5 years later………. “Baby, say hi to daddy,” nakangiti kong saad kay Onyx. Tahimik lamang siya at tiningnan ang picture na katabi ng urn. “Where is he?” tanong niya. Hinawakan ko ang mukha niya at magaang hinalikan iyon. “He’s in heaven now kasama si, Lola at Mami Beng,” sagot ko. “Why did he leave? Ayaw niya ba sa ‘tin Mama?” Natigilan naman ako at hinawakan ang kamay niya. “I’m sure daddy would love to be with us. Pero anak, may mga bagay talaga na hindi natin napipigilan. Sure akong mahal na mahal ka ng ama mo. Talk to him na at aalis na rin tayo. May klase ka pa mamayang tanghali,” wika ko. Tumango naman siya. “Hello po, I’m Onyx Ali. Anak niyo po ako. Mabait po si, Mama ko at love na love ka namin. Sabi niya binabantayan mo kami palagi at kasama ka namin. You can visit us an

