Pagpasok ko sa eskuwelahan ay hindi ko maiwasang hindi mapayuko. Alam ko magtataka sila kung ano at sino ba talaga ako. May mga kasama akong naka-suit at nakabantay sa ‘kin. Nakausap na ni Orlando ang Dean ng university. Wala naman silang reklamo dahil may-ari na si Orlando nitong eskuwelahan. Nasa labas lang sila ng room at rinig ko ang bulungan ng iba kong kaklase. Oo nga’t school ito for elites pero wala pa ni isa ang may kasamang bodyguard habang nag-aaral. Hindi naman ako makareklamo dahil para lang din naman ito sa safety ko. Orlando already warned me na hindi ako titigilan ni Alice hanga’t hindi niya nagagawa ang gusto niya. Kahit pa humindi ako alam ko naman na hindi rin siya papayag. Umupo na ako sa aking upuan at kaagad na inusisa ako ng dalawa. “Ano’ng meron?” tanong ni Tipp

