Chapter 00

1448 Words
"Nay! Alis na po ako!" Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay para mabilis akong makahanap ng trabaho. Kung tatanungin niyo kung nasaan yung tatay ko ayun nasa langit na. Ako na ngayon ang magtatrabaho dahil may sakit si nanay at ayokong lumala iyon, meron akong nakababatang kapatid. Grade 10 na siya ngayon kaya pwede nang maiwan-iwan, mayroon na nga yatang girlfriend eh. Naglakad nalang ako papuntang sakayan ng jeep dahil sayang pamasahe kapag nag-tricycle pa akong pupunta don, keri ko namang maglakad kumbaga excercise na rin. Sabi ni nanay maganda raw ako, maputi naman ako, natural na curl ang dulo ng buhok ko. Minsan sumasali ako sa beauty pageant dito sa lugar namin, nananalo naman ako pero hindi parin sapat yung mga napanalunan ko na pambili ng gamot ni nanay at allowance namin ni bunso. Nang makarating ako sa sakayan ng jeep ay sumakay na agad ako dahil mamaya punuan na naman. Umupo ako malapit sa pagbabaan para hindi ko na kailangang lumakad ng malayo kapag bababa. Pagkatapos ng ilang minuto ay umandar na ang jeep na sinasakyan ko. - "At saan ka na naman nanggaling Moon Shine Lopez?" Nakataas-kilay na tanong ng nanay niya. "Uhmm, somewhere?" Kumunot ang noo ng kanyang ina, hindi mo mapagkakamalang nanay niya ito dahil bata pa ang itsura ng nanay niya at hindi maipagkakailang maganda ang kanyang ina kaya nga maganda ang lahi nila. "Hoy Moon Shine Lopez! Umayos ka kung ayaw mong sipain kita palabas mg mansion!" Banta ng kanyang ina kaya sumeryoso ang ekspresyon niya. "I'm with my friends--" "You mean girlfriends?" Her mother smirked kaya umirap siya. Yes! You read it right, she's attracted to girls ewan ba niya, basta nagising nalang siya isang araw na babae na rin ang gusto niya gusto rin naman niya ang mga boys pero mas gusto niya ang mga babae. Yes! She's bisexual and a typical girl na maarte sa katawan, magaling sa fashion at syempre hindi mawawala ang make-up and others. Puso lang talaga niya ang kakaiba, tanggap naman iyon ng nanay niya kaya thankful siya kasi abnormal din ang nanay niya. "Stop it mom!" Her mother pouted. "Wala na nga ang kuya mo dito tapos ikaw naman palaging wala sa bahay!" She sighed at lumapit sa mommy niya. "Mom, I'm sorry okay?" She glared at her. "You reached my line dear, get ready dahil ikukuha kita ng personal maid s***h babysitter mo!" Her mother smirked. "What the hell mom! Hindi na ako bata!" She frustratingly shout. "Oh eh di personal assistant! Don't shout at me young lady! That's final kaya pumunta kana sa kwarto mo dahil ikukuha kitang personal maid s***h babysitter mo as soon as possible!" Nag-walk out na ang mommy niya kaya napahilamos siya ng mukha. What would she do!? - Nagpapahinga ako sa isang bench na nakita ko habang naglalakad ako. Ang hirap palang maghanap ng trabaho! Busy ako sa pagtingin sa diyaryo nang biglang may tumigil na isang magarang kotse sa harap ko. Isang napakagandang babae ang lumabas sa sasakyang iyon. "Are you looking for a job hija?" Naglakad siya papunta sa akin. "M-Maam? Y-yes po." The lady smiled. "I'll give you a job, can we talk first?" Sa hindi malamang dahilan ay tumango ako hindi ko na naisip na baka niloloko lang ako ng magandang babaeng ito basta't namalayan ko nalang ang sarili kong nakasakay sa magarang kotse niya. "We'll talk to a near coffee shop hija, mukhang hindi ka pa kasi kumain." Nagningning ang mga mata ko nang marinig ko ang salitang pagkain. -- "So? What's your name hija?" Tanong niya nang matapos niyang sabihin ang order niya. "Ako po si Sunny Raen Mercedez, 19 years old pero Solar ang tawag nila sa akin." Sabi ko kaya tumango siya. "Well my daughter's name is Moon Shine Lopez." Nanlaki ang mga mata ko. "May anak ka na po?