“Please be happy, Faye. Huwag ka na ulit iiyak nang dahil sa kaniya. Dahil kapag nangyari ‘yon…babawiin kita kahit ayaw mo, kukunin kita sa kaniya kahit ayaw mo. At gagawin ko ang lahat para sumaya ka sa ‘kin at para may dahilan kang hindi na siya balikan at hanapin.”
“Handa akong mandaya sa laro ng pag-ibig kung paiiyakin ka lang niya.”
Paulit-ulit sa isipan ko ang mga huling sinabi ni Dave. Tinanong ko siya kung gusto niya ‘kong manatili pero ang sabi niya ay huwag ko raw pilitin ang sarili ko. “Alam kong siya ang mahal mo.”
Oo mahal ko si Ninong. . .he’s my first love. Kaya ba ‘ko nahihirapan dahil si Ninong ang una kong minahal? Kailangan bang doon na lang ako mag-stick dahil siya ang una? Iyon ba ang ibig niyang sabihin? O baka, hindi niya nahahalatang mahal ko na rin siya.
8 o’clock ang flight namin. Maaga akong nagpasundo kay Ninong kanina sa bar ni Dave. Hindi ko kayang magtagal kahit gustong-gusto ko pa siyang makasama. Kasi nasasaktan lang ako. Kapag kasama ko si Dave... mas lalo kong pinipiling mag-stay at huwag sumama kay Ninong.
Hindi ako nagpaalam kay Mama. I hate her. Tuwing nakikita ko siya at naiisip... inis lang ang nararamdaman ko. Dahil alam kong may something pa rin si Mama kay Ninong. Babae ako kaya ramdam ko ‘yon.
Kumain muna kami sandali sa isang restaurant bago tumungo sa airport. Hindi na nagluto si Ninong ng hapunan at baka ma-late daw kami. So, we decided to eat dinner here in Raf Restaurant. Malapit na ‘to sa airport kaya hindi kami male-late.
“The sinigang here is the best! Ang sarap,’ wika ko nang makalabas kami.
Kailangan ko ng comfort food to ease the pain in my chest at mabuti na lang dito kami kumain. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong mabusog sa masarap na sinigang. Filipino dish ang karamihan sa menu at tatlong putahe ang in-order ni Ninong at walang tapon lahat. Naubos nga namin ang tatlong ulam na ‘yon. Ngayon lang uli ako kumain ng ilang rice ng kanin. Raf Restaurant is my favorite restaurant from now on. Kung may pagkakataong uuwi pa ‘ko ng Pinas... dito agad ako pupunta para kumain.
Si Ninong ang may dala ng mga bag namin. Hawak ko ang ticket at passport ko. Kinakabahan ako at naho-homesick na agad kahit hindi pa ‘ko nakakaalis ng bansa. Parang may nanghihila sa akin na huwag tumuloy. At habang hinihintay na tawagin kami... si Dave ang nasa isip ko. Iyong gwapo niyang mukha kanina nang ibigay niya ‘ko kay Ninong, binati pa niya kami para sa kasal.
“Ano ‘yong ibinulong ni Dave sa ‘yo kanina?” tanong ko kay Ninong. May ibinulong si Dave kanina kay Ninong no’ng makasakay na ‘ko sa sasakyan.
Busy siya sa phone at may tini-text ata sa states. Tungkol yata sa trabaho niya. Nilingon niya ‘ko sandal. “Nothing,” he answered.
I arched my brow. “Nothing?”
“May sinabi siya sa ‘yo.” Gusto kong malaman kung ano ang ibinulong ni Dave kay Ninong.
“Ingatan daw kita. Huwag papaiyakin dahil babawiin ka niya sa ‘kin. He’s a brave man.” Ngumisi si Ninong ng tipid. Nasa phone pa rin siya at may ka-text.
Natahimik ako. He really said it? “H-He is... he is brave. Hindi siya takot ibalik ako sa ‘yo kahit na maiiwan siya.” I can’t hear my own voice. Sana naging matapang din siyang pigilan ako.
“Dahil sa akin ka, Faye,” puno ng kumpiyansa at paninigurong sabi ni NInong. He’s so possessive.
