“Anak, tatagan mo ang loob mo ha. Paglaki mo maging mabuti kang tao. Kahit sa kabila ng lahat ng sakit at hirap na dinanas natin ipangako mong hindi mo susundin ang kasamaang ginagawa ng ama mo.” Tiningnan ko lang siya na tila nagmamadali. Balisa siya. “Mama, what’s happening?” I asked her. Nginitian niya ako nang pilit at hinaplos ang aking mukha. Hindi pa man siya nakasagot ay bumukas na ang pinto. Kita ko ang gulat at takot sa kaniyang mga mata. “P-Papa,” saad ko. Nilapitan niya kami at walang ingat na hinila si Mama. Rinig ko ang impit niyang sigaw. “Papa, saan mo dadalhin si, Mama?” I panicked. Mom was crying and I know he’s not up to do good. “Stay out of this, Orlando,” matigas niyang saad. He grinned and pulled Mom’s hair. Nilingon ako ni Mama at inilingan. Indikasiyon na