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses kaya napatingin sa amin ang ibang costumer ng shop, natawa naman yung babae. Sakto namang dumating na yung in-order niya kanina. "T-Teka, anak niyo po si Ms. Moon Shine Lopez?" Tumango naman yung babae. "Well, I'm 23 years old nung pinagbuntis ko si Moon. And yes, I'm Moon's mother, Sapphire Jade Lopez." Nabilaukan ako sa kinakain kong chocolate cake. Agad kong kinuha ang juice na katabi nung platito. Natawa siya sa gestures ko kaya bigla akong nahiya. "My daughter is unstoppable, she's always a rule breaker but since her kuya loves her so much, inii-spoil niya ang prinsesa mamin since her father already died." Pareho lang pala kami ng sitwasyon. "But how did you know my daughter hija?" Tanong niya. "Sikat po kasi siya sa buong campus, mapa-babae o lalaki ay nahuhumaling sa kanya. At ilang beses din siyang na-feature sa mga magazines na nakikita ko sa mga kaklase ko. Scholar po kasi ako sa Light University." Mahabang paliwanag ko. "Ewan ko ba sa batang iyon, kung hindi boyfriend ang kasama, girlfriend naman!" Naramdaman niya ang frustration ng ginang. "By the way, why are you working hija? How about your parents?" Tanong niya. "Patay na po yung tatay ko at si nanay naman po ay may sakit kaya kailangan ko pong mgtrabaho para sa tuition namin ng kapatid ko na nasa Grade 10 at sa mga gamot ni nanay." Paliwanag ko. "Ano po bang trabaho ang iaalok niyo sa akin?" Tanong ko sakanya. "I want you to be my daughter's personal maid or babysitter. Please tame my daughter, I will give you a total salary of 30,000 per week and ako na ang aako sa scholarship mo sa Light University, I will pay your brother's tuition fee hanggang matapos siya sa highschool and I will give your mother a personal nurse para mag-alaga sakanya." Napalunok ako sa sinabi niya. I am tempted. 30,000 is a very big money for me. Kapag naipon ko iyon ay secured na ang future ng kapatid ko plus the fact na may mag-aalaga na kay nanay. "Kailan po ba ako magsisimula?" She smiled kaya may kinuha siyang isang papel at may isinulat doon. "Here's the address and you'll stay in our house Ms. Mercedez, is it okay?" Tanong niya na ikinabigla ko. Para ito sa pamilya ko. "O-okay po." Sagot ko naman sakanya. "You'll start tommorrow, so pack your things." Tumayo na siya at lumabas ng coffee shop. - SAPPHIRE JADE LOPEZ. Pagkatapos kong walk-out-an ang anak ko ay sumakay agad ako sa sasakyan para pumasok na sa opisina. Hay nako! Ang batang iyon masyado nang nagiging spoiled sa kuya niya, matawagan nga si Skyler mamaya. Napatingin ako sa labas ng bintana and I saw a girl walking to a bench. May hawak siyang diyaryo and she looks like she's looking for a job, nakahawak rin kasi siya ng portfolio. "Manong, pakitigil nga dun sa babaeng nakaupo doon." I don't know but she caught my attention. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ng panganay ko. [Hello Mom?] "Hi Crescent!" [What's wrong Mom? Are you okay? How about Moon?] "We're okay son, I just want you to know that, ikinuha ko ng personal maid s***h babysitter ang kapatid mo" I heard him sighed. [Mom? What are you trying to do again? You know how Moon hate being controlled.] I pouted. "Ganon? Bakit ba ako nalang ang palagi niyong inaaway? I just want to tame your sister but parang ako pa ang mali. I hate you na anak! You're making me the bad guy! You both are not listening to me anynore! Kung ano yung gusto niyo yun na lang dapat ang nasusunod! I hate you both!" Madramang litanya ko. [Mom, it's not like thatー] Lumambot ang boses niya pero pinatayan ko na siya! Ha! Akala niya ha! Ngumisi ako nang makitang tumatawag na si Crescent. I won! Sinagot ko ang tawag at nagkunwaring umiiyak. "Why are you calling? Diba sa'yo naman nakikinig si Moon? Ayaw niyo naman sa akin diba? Edi sige na! Hindi ko na kayo papakialaman!" I heard him sighed on the other line. I smirked. My acting is working. [Sorry Mom hindi naman iyon ang intensyon namin. Okay, if that's what you want then it's okay with me.] Nagliwanag ang mukha ko! I really won! "Talaga!? Thank You Son!" I said cheerfully. I heard him chuckled. [No problem Mom, I love you and don't ever say that we don't love you okay? Mahal ka namin ni Moon.] "Okay Son! I'll keep that in mind." [I need to hang up mom, they're already calling me, I love you and Moon also. Goodbye!] "I love you too anak! Bye bye! Take care!" I ended the call. This time, Moon will surely get a dose with her own medicine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD