patungong America.” Naging bulong ang boses ko. “Mag-aaral na ‘ko doon at papakasalan na ‘ko ni Ninong after kong grumaduate.” Gusto kong pigilan niya ‘ko. Gusto kong may sabihin siya sa ‘kin para hindi ako tumloy. “Matagal kitang hindi makikita, Dave. Uhm…can I see you tomorrow?” Pinilit kong hind imaging garalgal ang boses. Naninikip ang lalamunan ko dahil parang may nakabarang bato. “It’s nice to hear, Faye! Congratulations to the both of you! Sige, walang problema. Kita tayo bukas.” Halatang masaya siya at doon ako mas nasasaktan. Masaya ka bang nalulungkot ako, Dave? “Diyan na lang sa bar mo, kung saan kita unang nakita at nakilala,” mahinang boses ko. “Faye…” “I-I need to go. Bye, Dave.” Agad kong binaba ang tawag dahil hindi ko na kayang pigilan ang nakabarang bato sa lalamunan ko. Tinakpan ko agad ang bibig nang mapahikbi ako. Umiling ako sa sarili. “This is so wrong. I love, Ninong.” Inubos ko ang lumamig ko ng chocolate drink at naghilamos bago bumalik sa taas. Tumabi ako kay Ninong at yumakap sa kaniya. Nagising siya sa ginawa ko. “Hindi ka makatulog?” he asked. Umiling ako. “Sana ginising mo na lang ako.” “Ang himbing ng tulog mo. Ayokong istorbohin ka.” Binaon ko ang mukha sa dibdib niya at nagpakulong sa mga yakap niya. I need this. Pinilit kong makatulog kahit na hina-haunting ako ng mga memories namin ni Dave sa probinsya. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ilang oras lang ang naging tulog ko kaya halatang bangag ako. Wala na sa kama si Ninong nang magising ako. Malamang ay nasa kusina na ‘yon para maghanda ng almusal. Mamayang gabi pa ng flight namin. Naghilamos ako at nagsipilyo bago bumaba sa kusina. Nakita ko agad si Ninong na naghahain. Simple breakfast for today. Handa na ang mga gamit namin na dadalhin para sa flight mamaya kaya hindi rin kami magiging busy ngayong maghapon dito sa bahay. “Good morning, asawa ko!” masiglang bati niya sa ‘kin. Agad niyang pinulupot ang kamay sa beywang ko at nilapit sa kaniya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko, noo, ilong at labi gaya ng parati niyang ginagawa tuwing umaga. “Good morning.” Sinuklian ko rin ng halik ang labi niya. “Kain na tayo.” Naupo ako sa upuan. “Gigisingin pa lang sana kita,” wika niya. “Ninong…” Mula sa pagsasalin ng sinangag sa plato ko ay nilingon niya ‘ko. “Hmm?” “Pwede bang lumabas? Magkikita kami ni Dave. If you want…pwede kang sumama.” Ayokong sumama siya pero ayokong pag-isipan niya ‘ko ng masama. Baka ipahuli na naman si Dave. Nahalata ko agad na nabahala siya. “Ayos lang kung hindi pwede. I can text him—” “Ayos lang. You can go and see him. Saan ba ‘yan para maihatid kita?” Ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng pagkain sa plato ko. “Sa bar ni Dave.” “Okay.” Maiksi pero alam kong may laman. “Kung napipilitan ka lang, hindi na ‘ko tutuloy.” “Ayos lang, Faye. Ayaw kitang paghigpitan sa mga gusto mo. At isa pa. . .kaibigan mo lang naman si Dave, ‘di ba?” Parang punyal na namang tumarak sa dibdib ko. Para akong sinampal at binuhusan pa ng malamig na tubig para mahimasmasan. “Y-Yes. We’re just friends.” Ngumiti pa ‘ko kahit sumisigaw ang damdamin ko habang umiiyak. Nagsimula na ‘kong kumain at nag-focus doon. Nag-text ako kay Dave para sabihing pupunta ako. “Sunduin kita?” Simpleng text mula sa kaniya ang nagpagulo na naman sa t***k ng puso ko. Parang hinahalukay na naman ang tiyan ko. “Ihahatid ako ni Ninong.” “Okay. See you then.” Naligo ako at nagbihis ng simpleng damit. Ayaw