Gavin's pov Dalawang araw na akong galit. Dahil di ako makalapit kay Venus sa labas. Sa mansyon naman ay di nya ako pinapansin. Everytime na papalapit pa lang ako may mga bantay ng nilalayo ako. Mga Ace ng mafia ni lolo kaya kahit malakas ako bugbog sarado pa rin sa dami ng bantay. Papunta ako ngayon sa office ni lolo para makausap sya miss na miss ko na si Venus. Pumasok ako sa office ni lolo ng walang katok. "Ang tagal mo naman akong puntahan apo" sabi nya na di pa ako tinitignan. Itong matandang to ang dumi maglaro. "Anong laro na naman ito lolo bakit di ako makalapit kay Venus, f**k 2 days na at alam kong mafia ang mga pumipigil sa akin." tinignan nya ako ng may ngisi. "Alam mo bang may rules ang Gems apo bago mo makuha, pero dahil hokage ka nakuha mo ng walang kahirap hirap."

