bc

The Oddity Of Falling In Love | SQUAD SERIES #1 (On-going)

book_age12+
3
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
friends to lovers
arranged marriage
drama
sweet
first love
friendship
poor to rich
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

SQUAD SERIES #1

"What are the odds we fall in love?"

Does it matter?

If does, will you give up?

If not, will you be mine?

chap-preview
Free preview
Prologue
Isinara ko ang maleta ko na 10 kilos ang capacity. Katatapos ko lang mag-empake para sa vacation namin. Nagkaroon kasi ng isang linggong walang pasok sa school dahil maraming events ang magaganap at hindi nila kayang i-handle ang klase. Kaya minabuti nilang pag-bakasyunin ang mga estudyante ng isang linggo. Tok tok tok Hindi pa ako sumasagot ay bumakas na ang pinto. Iniluwa nito ang pangalawa kong kapatid. "Ate," tawag nito. "Nandyan na si Ate Ella sa baba." Tumango ako at isinakbit sa balikat ang backpack ko. "Sige, bababa na 'ko." Sabay kaming bumaba sa hagdanan. "Sayang talaga!" puno ng panghihinayang ang boses niya. "May pasok kasi kami e! Hindi tuloy ako makasama." "Quota ka na," sagot ko habang nahihirapang hawakan ang canvas ko. Naisipan kong dalhin ang canvas ko dahil baka sakaling bumalik ang creative juices ko para makapag-pinta ng maayos. Last requirement na 'to pero di ko pa magawa ng maayos. Pangarap kong maging isang sikat na pintor. At magkaroon ng sariling gallery sa future. "Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo and make sure business ang kunin mong course sa college," sabi ko sa kanya. Inirapan ako nito. Ibinaba ko ang maleta nang makababa rin kami sa hagdanan. "Opooo," mahaba nitong sagot at mukhang napipilitan pa. "Mommy," gulat kong tawag sa kanya nang makasalubong ko siya. Mukhang kauuwi lang niya galing sa trabaho. At mukhang tigress mode na naman siya. "Where are you going?" tanong ni Mommy. Nakita kong marahan umalis si Chloe sa tabi ko. Para bang pinapahiwatig niya na 'kaya ko 'to' at 'goodluck'. "Uhm, ngayon na po ang alis ko papuntang farm nila Janna. I aksed for your permission last week," sagot ko. "Oh, right," sabi niya at napasapo sa noo. "I forgot." Napangus ako. Ako nga ay naaalala ko ang sinabi niya sa'king 'go with your life' nung nagpaalam ako sa kanya. "Okay po. Alis na ko, Mommy," paalam ko sa kanya. "Go," maikling sagot nito at muli akong napanguso. Bali-balita sa kompanya na marami raw nag-resign ngayong linggo dahil sa kasungitan ni Mommy. Lagi raw siyang reject nang reject. Kaya siguro mainit din ang ulo niya ngayon. Akmang aalis na sana ako pero nagsalita siya. "One thing," panimula nito. "Before event ay dapat nakauwi ka na. Just make sure you'll be here when I need you." Tumango lang ako. Umakyat siya ng hagdanan at ako naman ay dumiretso ng pinto. Nang makalabas ay tinulungan ko ni Tatay Polo sa mga bagahe ko. "Salamat, tay," sabi ko sa kanya. "Mag-iingat ka do'n," sumulpot si Nanay Quesada, ang asawa ni Tatay Polo, sa gilid ko. Mula bata ako ay sila na ang nag-alaga sa'kin. Kaya close na close kaming tatlo. "Opo, Nay," yumakap ako sa kanya. Tinapik niya ang likod ko at humiwalay ako sa yakapan kapagkuwan. Dumiretso ako sa labas ng bahay kasama si Tatay Polo na dala pa rin ang mga gamit ko. Nakita ko sa labas ang van nila Ella. Bukas ang pinto nito at bumangad sa'kin ang pinsan kong busy'ng busy sa phone niya. Hindi na ako nag-abalang magdala ng sariling kotse dahil sa van kami nila Janna sasakay. "Hoy," bati ko rito at umupo sa tabi niya. Isinarado ko ang van. "Ang tagal mo," sabi nito at pinatay ang phone. "What took you so long?" "Kailangan ko pa kasin dalhin ang canvas ko," sagot ko habang inaayos ang seat belt. "Dadaan muna tayo sa mall. May bibilhin lang ako," sabi niya sa'kin. "Okay, magi-ice cream na lang ako," sagot ko sa kanya. Umirap ito sa'kin. "You had ice cream yesterday!" "Kahapon yun," umirap din ako sa kanya. "Bakit ba ice cream ang paborito mo?" tanong niya. "Pati ang painting mo ay ice cream din." Nagkibit-balikat ako. "Masarap e," simple kong sagot at tinuon na lang ang pansin sa phone.   