bc

A PROMISE

book_age18+
918
FOLLOW
5.0K
READ
billionaire
love-triangle
reincarnation/transmigration
time-travel
playboy
independent
bxg
virgin
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Habang-buhay, hanggang kamatayan...

Iyan ang pag-ibig na meron sa puso ng magsing-irog na sina Alejandro at Eleonor, na nabuhay 88 taon na ang nakakalipas. Sa kanilang pagbabalik sa katauhan nila Ashton at Ellie, magkaroon kaya ng katuparan ang ipinangakong ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan mula sa mga tao na may malaking pagkakahawig sa kanilang panlabas na kaanyuan?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Ika-dalawa ng Oktubre, taong 1932.  Isang malaking pagdiriwang ang kasalukuyang idinaraos noong gabing iyon sa isa sa may pinaka mayamang angkan sa Baryo Crisologo. Panay panay ang hinto ng mga magagarang sasakyan sa harapan ng malaking bahay na nagliliwanag mula sa mga palamuting ilaw maging sa loob at labas nito. Naka pormal at naka suot ng marangyang ayos na mga damit ang mga taong iniluluwa ng mga sasakyan at ibinababa sa mismong harapan ng beranda na kung saan nakaabang ang pamilya Ruiz upang salubungin ang mga bisita.  “Magandang gabi Eleonor!” may kinang ang mga mata ni Benjamin na huminto sa paglalakad at tumayo sa tapat ng napakagandang babae na nasa kanyang harapan. Nakamagara itong kasuotan na Filipiniana at may dala-dalang di tuping pamaypay sa isang kamay. Simpleng pinalamutian lang ang mahaba at maalon na buhok nito na binagayan ng konting kolorete sa mukha at mga alahas sa katawan. “Naka bibighani ang iyong ganda ngayong gabi Eleonor,” papuri pa niya dito pagkatapos kunin ang kaliwang kamay nito at dampian ng halik sa puno ng kamay. Mahinhin naman na ngumiti ang dalaga at may tuwa  sa reaksyon ng mukha nito. “Nagagalak ako at nakadalo kayo ng buo mong pamilya, Benjamin,” bahagya nitong hinawakan ang harapan ng kanyang sayad sa lupang palobong damit upang bahagyang yumukod sa lalake para magbigay galang. Ganun din ang ginawa ng dalaga sa mga magulang ng lalake na kasunod lang din nito na nasa bandang likuran.  Espesyal ang gabing iyon sa pamilya ng mga Ruiz dahil ngayon ang ika -labingwalong taong kaarawan ng kanilang bunso at kaisa-isang anak na babae, si Eleonor. Inimbitahan nila halos lahat ng mga kapwa mayayaman at may kaya na mga kamag anak at kaibigan sa kanilang bayan para pagsaluhan ang malaking pag diriwang na iyon.  Ilang minuto pa, mula sa harapang beranda ng bahay ay pumasok na sila sa loob at pumunta sa tila bulwagang laki ng kanilang sala, upang magsimula na ang inihanda nilang maikling presentasyon para sa dubutante. Kasama si Eleonor, humilera ang mga kababaihan kaharap ang mga nakahilera din na mga kalalakihan. Ilang minuto pa ay umere na ang isang tugtog at nagsimula na sumayaw ng balse ang mga ito. Lahat may ngiti sa mga labi na nakatanglaw sa kanilang mga kapareha. “Lubos kong ikinagagalak na ako ang napili mo na makapareha sa espesyal na gabing ito ng iyong buhay Eleonor,” mahinang saad ni Benjamin dito habang hawak ang isang kamay nito at ang isa ay nasa kabilang baywang ng babae. “Sino pa ba ang pipiliin kong makapareha Ben? Tayo tayo lang naman nila Alejandro ang magkakaibigan mag mula noong bata pa,” ngiti ni Eleonor habang naka sukbit ang isang kamay sa balikat ng lalake. “Siyanga pala, nakita mo ba siya? Ang sabi niya ay darating siya,” sandali itong nagpalingo-lingo sa mga nakapalibot sa kanila na nanonood na mga bisita. Isang matipid na iling lang ang sinagot ni Benjamin dito at nagpatuloy na sila sa pag sayaw hanggang matapos.  