Solar.
"Thunder! Huwag mong kakalimutan yung mga gamot ni nanay ha! Mag-aral ka ng mabuti!" Paalala ko sa kanya.
"Oo na ate! Ako na bahala kay nanay!" Sagot naman ni Thunder.
"Ate! Wag mong kakalimutan yung mga pinapabili ko ha?" Ngumiti ako sakanya. "Oo na! Basta huwag kang magpapasaway at mag-aral ng mabuti!" Sabi ko kaya tumawa lang sya.
"Seryoso ako!" Sabi ko at binatukan siya.
ー
Tumingin ako sa papel na hawak ko, eto na ba? Mukhang eto na nga.
Nag-doorbell ako at naghintay ng ilang minuto. Bumukas ang malaking gate at nakita ko ang napakalaking bahayㅡeste mansyon pala!
Kinuha ng isang maid yung bag ko kaya binigay ko nalang kahit na nakakahiya. Nakasalubong ko si Ms. Sapphire na nakabihis kaya ang hula ko ay papasok siya sa opisina.
"Oh! Welcome Solar! Feel at home! Nasa taas pa yung alaga mo, late na namang umuwi!" Sabi niya kaya ngumiti ako.
"Ako na po bahala Ms. Sapphire." Sabi ko.
"Call me Tita, and ituturo nalang nila yung kwarto mo." Sabi ni Ms.-- Tita kaya ngumiti ako at nagpasalamat.
"Oh! I have to go hija. I'll leave Moon to your care." Sabi niya at nagmamadaling umalis.
"Tara na po Ma'am Solar." Nagitla naman ako sa sinabi nung may hawak ng bag ko. "Solar nalang po." Sabi ko ng nakangiti kaya ngumiti naman siya.
Sinundan ko si Ate na hindi ko pa alam ang pangalan na umakyat hanggang second floor at binuksan ang isang kulay light blue na pintuan.
Pagkabukas niya ng pintuan ay nagulat ako.
"Sure ka bang ito ang kwarto ko?" Gulat na tanong ko na ikinatango naman niya.
"Ako nga pala si Lea, pagkatapos mo diyan ay pwede mo nang gisingin si Ma'am Moon, nasa third floor ang kwarto niya, pareho lang din po kayo ng kulay ng pintuan." Sabi niya bago lumabas.
Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa may kama. Yung pintuan lang pala ang light blue, puro pink na ang kagamitan dito sa loob, ang lambot pa ng kama.
May closet din na kasing laki lang ng closet ko sa bahay. Nilibot ko ang buong kwarto, kasing laki ng bahay namin yung kwartoㅡor mas malaki pa kaya as in napanganga ako.
Binuksan ko ang kulay puting pintuan at tumambad sa harap ko ang banyo, kumpleto na ang mga kagamitan na kakailanganin ko kaya hindi ko na kailangang bumili. Lumabas ako ng banyo at nagpunta naman sa isang pinto na kulay pink.
Pagbukas ko ay lumuwa ang mga mata ko at literal na napanganga ako. Tumambad sa harap ko ang mga naggagandahang damit at mga sapatos.
Pumasok ako sa loob at nagtingin tingin. Lahat ng nakita ko ay magaganda. Magmula sa underwears hanggang sa mga bagay na talagang gamit ng mga babae. Lumabas na ako sa room na iyon dahil nalulula lang ako sa mga nakikita ko.
Masasabi kong napakaswerte kong babae pero hindi akin ang mga iyon kaya hindi ko papakealaman, iyon ang turo ni nanay at tatay. Bawal gamitin ang mga bagay na hindi naman sa iyo. Kaya hanggang tingin at hawak lang ako.
Nagpalit nalang ako ng damit ko dahil wala namang uniform na nakalagay dito sa kama ko kaya magtatanong nalang ako mamaya sa mga kasama ko pagkatapos kong gisingin si Ms. Moon.
Bigla akong kinabahan, schoolmate ko si Ms. Moon pero ngayon pa lang niya ako makikilala, baka bigla niya akong tarayan.
Umakyat ako papuntang third floor at hinanap ang pintuan na kapareho lang ng pintuan ko. Mabilis ko iyong nahanap dahil bungad pala iyon ng hagdan.
Dali-dali akong kumatok at dininig kung may magsasalita pero wala kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at pumasok ako sa loob. Nadatnan ko ang napakaruming kwarto. Nagkalat ang mga maruruming damit at iba't-ibang klase ng sapatos. Nakita ko siyang nakatalukbong sa kama niya at mukhang tulog na tulog pa. Kulay light blue lahat ng gamit dito kaya ang hula ko ay ito ang paborito niyang kulay.
Pinulot ko ang mga maruruming damit at inilagay sa labahan, maging ang mga sapatos niya ay iniayos ko rin. Nakita ko ang kulay light blue na pintuan binuksan ko iyon at tama nga ang hula ko dahil nandoon ang mga iba't-ibang klase ng damit at sapatos. Iniayos ko doon ang mga sapatos niya at agad ding lumabas para gisingin siya. Mamaya ko na lilinisin ang ibang mga kalat niya.
"M-Ms. Moon Shine?" Inalis ko ang pagkakatakip ng kumot sa mukha niya at nakita ko siyang tulog kaya natitigan ko ang mukha niya. Long lashes, smooth skin, pinkish lips, rosy din ang cheeks niya. Bigla akong namula. Ang ganda ganda ni Ms. Moon
"Ms. Moon? Gumising na po kayo, nakahanda na ang almusal niyo sa baba." Marahan kong tinapik ang mukha niya.
