JASMINE POINT OF VIEW Malamig ang hangin sa loob ng kwarto, pero hindi iyon sapat para palamigin ang init sa loob ko. Nakahiga ako sa malambot na kama, nakapikit habang ninanamnam ang katahimikan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga kamay ni Nikolai sa balat ko, ang lagkit ng tingin niyang parang kaya niyang kunin ang lahat sa akin nang hindi ako makakapalag. Pero hindi ako nagsisisi. Bukas ang kurtina ng kwarto, hinayaan kong pumasok ang ilaw ng buwan. Mas gusto kong ganito—walang bahid ng pagsisisi, walang kahit anong guilt. Hindi ko ito pagsisisihan. Hindi ako kailanman naging taong nag-aalala kung sino ang masasaktan sa mga desisyon ko. Napangiti ako habang tinitingnan ang sarili ko sa malaking salamin sa gilid ng kama. "Ano'ng iniisip mo?" Boses iyon ni Nikolai—mababa, paos, at p