“Of course...” mahinang boses ko na agad kinontra ng kalooban ko.
Hindi na ‘ko nagsalita pa ulit tungkol sa bagay na ‘yon. Siguro, kailangan ko na ring simulan na huwag isipin at yakapin na lang ang bagong buhay ko kasama si Ninong Dave. At gaya ng sabi ni Dave, piliin kong maging masaya. O baka ang mas tamang term doon ay pilitin kong maging masaya.
Matapos ang mahabang oras ng byahe... safe kaming naka-landing sa airport ng America. Malaking bansa, maraming city at dito na ‘ko titira magmula ngayon kasama ang taong pinili ko. Dito ako mag-aaral, magpapakasal at magkakapamilya. Ini-imagine ko na kahit wala pa ‘ko sa gano’ng eksena. Doon din naman kasi papunta.
Hindi mainit kagaya sa Pinas ang temperatura. Maraming tao sa airport na para bang hindi maubos-ubos kahit may umaalis naman. Pagkakuha ng mga bagahe namin ay agad kaming lumabas para sumakay ng taxi para makauwi na sa bahay ni Ninong.
Hindi gaanong malaki ang bahay ni Ninong pero may dalawang palapag naman. Malawak na ito para sa aming dalawa. Mas malaki ang bahay niya sa Pilipinas. Miss ko na agad ang Pinas.
Binuksan niya ang ilaw dahil gabi na kami nakarating. Malayo ang itsura ng bahay niya sa Pinas kaysa dito. American style ang bahay pati ang mga kagamitan. Nasa taas daw ang kwarto namin. Hinubad ko ang jacket at naupo sa sofa habang pinagmamasdan ang buong bahay.
“September ang start ng classes. May isang buwan pa para ihanda ang mga kailangan para makapag-enroll ka,” wika niya habang inaakyat ang mga bag namin. Sumunod ako sa itaas para makita doon. Dalawa lang ang kwarto. Bakante ang isa at ang isa ay ang mismong kwarto ni Ninong na nakikita ko tuwing nagbi-videocall kami noon.
“Bahay mo na ‘to, ‘di ba?” biglang tanong ko. Mula sa pag-aayos ng gamit sa gilid ay tumango siya. Pinagpawisan kaagad siya sa pag-akyat ng mga gamit namin.
“Yes. At magmula ngayon, bahay na natin ‘to,” nakangiti niyang sagot.
Nilapitan niya ‘ko at agad hinapit sa beywang. Napasinghap ako dahil doon. “Dito tayo bubuo ng pamilya.” Hinaplos niya ang beywang ko at marahang pinisil. Nang tangka niya ‘kong halikan ay nag-iwas ako. Natigilan siya sa ipinakita kong kilos.
“I’m sorry. Pagod ako sa byahe at saka... huwag muna tayong magplano ng baby. Mag-aaral pa ‘ko at magtatapos.”
Nginitian niya ‘ko at mas nilapit pa sa kaniya. Dikit na dikit na ang katawan ko sa kaniya. “Sobrang saya ko at sumama ka sa ‘kin, Faye...” Binalewala niya ang sinabi ko.
Hinalikan niya ang labi ko. Halik na puno ng excitement. Napaungol agad ako nang pisilin niya ang magkabilang pisngi ng pwet ko. Pinulupot ko ang braso sa leeg niya. Binuhat niya agad ako at hiniga sa ibabaw ng kama. Mas lumalim ang halik niya sa akin na patuloy ko namang sinusuklian. At sa unang gabi namin dito sa America... naisuko ko na naman ang sarili sa kaniya.
Yakap-yakap ang nakatakip na kumot sa katawan ko. Bumangon ako at tumungo sa banyo. Tulog na si Ninong. Nakatulog kami pagkatapos ng ilang ulit na pagtatalik. Nagising lang ako at hindi na makabalik uli sa pagkakatulog. Namamahay yata ako.