Nang makarating kami sa mall ay sinamahan ko siyang mamili sa Santovio. Ayoko nga sanang samahan siya pero pinilit niya ako. "Oh, ayan ha!" ipinakita niya sa'kin ang paper bag na puno ng products. Katatapos lang niya bumili at nakalabas na rin kami ng store. "Bumili na ako ng bagong skin care niyo!" "Edi thank you," sarcastic kong sagot. "Baka naman pwede mong sabihin sa Mommy mo na bigyan ako ng coupon. Kahit worth 5k lang," sabi pa niya. "Go tell her," sabi ko sa kanya at naglakad papunta sa ice cream stall. "Ikaw na nga! Ang sungit sungit kaya ni Ninang!" sabi pa nito. "Takot din ako do'n no? Kanina nga ay tigress na naman siya," sabi ko. Tumingin ako sa unahan namin at biglang napatigil sa paglalakad. Bago pa man ako makapagtago sa likod ni Ella ay nagtama na ang paningin namin. "Wyssa," bati niya na may ngiti sa mga labi. "H-hi," sagot ko at kinapitan si Ella sa braso niya. "Pauwi na kayo?" tanong niya. Agad akong umiling at bumaling kay Ella. "Uhm, we gotta go. Diba hinihintay na nila tayo? Let's go!" yaya ko kay Ella. Hinila ko siya paalis pero pinigilan niya ako. "Wait, wait! Sabi mo bibili kang ice cream?" tanong nito. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Hindi niya ba ma-gets na ayoko dito dahil may stranger na nagpakita. "Hindi na!" Hinila ko ulit siya. "Bye!" paalam ko sa lalaking manliligaw ko na hindi ko naman alam ang pangalan. Weird, right? Nakita kong kumunot ang noo nito pero di ko na siya pinansin. "Okay, what was that?" tanong sa'kin ni Ella nang makalabas kami ng mall. "Care to explain?" "Siya yung sinabi ko sa inyo," sagot ko at nagtungo sa parking lot. Gosh! Kinabahan ako don. Manliligaw ko siya pero hindi ko alam miski ang pangalan niya! One day, inapproach niya ako at sinabing manliligaw daw siya. "Really?" hindi makapaniwala niyang tanong. "E bakit mo iniiwasan? May hitsura naman!" Umirap ako sa kanya. Pinagbuksan kami ng pinto ng driver nila Ella. "I'm not interested," sagot ko at pumasok sa loob. Umupo siya sa tabi ko. "At gusto ko, kapag papasok ako sa isang relationship, may spark," paliwanag ko. "May appeal at higit sa lahat, mahal ko." "Woah," marahan siyang tumawa. Nagsimulang umandar ang van. "That's deep." Naging abala na ako sa phone ko hanggang sa makarating kami kila Janna. Bumaba agad kami ng van at tinulungan ang driver na kunin ang mga gamit namin na ilipat sa van nila Janna. Kami na lang pala ang hinihintay para makaalis. "Grabe ang tagal," angal ni Terry nang makita kami. "May binili pa kasi si Ella," sagot ko at lumingon sa gawi nito. Kausap niya ang driver nila. Maya-maya pa ay lumabas ang Mommy at Daddy ni Janna mula sa bahay nila. "Hi, Tita," bati namin at isa-isang humalik sa pinsgi. Pati na rin kay Tito. "Make sure to enjoy, okay?" sabi ni Tita Rose at tumango kami. "Nando'n naman si Mang Oscar para bantayan kayo." "Okay na, Mommy. Nasabi ko na," angal ni Janna at mukhang naiirita na. "Aalis na po kami." "Bye po," sabi namin. "Take care," ang sabi ni Tito Vico na matikas ang pagtindig. Nakakatakot talaga siya. Kumaway sa'min si Tita at sumakay na kami sa