ni Dave ng sexy. Pakiramdam ko…nagsasama pa rin kami kaya sinusunod ko pa rin siya. Simpleng t-shirt at pantalon. Pinusod ko lang ang buhok ko at naglagay ng light color ng lipstick sa labi para may kulay naman ako at hindi masyadong halatang puyat. Nagulat pa si Ninong dahil ngayon lang niya ‘ko nakitang nagdamit ng ganito. Wala naman siyang comment pero nakita ko ang tinago niyang ngiti sa labi niya. Gusto yata niya ang kasimplehan ko. Just like my other Dave. “Ano’ng oras kita susunduin?” tanong niya habang nasa byahe kami. “Tatawag na lang ako.” Hindi na siya nagsalita pa at nag-focus na lang sa pagda-drive. At sa tingin ko…hindi siya panatag sa pagkikita namin ni Dave. Nakikita niya ang singsing na suot ko kapareho kay Dave at nakita niya rin kami noon na magka-holding hands. Hinalikan ko siya sa labi at bumaba na. “See you later. Drive safe,” nakangiting sabi ko. “No alcohol drinks, okay?” “Akala ko ba walang bawal at ayaw mo ‘kong pagbawalan?” Nakataas ang isang kilay ko at nameywang sa kaniya. Tinawanan niya lang ako. “Bigay mo sa ‘kin number niya.” Narinig ko ang pagka-istrikto ng boses niya. “Oo na. Oo na. Wala ng drinks.” Tumawa ulit siya. “Later,” aniya at sinara ko na ang pitno ng sasakyan. Hinintay ko siyang makaalis bago pumasok sa bar. Hinanap agad ng mga mata ko si Dave. At nakita ko siya sa may stage. Simple lang ang suot niya pero ang kisig niya tingnan. Nakabukas ang dalawang butones sa taas ng kaniyang puti at parang nangungupas na white polo. Pantalong itim at rubber shoes. Tumutugtog siya sa stage. Nakasabit sa balikat niya ang strap ng gitara. Nagsimula siyang kumanta. Nakapikit ang magaganda niyang mata at dinadama ang magandang tunog ng gitara na siya ang may gawa. Ang malamig niyang boses na nagpapainit sa puso ko pero ang lyrics…tumatagos hanggang kaluluwa ko. “Ayokong bitawan ka…” “Ayokong lumayo ka…” “Ngunit mas ayokong hindi ka maging masaya sa piling ko, aking sinta…” Ang lyrics na parang nagsilbing speaker sa puso ko. Iyon ang gusto ng puso ko. Ayokong lumayo kay Dave. Ayokong bitawan si Dave. Ayokong hanggang doon lang kami ni Dave. Pero kapag ginawa ko ‘yon…may masasaktan. Ayokong masaktan ang taong walang ginawa kundi mahalin ako at mangarap sa buhay kasama ako. Ninong… “Patawarin mo sana ako…” “Hindi ako ang tamang tao para sa ‘yo…” “Gusto kitang mahalin kagaya ng pagmamahal niya…” “Gusto kitang pasayahin tulad ng ibinibigay niya…” “Ibuhos ko mang lahat…alam kong siya pa rin ang sapat.” Bakit ang sakit ng mga lines ng kinakanta niya? Anong song ba ‘yon? O sarili na naman niyang compose kaya hindi ko alam at hindi ako pamilyar. Ayoko siyang pigilan dahil sobrang ganda. Masakit at nakakaiyak pero gusto kong tapusin niya. Nakapikit pa rin siya kaya hindi niya ‘ko nakikita dito sa harapan niya. Nalulunod siya sa music at niyayakap niya bawat liriko kaya damang-dama ko bawat linya. “Oh…mahal ko, ikaw pa rin ang mamahalin ko…” “Kahit hindi ako ang pinipili ng puso mo…” Minulat niya ang mga mata at saktong ako agad ang nakita niya. Nahinto siya at tumayo na. Pinilit kong ngumiti at pinalakpakan siya. “Fan mo na ‘ko. You are a great singer!” “Hindi naman. Would you like a drink?” Nakangiting sabi niya at pinulupot ang kamay sa beywang ko. Para akong nakuryente pero hindi ko ipinahalata. “Juice na lang.” Nag-utos siya sa isang waiter. “Two orange juice. Thanks.” Naupo kami sa isang table. Sinadya niyang ilapit ang upuan niya sa upuan ko gaya ng palagi niyang ginagawa noong