Nakatanga lang ako habang nakasakay sa taxi. Hindi ko pa rin lubos maisip na may kakambal si Orlando. Bakit hindi niya nasabi sa akin noon? Gusto kong isipin na baka niloloko lang ako ni Blue. Baka si Orlando talaga iyon. Baka buhay siya. “Ma’am? Nandito na po tayo.” Napukaw ang atensiyon ko at kaagad na nagbayad. Nahiya naman ako kay Manong. “Pasensiya na po,” saad ko at lumabas na ng sasakyan. Huminga ako nang malalim at ipinilig ang aking ulo. “Hindi, kitang-kita ng dalawang mata ko na namatay si, Orlando. Ako mismo ang nakakita roon.” Naguguluhan ako lalo kaya pumasok na lang ako sa loob ng bahay. “Oh, napaaga yata ang uwi mo, Ada? Akala ko kinabukasan ka na uuwi rito. Kumain ka na ba?” tanong ni Tiya sa akin. “May nangyari lang po, Tiya,” sagot ko. Napatingin ako sa wall cl