van   Buong byahe, wala naman akong masyadong ginawa. Medyo inantok pa nga ako dahil sa pagpaplay ng violin ni Pina. Kaya nakatulog na ko. Nagising na lang ako ng malapit na kami. Tumingin ako sa labas at natuwa sa mga nakita. Ang daming puno! At yung hangin, sobrang fresh. Para akong bata na ngiting-ngiti habang nakatingin sa labas. This isn't my first seeing trees. Sobrang ramdam ko lang na ibang iba ang puno sa Manila sa puno rito sa probinsya. Sobrang aliwalas dito. Ang ganda ng natural lighting. Madaming puno, fresh ang hangin, ang ganda ng tanawin. Parang makakagain talaga ako ng inspirasyon dito. "Nandito na po tayo," sabi ng driver at bumaba para buksan ang van. Nauna na akong bumaba na sinundan naman nila. Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Janna. Malaki rin ito pero mas malaki ang nasa Manila. Puro puno ito sa tabi at likod at malalago rin ang mga d**o na nakatanim dito. "Tara pasok," sabi ni Janna at nauna na. "WELCOME!" sigaw pa nito nang makapasok kami. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Simple pero bonggang tingnan. Sobrang probinsya looking. "Sobrang welcoming naman ng vibe dito," puna ni Pina. "Kaya nga gusto ko rito e. I've been loving here ever since. Di ko 'to mapagpapalit sa kung saan mang lugar," medyo natatawa pa nitong sagot habang umaakyat ng hagdanan. "Come, I'll show you your rooms." Sumunod naman kami sa kanya at ipinakita nito ang mga rooms. Naging roommate ko sina Terry at Pina habang si Janna naman at Ella ang roommates. "Woo! Kapagod!" sigaw ni Terry nang makapasok kami. "I'll take a nap. Don't bother me, okay?" Sumagot na lang kami sa kanya ng 'oo' dahil yun din naman ang balak namin. Ewan ko lang sila Janna kung matutulog din. Basta ko exhausted sa haba ng biyahe. Even if I wanted to go outside and go for a walk, I just feel tired kaya matutulog na lang ako.   Mga bandang hapon na kami nagising at kumain muna kami. Nagsabi rin sa'min ang driver na uuwi na raw ito dahil baka masyado siyang gabihin. Nagpasalamat na lang kami at sinabing 'ingat'. "Wala ba kayong maid dito?" tanong ko dahil parang kami lang ang tao rito. Nagpunta ako sa toaster para i-toast ang ginawa kong tinapay. "Wala rito si Mang Oscar," sagot niya. "Sa may rest house siya nagsstay." "May rest house kayo?" manghang tanong ni Terry. "Cool!" "Yup! Don tayo magdidinner later," sagot ni Janna kaya natuwa kami. Naeexcite naman ako! Kinuha ko na ang toast ko dahil tapos na 'to. Nagsimula na din akong kumain habang umiinom ng coffee. "What should we do after this?" tanong ni Pina. "Uhm, actually marami but it depends on you. We can harvest vegetables or even play kites!" I don't want to do both. Gusto ko lang magpicture? At tumunganga. Oo, ayon. "I'm definitely not into harvesting," maarteng sagot ni Ella. "I'm not forcing you tho. Gawin niyo na lang ang mga gusto niyo," sagot ni Janna na tinanguan ko na lang. Nandito naman kami para magpakasarap e. Wala namang kapalit pagpunta namin dito. We're invited!   Matapos naming magpakabusog, lumarga na kami. Naglakad lang kami dahil malapit lang. Di na rin kami nag-abalang mag sasakyan pa dahil lubak-lubak naman ang daan. Hindi naman masyadong mahaba ang lakaran na ginawa namin kaya di kami masyadong napagod. Mga 10 minute walk lang. Nang makarating kami sa rest house, mas maliit ito kumpara sa pinaka bahay nila. Nakapalibot din dito ang mga alagang hayop nila. Tulad ng mga kabayo tapos manok at may mga baboy din. Medyo malayo naman kaya di masyadong amoy ang baho ng mga dumi. "Ma'am Janna!" Napalingon kami sa baritonong boses ng isang matanda. Puti na ang buhok nito at may suot na sumbrerong pang-magsasaka. "Mang Oscar, kamusta po?" tanong ni Janna na may ngiti sa mga labi. "Mabuti po. Kayo ba'y kumain na ng merienda?" tanong niya. "Pasok kayo." Pumasok kami sa rest house. One bedroom lang tapos pagpasok ay kita mo na agad ang kusina nito. "Kumain na po kami. Pumasyal lang," sagot ni Janna. Umupo kami sa living area at pinagmasdan ang buong paligid. Usual small house. White and cream ang palette ng buong kabahayan. "Mang Oscar mga kaibigan ko po. Terry, si Pina, Ella at Wyssa po." Ngumiti ako kay Mang Oscar. "Hello po," bati namin. "E kaygagandang dilag ng mga ito," komento naman niya na tinawanan namin. "Ano bang mga balak niyong gawin dito?" "Wala lang po. Pasyal lang," sagot ni Terry. "Aba saktong-sakto yan! Piyestahan na bukas dito. Maraming palabas," sabi ni Mang Oscar. "Mukhang hindi ako makakapamiyesta ah," biro pa ni Mang Oscar, pertaining to us na kailangan atang i-guide. "Okay lang po. Gawin niyo na lang po ang nakasanayan niyo," sagot ni Pina. "Dito po ba kayo nakatira?" usisa ko naman sa kanya. "Hindi. Dun ako sa may kubo, hindi kalayuan dito," sagot niya na may pagturo sa east part ng rest house. Tumango na lang ako. "Si Mang Oscar ang nangangalaga dito sa farm. Lahat ng animals, yung mga nakatanim dito saka yung bahay. Lahat siya nagawa," dagdag ni Janna. Ngumiti naman proud si Mang Oscar. "Ay naku Ma'am! Trabaho ko po 'yon."   Nang maghahapunan na, tinulungan lang nila si Mang Oscar na maghanda pa sa dinner namin. Habang busy sila, nagpaalam na lang ako ng lumabas saglit dahil naiinip ako. Wala naman akong maitutulong don dahil wala akong kaalam-alam sa mga bagay na may kinalaman sa kusina. Well, I tried kanina pero sinesermonan lang ako na kesyo hindi raw ganon, mali raw ginagawa ko, kung ano ano raw ang ginagawa ko kaya tumigil na 'ko. Lumabas na lang ako dahil wala naman akong magawang tama. Naramdaman ko na lang ang pagyakap ng malamig na hangin sa katawan ko kaya napakapit ako sa mga braso ko. Nakakarefresh ng utak ang hangin. Sobrang peaceful. Umupo ako sa may pandalawahang upuan, di kalayuan sa rest house. Bakit nga ba ako sumama rito? To find an inspiration, you fool! "Right," marahan akong tumawa nang maalala ang dahilan. Bilang nasa larangan ng sining, mahalaga talaga ang insprasyon. Para sa'kin, mahirap gumawa ng isang art kung gusto mo lang.     Hindi ko na bilang kung ilang minuto na akong nakatanga dito sa labas. Hindi naman nakakasawa dahil bagong-bagong 'to sa pakiramdam at paningin ko. "Hoy, tara na," kuhit sa'kin ni Ella kasabay ng pag-upo nito sa tabi ko. "Dinner na. Ikaw na lang inaantay." Tumayo na ako at sumama sa kanya. "Tagal niyo!" sigaw sa'min ni Terry nang makarating kami sa likod bahay. Nag-iihaw sila ng manok katulong si Mang Oscar. "Gutom na kaya kami!" Nakahain na rin ang lamesa at mukhang handa na ngang kumain ang lahat. "Sorry naman ano? Todo emote si Wyssa don e." Napairap ako. "Stupid! Hindi no!" angal ko dahil hindi naman talaga. "Oh siya kain na po. Mas masarap kumain kapag mainit ang ulam at kanin," sabi ni Mang Oscar kaya pumwesto na kami sa kanya-kanyang upuan at nagsimulang kumain. "Sayang naman kung hindi napapaliguan yung dagat dyan," sabi ni Pina habang kumakain. Nagtaka ako kaya napalingon ako sa kaliwa. Aba, may dagat nga kaso may fences. "Dyan kasi kumukuha ng ikinabubuhay nila ang mga residente rito," paliwanag ni Janna na tinanguan ko. Baka gusto lang nila ireserve.   