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Inalis ko ang kumot na tumatakip sa kahubdan ko. Ilang beses ko nang ibinigay ang katawan ko kay Ninong. Hindi ko na nga mabilang. Dahil tuwing hahalikan niya ‘ko... palagi kaming nauuwi sa kama. Unlike kay Dave. Sa probinsya... noo at kamay ko lang ang hinahalikan niya. Kuntento siya doon at agno’n din ako. Hindi ko nakikitaan ng desire ang mga mata niya tuwing nakikita niya ‘kong sexy ang suot. Hindi niya rin ako hinahawakan sa maseselang parte ng katawan ko. Ingat na ingat siyang mahawakan ang hita ko. Kung tratuhin niya ‘ko ay para bang isang mamahaling bagay na bawal magasgasan. A very rare precious gem. At ang halik niya sa akin kahapon... iyon pa lang ang una.
Hinaplos ko ang labi at dinama uli ang labi ni Dave sa akin. Ibang-iba sa mga halik ni Ninong Dave. Hindi ko lang matukoy kung ano ang pagkakaiba. Ang halik ni Ninong ay palaging mainit at mapaghanap. Pero ang kay Dave... simple but full of love.
Naghilamos na lang ako para hindi na mag-isip ng ikakalungkot ng damdamin ko. Bukas ay may pasok na agad si Ninong at maiiwan akong mag-isa dito sa bahay. Wala pa ‘kong mga planong puntahan dahil takot akong maligaw. Siguro dito na lang ako maghapon.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Kagagaling lang namin ni Ninong sa university na papasukan ko. Enrolled na ‘ko at next month na magsisimula ang klase. Malaki ang paaralan at kailangan kong masanay agad sa bagong set-up pagdating sa pakikitungo sa iba-ibang lahi na nag-aaral doon.
Sa mga araw na pumapasok si Ninong sa trabaho, nasa bahay lang ako. Nanunuod ng TV, anime series at kung ano pang pwede kong maging libangan sa maghapon. Palaging tumatanggap si Ninong ng overtime. Gano’n naman talaga siya noon pa... kaya nga marami siyang pera. Hindi ko rin alam kung saan siya nagtatrabaho dahil kahit sabihin niya... hindi ko rin alam kung saan ‘yon.
Sa bawat araw na nandito ako... pakiramdam ko nauubos ako. Busy si Ninong sa trabaho... wala akong nakakausap na ibang tao kundi si Marielle lang. Hindi pa niya alam ang tungkol sa amin ni Ninong. At nang malaman niyang dito na ‘ko sa America mag-aaral ay agad niyang tinanong si Dave.
“Okay lang ba kay Dave?”
“Paano ni’yo naha-handle ang long distant relationship?”
“Bakit hindi na lang sumama si Dave sa ‘yo?”
Katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin ni Ninong ngayong umaga nang tawagan ako ni Marielle via video call. Agad ding nagpaalam si Ninong gaya ng araw-araw niyang ginagawa. Hindi na kami masiyadong nag-uusap dahil puro na lang siya trabaho. Tuwing gabi ay nagsisiping kami pagkatapos ay matutulog na siya. Hindi na kami masyadong nakakapagkwentuhan kaya mas lalo akong naho-homesick.
Alam kong ginagawa lang niya ang trabaho para mabuhay kaming dalawa at para sa pag-aaral ko. Alam ko namang masipag si Ninong kaya nga noong nag-uusap kami online ay hindi gaanong matagal dahil busy siya palagi. Ngayong nandito na ‘ko... ganito pala ang tunay na sitwasyon. Iba talaga ang nakikita kapag sa online at sa personal. Mas mahirap ngayon.
Hindi naman siya nagbago at malambing pa rin naman. Pero nagbago sa oras…I mean, umiksi. Sa gabi kami nagkakasama... sa almusal at hapunan na lang kami nagsasalo sa hapag. Kapag lunch ay ako na lang. Maaga siyang umaalis dito sa bahay at late na siyang umuuwi kung minsan sa gabi. Kapag day-off niya ay pinapasyal niya ‘ko at ibinibili ng mga gusto ko. Spoiled pa rin ako kay Ninong Dave. Sadyang nabawasan lang ang oras niya sa ‘kin at hindi ako sanay doon. Naisip kong kapag mag-aaral na ‘ko ay mas mapapadali para sa ‘kin na yakapin ang bagong set-up na ‘to.
Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko dahil sa tanong na ‘yon ni Marielle. Itong singsing na lang ang hawak ko kay Dave. Naka-save pa rin ang number niya pero hindi ko na siya tinatawagan. Sinabihan ko ring huwag na niya ‘kong kokontakin dahil iyon ang sa tingin kong mas makakabuti para sa aming dalawa o mas makakabuti sa akin.
“May bar siyang inaasikaso.” Simpleng sagot ko pero hindi ako makatingin kay Marielle.
“Bakit parang umiiwas ka? Kayo pa ba o hiwalay na kayo?”
Ang hirap tumakas kapag may kaibigan kang mapagmatyag. I heavily sigh. “Wala na kami. I mean, wala talagang kami.” Inamin ko na lang sa kaniya ang totoo. Wala namang mangyayari kung magsisinungaling at magsisinungaling ako.
“What?!”
“You heard me, Marielle. Walang kami ni Dave. Palabas lang ‘yon para maniwala ang Tita niya at pumayag na tumira kaming magkasama sa iisang bubong.”
“You got to be kidding me!”
Walang gana akong nakatunghay sa kaniya dahil sa naging reaksyon niya. Gabi na sa Pinas at alam kong tulog na ang mga kasama niya sa bahay. “Naglayas ako sa ‘min dahil nagtampo ako kay Mama. At sumama ako kay Dave pansamantala.”
“Pero hindi kayo mukhang nagpapanggap lang! Nakita kong mahal ka ni Dave. The way he look at you... the way he holds your hand... lahat ng nakita ko noong magkasama kayo... hindi ‘yon pagpapanggap o palabas lang, Faye.”
“Alam mo namang may gusto sa ‘kin si Dave, ‘di ba?” tanong ko at nilagay sa cabinet ang mga hinugasan kong plato.
“At gusto mo rin si Dave.”
“No. Dave is a good friend,” tanggi ko. Binigyan niya ‘ko ng titig na hindi naniniwala sa mga sinabi ko.
“Huwag ako, Faye. Hindi na ikaw ‘yong Faye kay Dave noon sa bar, sa debut mo at sa Palawan. You love him.” Hindi na ‘ko nakawala at napabuntong-hininga na lang.
“What’s the point? Para saan pa na gustuhin ko siya at mahalin ko siya kung hindi naman pwede.”
“What do you mean, hindi pwede?”
“Sumama ka nga sa province nila at nagsama ng tatlong buwan. I don’t get it,” naguguluhan niyang sabi.
“Long story.”
“Edi paiksihin mo.” Inirapan ko siya. Kung nabubuhay pa si Grace... malamang ay dalawa silang nangungulit sa ‘kin ngayon.
“Dahil mas deserve ni Dave ng better. At hindi ako ‘yon.” Halos pabulong kong sabi. Masakit isipin na may iba siyang makakasama. Masasaktan talaga ako do’n pero kung magiging masaya naman siya, wala akong karapatang humadlang.
“Faye...”
“I have to go na. Marami pa ‘kong gagawin. Good night, Marielle!”
Agad kong pinindot ang end button at hindi na hinintay ang sagot niya. Napahawak ako sa dibdib kong naninikip na naman. Palagi na lang akong hina-haunting ng mga memories ni Dave. . .namin ni Dave. Gaano ba ‘to katagal? Hirap na hirap na ‘ko.
Sa pagtulog ko, siya ang laman ng panaginip ko. Kapag nagmumuni-muni ako, siya rin ang naiisip ko. At kapag ganitong sobrang tahimik ng bahay… I wish he was here. Agad umunit ang dulo ng mga mata ko. Heto na naman ako... iiyak na naman. I miss Dave. I really miss, my fake husband.
Ang sabi niya, maging masaya ako at ayaw niyang malulungkot ako sa piling ni Ninong. Pero paano kung ang pinili kong ito ang nagpapalungkot at nagpapahirap sa akin. Si Dave ang gusto kong makasama at sa kaniya talaga ako masaya.
Gusto ko nang umuwi ng Pinas.