THIRD PERSON POINT OF VIEW It's been 3 weeks and their affair continues.... Madilim ang paligid, tanging ang mahihinang ilaw sa kalsada ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na parking lot ng isang private hotel. Tahimik ang lugar, walang ibang tao, walang ingay—isang perpektong tagpuan para sa isang sikreto. Nakahilig si Jasmine sa pader ng hotel suite habang nakatayo sa harapan niya si Nikolai. Matalim ang titig nito, puno ng isang emosyon na hindi niya kayang ipaliwanag. "You shouldn't be here," bulong ni Nikolai, ang tinig niya mababa at matigas. Ngumiti si Jasmine, ang kanyang mga mata may bahagyang pang-aasar. "And yet, here I am." Napabuntong-hininga si Nikolai, pero hindi niya magawang lumayo. Sa halip, mas lalo pa siyang lumapit, idinikit ang kamay sa pader malapit sa ulo ni