Ilang sandali pa ang lumipas ng maging abala na ang karamihan sa pagkuha  ng makakain mula sa malaking napalamutiang lamesang nakahanay sa gilid ng malaking silid-kainan nang  mag desisyon si Eleonor na lumabas sandali sa beranda sa likod bahay para makapag pahangin. Nagpalinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap. Ilang sandali pa ay may narinig siyang pamilyar na boses na tumawag sa kanyang pangalan. Natagpuan niya sa may bandang madilim na  gilid ng likod bahay ang kanina pang pinakaaasam na makita noong gabing iyon. Lumiwanag ang kanyang mukha na patakbong tinungo ang lalake. Nag-akap sila ng mahigpit. “Kanina pa kita hinihintay! Halina sa loob irog ko!” tuwang saad ni Elenor dito. May usapan sila ng kasintahan na makikisaya muna sila sa karamihan bago isakatuparan ang kanilang binabalak. Seryoso ang mukhang umiling ito. “Hindi maaari. Hindi pumayag si Don Herminyo na dumalo ako sa pag diriwang ng iyong kaarawan,” may lungkot sa tono ng boses nito. Alam na ni Eleonor ang ibig sabihin ng lalake. Isang malalim na buntong hininga lang ang nagawa niya at niyakap ulit ito. Sa dalas na magdaos ng pagdiriwang ang kanilang pamilya sa kanilang tahanan ay ni minsan hindi naimbitahan na dumalo ang pamilya ni Alejandro, bagamat kaibigan din ang mga ito ng kanilang pamilya. Isa ang mga ito sa mga magsasaka sa kanilang malaking taniman ng palay at niyog. Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi sila ni minsan naiimbitahan, dahil isa lang silang tauhan ng angkan ng mga Ruiz. “Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng aking ama,” malumanay nitong saad.  Umiling si Alejandro at pinigilan pang mag salita si Eleonor. Bagkus ay hinawakan nito ang mukha ng dalaga at marahang hinalikan ang mga labi nito. Tinugon naman ni Eleonor ang mga matatamis na halik na iyon. Marahan na may kalakip na puno ng pagmamahal. “Handa ka na ba irog ko? Ngayon na ang tamang panahon para sa pagtatanan natin. Tamang tama, abala sila sa loob, hindi nila tayo mapapansin,” mahinang saad nito sa dalaga habang silip silip ang mga bisita sa loob mula sa manipis na kurtina ng malaking pintuan ng beranda sa likod bahay. “Handa na ako irog ko. Ngunit sandali lamang, kailangan kong magpalit ng damit. Papanhik lang ako sa aking silid, abangan mo sa ibaba ng bintana ang aking ihuhulog na nakasupot na ilang mga damit, dito nalang ako magbibihis,” wika naman ni Eleonor na mabilis na tumalikod, ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok ulit sa loob ng kanilang tahanan ay pinigilan ito ni Alejandro sa pamamagitan ng paghawak sa kamay.  “Sandali lamang irog ko. Nais ko lamang batiin ka ng maligayang kaarawan! Napakaganda mo ngayong gabi. Sa tuwina ay maligaya ako na ako ang napili mong alayan ng iyong puso. Nais ko lamang iyong malaman na kahit saan tayo dalhin ng ating mga paa, kahit saan lugar tayo mapadpad, ipinapangako ko sa iyo, walang hanggan kitang aalagaan at ikaw lamang ang aking iibigin, magpakailanman,” yumukod at hinalikan nito ang punong kamay ng babae.  Bumalik ito na may matamis na ngiti. Maging ang mga mata nito ay nagniningning na mabilis  na kinuha ang mukha ng lalake at dinantayan ng isang halik sa labi ang binata. Pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng malaking bahay. Ilang minuto din ang nagdaan nang bumalik ang dalaga sa gilid ng kanilang likod bahay upang hanapin ang naghihintay na kasintahan. Nang mamangha sa kanyang nadatnan. Nakahandusay na si Alejandro sa lupa, walang malay. Tinawag niya ito sa pangalan at binuhat ang pang-itaas na bahagi ng katawan, nang walang ano ano ay mapansin ang walang tigil na pag-agos ng dugo mula sa likuran ng ulunan nito. Nang pakiramdaman niya ang pagtibok nang puso nito ay nagulantang siya at naitakip sa bibig ang isang kamay. Wala nang buhay si Alejandro.   Sa mga sandaling iyon ay abot abot ang kanyang galit, sino ang gumawa nito sa kasintahan? Pumalahaw siya ng pagkalakas lakas sa paghihinagpis dahilan ng pagkakaroon ng komusyon ng mga tao noong gabing iyon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Worth The Wait

read
202.0K
bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.4K
bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

Married to a Cold Billionaire

read
130.8K
bc

My Son's Father

read
590.0K
bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook