Gavin pov Miss na miss ko na sya sa buong araw puro pag eensayo lang ang ginawa ko para sa nalalapit na laban ko sa death court. Alam ko ang lugar na yun, yun ang lugar na makikipaglaban ang isang tao para sa mahal nito. A mafia rules. Pero alam kong mas doble pahirap sakin dahil isang gem si Venus, isang gem ang mahal ko. Kung sana lang di ko siya nasaktan si ko na kailangang gawin to. Gusto kong pumasok sa guest room kung san naroon sya ngunit may mga bantay na itinalaga si lolo. Andito ako sa pinto ng kwarto ko, iniisip kong pano ako makakapasok, miss na miss ko na sya. Nagsisisi akong napaiyak ko sya At nagsisisi ako sa mga nasabi ko sakanya. Napatigil ako nun ng makita natulala at umiiyak na nakatingin sakin. Tang ina nasaktan ko na naman sya. Kaya gagawin ko ang lahat sa linggo.