nasa probinsya kami. Tatlong customer lang ang nakikita ko ngayon. Tinabi niya ang gitara sa gilid. “Pwedeng mahiram?” tanong ko habang inaantay pa namin ang inumin namin. Tumanggi ako sa pagkain nang tanungin niya ‘ko dahil busog pa naman ako. “Sure, my wife.” Napatingin ako sa kaniya na namimilog ang mga mata. Na-miss ko ang pagtawag niya sa ‘kin ng gano’n. Gusto ko ulit marinig. Nagsusumamo ang puso ko. “Sorry. Yes, Faye. Here.” Inabot niya sa ‘kin ang gitara niya. Tipid na ngiti ang isinukli ko. Napatingin pa ‘ko sa daliri niya. Oo nga. Suot pa niya ang singsing. Nagsimula akong tumugtog ng itinuro niya sa ‘kin noong nasa Palawan kami. He was smiling while watching me. Ngiti na humahalukay sa tiyan ko. Umiinit ang pisngi ko kapag kinakanta niya ang lyrics ng ginigitara ko. Hanggang sa nag-duet kami at nawala na ‘ko sa sarili. Na-enjoy ko ang duet namin kahit hindi maganda ang boses ko. Kumakanta ako galing sa puso at ang gaan sa pakiramdam. Kahit dumating na ang juice na ipinakuha niya ay kumakanta pa rin kami. “I love you…” Iyon ang huling lines sa lyrics. Pakiramdam ko, iyon din talaga ang gustong sabihin ng puso ko. Sandali kaming nahinto pareho. Tiningnan niya ang labi ko. Hindi ko sadyang dilaan dahil feeling ko na-dry bigla. Napalunok siya at nilapit ang mukha. Hinawakan niya ang kanang pisngi ko para ilapit sa kaniya. Ang init ng palad niya na nagbibigay ng bolta-boltaheng kuryente sa mga ugat ko. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ako humihinga habang hinihintay si Dave. He’s going to kiss me! Hanggang sa imahe ni Ninong ang lumitaw sa isip ko. “Dave…” mahinang tawag ko sa kaniya. “Ayaw kitang pilitin pero gusto kitang halikan. Kahit ngayon lang. I know this is my last chance to kiss this sweet lips of yours and I don’t want to lose this opportunity, Faye.” Nagkagulo na ang loob ng tiyan ko. Sumisigaw ang t***k ng puso ko sa lakas ng hampas. Nagdidiwang. Ipinikit ko ang mga mata at hinintay na halikan ni Dave. Dumapo ang napakalambot niyang labi. Nahulog agad ako sa spell ng labi niya kaya napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa kabilang bahagi ng mukha ko. Nagtagal ng ilang segundo ang halik niya. Hindi gumalaw ang labi niya pero ramdam na ramdam ko ang pagkagusto niyang mahalikan ako. Gusto kong umiyak sa saya at lungkot. This is our first kiss and I’m happy. But I know that this will be our last kiss. Sa huling halik na ‘to, ipinapabaon ko ang pagmamahal ko para sa ‘yo, Dave. Thank you for everything, my husband. Thank you dahil nakilala kita. At habang-buhay kong dadalhin ang ating mga alaala. Sana mahanap mo ang babaeng babagay sa pagmamahal na meron ka. Gusto kong ako ‘yon pero alam ko rin hindi pwede at hindi ako nararapat. You deserve better then me, my husband. Binitawan niya ang labi ko. Naluluha akong nakatunghay sa kaniya. Kakaiba ang halik na ‘yon. Ibang-iba sa halik ni Ninong sa ‘kin. Pinagdikit niya ang tungkil ng ilong namin at noo. Humihinga kami sa sarili naming hininga. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Gusto ko ulit maramdaman ang labi niya. “Please be happy, Faye. Huwag ka na ulit iiyak nang dahil sa kaniya. Dahil kapag nangyari ‘yon…babawiin kita kahit ayaw mo, kukunin kita sa kaniya kahit ayaw mo. At gagawin ko ang lahat para sumaya ka sa ‘kin at para may dahilan kang hindi na siya balikan at hanapin.” “Handa akong mandaya sa laro ng pag-ibig kung paiiyakin ka lang niya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD