Pumasok na kami sa loob ng beach house at lumalamig na ang paligid. Lumalalim na rin ang gabi. Nakaupo lang siya sa couch at kumuha na rin ako ng pagkain para makakain siya. Galing pa siya sa ibang lugar at dumeritso kanina sa bar. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain. Niluwagan niya ang kaniyang neck tie at nag-number four pa habang kumakain. “Ano ‘yan?” tanong ko. Ngumisi lamang siya. “We’re official now, hindi mo na dapat pang bawiin iyon okay?” aniya. I pursed my lips ang nod my head. Kinikilig ako pero pinipigilan ko lang. Ayaw ko namang maging mukhang tanga sa harapan niya ano. “Masarap ba?” tanong ko. Tumango naman siya. “Okay na,” sagot niya. Napatango-tango naman ako. “Gabing-gabi na bakit kasi dumeritso ka pa rito tapos hindi ka pa pala kumakain,” wika ko. “I

