Ilang araw na ang lumipas simula nu’ng dalhin ako ni Orlando sa isang psychiatric hospital. Sa mga nalaman ko lalo ko siyang minahal. Lalo kong naintindihan na sa likod ng kasamaang ipinapakita niya ay ang isang Orlando na sobrang nasaktan. Naaawa ako sa nangyari sa kaniya noon. Bilang kasintahan niya, gusto kong samahan siya at mahalin pa siya lalo. Alam kong nahihirapan siya. Gusto kong kunan niya ako ng lakas simula ngayon. Gusto kong iparamdam sa kaniya na iwan man siya ng lahat, nandito pa rin ako para sa kaniya. Kami ni Bebeng D na sobrang mahal siya. “Laki ng ngisi mo ah,” ani Bebeng habang nakahawak sa baba niya. Nakanguso pa nga. “Wala, may naisip lang ako,” sagot ko. Naghuhugas ako ng plato at siya naman ay nagluluto ng ulam para mamaya. Tinulungan ko na rin kasi siya. Umalis