Umatras ako ng kaunti nang bigla siyang gumalaw. Nakita ko siyang dahan-dahang nagmulat ng mata.
"G-Goodmorning Ms. Moon." Bati ko sakanya kaya napunta ang tingin niya sa akin. Nanlaki ang mata niya at biglang napaatras.
"Ahhh! I can't believe na tinotoo ni mom ang sinabi niya!" Naiinis na sabi niya.
"Where is my mom?" Biglang tanong niya sa akin.
"P-pumasok na po yata." Sabi ko kaya nagulo niya ang buhok niya. "This is frustrating!" Sabi niya at tumingin muli sa akin.
"What's your name?" Tanong niya. "S-Solar po." Nauutal na sagot ko. Sunday ngayon kaya walang pasok.
"Solar?" Tumaas ang kaliwang kilay niya kaya kinabahan ako.
"Get me my breakfast!" Utos niya kaya agad akong tumalima. Dali-dali akong bumaba at sinabi sa mga kasama ko na humihingi si Ms. Moon ng breakfast niya.
"Bakit nga po pala wala akong uniform na parang sa inyo po?" Tanong ko kay Lola Isme.
"Ay nako hija! Sabi ni Sapphire ay dapat ka daw ituring na bisita dito dahil ikaw daw ang bagong magpapatino kay Ms. Moon" Eh? Hindi ba parang unfair iyon? Tumango nalang ako.
"Heto na ang pagkain ni Ms. Moon." Kinuha ko ang tray at umakyat papuntang 3rd floor. Kumatok muna ako bago pumasok. Wala na siya sa kama pagkapasok ko pero rinig ko ang lagaslas ng tubig, marahil ay naliligo siya kaya inilapag ko muna ang pagkain niya sa may mini sala ng kwarto niya at nagsimula nang maglinis dahil talagang magulo ang kwarto niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas nang lumabas siya sa banyo. Tinutuyo niya ang kanyang buhok gamit ang tuwalya at nakasuot na siya ng high-waisted na white pants at naka red crop top siya.
"Ready na po yung agahan niyo Ms. Moon." Sabi ko at itinuloy ang pagpupunas. "Have we met before?" Tanong ni Ms. Moon sa akin.
"Uhm, schoolmate po tayo." Sabi ko sakanya kaya napatango naman siya.
"Working student ka, am I right?" Tumango ako habang nagpupunas ng mga gamit niya.
Sunod ay inayos ko naman ang kama niya dahil hindi pa pala niya iyon naayos.
"Ang expected kong iha-hire ni mom na babysitter ay isang matandang gurang na sobrang strikto. Hindi ko in-expect na kasing edad ko lang pala ang kukunin niya." Napairap ako. Mukhang ina-underestimate ako ng alaga ko ah?
"Ms. Moon Shine Lopez, don't underestimate me. Baka nakakalimutan mong ako ang babysitter mo kaya makikinig ka sa mga sasabihin ko." Tinaasan lang niya ako ng kilay sa sinabi ko.
"Bawal ka nang magpunta ng bar, bawal kang mag-cutting class, dapat pumasok ka on time at bawal kang tumakas ng bahay." She smirked.
"You think kaya mo ako? You're just my personal maid." Hinarap ko siya
"I am also your babysitter. Try me Ms. Lopez!" Ako naman ang ngumisi sakanya.
ㅡ
Nasa pool area ako dahil nagsa-sun bathing yung alaga ko. Feeling ko tuloy ang tanda ko na dahil sa sinabi niya kanina.
Inaalis ko ang mga dumi sa pool para hindi siya marumihan kapag maliligo na siya mamaya, iniiwasan ko ring lumingon sakanya. Oo na! Sexy sya! Ako? Never pa akong nagsuot ng ganon eh, at isa pa alam kong hindi rin babagay sa akin.
Nang matapos kong mag-alis ng dumi sa pool ay pumasok ako para kumuha ng meryenda ni Ms. Moon.
Gumawa ako ng lemon juice at nagpatulong ako sa isang kasama ko para i-slice ang cake dahil ignorante ako sa mga gamit ng mayayaman.
Binuhat ko na ang tray para ilabas, naabutan kong naliligo na sa Pool si Ms. Moon kaya hinayaan ko nalang. Kinuhanan ko nalang siya ng bathrobe at towel niya para ready na kapag umahon siya.
"Solar hija? Pinapabigay pala ni Sapphire sa iyo ito, gamitin mo raw na pang-contact sakanya." Iniabot sa akin ni Manang Isme ang isang paperbag ng isang sikat na brand ng cellphone.
Pagbukas ko sa cellphone or Iphone? Iyon naman kasi ang nakalagay Iphone 10. Pagtingin ko sa contacts ay nandoon ang pangalan ni Ma'am Sapphire at Ms. Moon.
"Ah! Manang Isme! Hindi ko po ito matatanggap tsaka isa pa, may cellphone naman po ako eh." Sabi ko at iniabot kay Manang Isme ang phone.
"Naku hija. Tanggapin mo nalang, magtatampo sa iyo si Sapphire kung hindi mo tinanggap iyan. Iba 'yon magtampo." Wala akong nagawa nang ibigay ulit sa akin ni Manang Isme ang phone at dali-daling umalis. Iniakyat ko muna yung phone sa kwarto ko at dali-daling binalikan si Ms. Moon dahil baka hanapin niya na yung bathrobe at towel niya.
Pagkarating ko sa pool area ay sakto namang umahon siya, water droplets are dripping from her body. Biglang uminit ang pisngi ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
She's a walking temptation!