Several years later…. “Nakuha na si, Mama mo at Olive,” wika ko habang nakatingin kay Orlando na tahimik lang na nakaupo. Basa ito ng pawis at mukhang galing sa firing range na ginawa ng jowa kong si Cardo Talisay para sa kaniya. “Why do you sound lonely?” malamig niyang tanong. Umupo naman ako sa upuan sa gilid at huminga nang malalim. Mahigit isang taon na simula nu’ng umalis kami at nagtago rito sa probinsiya. Hangga’t maaari ay pinutol ko na lahat ng contact ko sa labas. Kilala ko si Fernando. Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakikita si Orlando. Alam kong nahihirapan na ang batang ito. Lagi kong napapansin na hindi siya makatulog gabi-gabi. Binabangungot at umiiyak. Hindi na makatulog hanggang mag-umaga. “Answer me,” aniya pa. Maski ako ay nagsimula na ring mata