Kinaumagahan, maaga nila akong ginising dahil hindi raw uso ang late gumising don. Kahit ayaw ko pa ay binato na nila ako ng unan kaya napilitan na lang ako. "Bilisan mo dyan! Aalis na tayo!" sigaw sa'kin ni Terry habang naliligo ako sa banyo. Hindi ko na lang siya sinagot dahil baka mainis pa ko. Lagi siyang nakasigaw! Nagsuot na lang ako ng high waisted ripped shorts saka white oversize t-shirt na naka-tuck in sa shorts ko. Simple lang ang suot ko dahil nalaman kong palengke pala ang pupuntahan namin. Geez! Sinama pa talaga ako! Kwento lang ang kaya kong iambag sa kanila. Nag-farm truck kami papunta sa palengke dahil may kalayuan daw ito kung lalakarin. Kwento nga lang talaga ang inambag ko habang nasa farm truck. Napagtripan pa namin si Pina dahil siya ang pagbubuhatin namin. Hindi rin nakaligtas sa'min si Terry dahil naka-summer hat pa ito. Kahit nasa probinsya na hindi pa rin iniwan sa Manila ang pagiging fashionista. Ginawa lang namin ang usual na ginagawa sa palengke. Inilibot ko lang ang paningin ko sa buong tindahan na dinadaanan namin. May nakita pa nga kaming thrift store pero di na kami nag-abalang bumili pa. Pinagtitinginan din kami ng mga tao rito. Ewan ko lang ha pero nahihiya ako. Yung mga mata nila parang jinajudge ka! Di na lang namin iyon pinansin, tinulungan na lang namin si Mang Oscar dahil hiyang-hiya na kami. Lalo na ko! Napaka-useless ko.   Nang makauwi kami, naghanda na sila agad ng makakain namin. Nakaramdam na agad ako ng gutom dahil naalala kong hindi nga pala kami nagbreakfast. "Perya tayo mamaya ha?" sabi ni Janna habang kumakain kami ng tanghalian. Umalis na si Mang Oscar kanina bago kami kumain. Pupunta daw siyang kubo dahil may kailangang ayusing trabaho. "Pero uwi muna tayo sa bahay," dagdag pa niya. Umuwi na nga kami sa bahay pagkatapos naming kumain at maglipit. Naglakad lang kami dahil malapit lang naman. Nang makarating ay wala kaming ibang ginawa kundi matulog nag-aantay para maggabi at makapunta sa perya.   Kinagabihan, handa na kaming umalis dahil nakapag-hapunan na kami. Nagpalit lang ako ng shirt pero yung shorts pa rin kanina ang suot ko. Nag-messy bun din ako para natural lang. Pagpunta sa perya ay hindi ganoong madilim sa daan. Nagtatakutan pa nga sila na parang mga bata. Naisip kong ang mature namin ngayon kaya napatawa ako. Minsan ay may mga nakakasabay pa kami sa daan na mukhang sa perya rin ang punta. Nang papalapit na kami ay na-excite ako dahil may iba't ibang fairy lights na nakapalibot sa daan. "So, this is how it looks like," sabi ni Ella. "Ganda naman pala," sagot naman ni Pina. Napansin kong madami ring mga street foods na nakabalandra sa mga sidewalks at punung-puno ng usok ang side na yun dahil sa mga inihaw. "Games muna tayo!" sabi ni Janna at hinila ako papuntang 'shoot piso' kagaya ng nakalagay sa cardborad cutout nila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil bago lang yon sa paningin ko. Pinagmasdan ko ang buong game board. May mga squares na may number sa loob. At sa paligid may mga baso, junk foods, pinggan at may mga stuffed toys din! Ano 'to? Prizes? Naglabas naman ng piso si Janna mula sa wallet niya at nag-shoot ng piso sa board. Nag-shoot ang piso sa rectangle na may nakasulat na baso. Di ako agad nakareact dahil hindi ko gets ang nangyari. Maya-maya pa ay binigyan siya ng ate ng baso kaya natawa kami. Ah, so nanalo siyang baso? "Pantagay daw yan, Jans," tawa ni Terry kaya natawa na lang din kami. Ayokong maglaro. Baka maiuwi ko yung pinggan. Natawa na lang ako dahil sa naisip ko. Napabusangot na lang ang mukha ni Janna hanggang sa napagdesisyunan ng grupo na sumakay sa horror train. Mukhang hindi naman nakakatakot, yung sounds lang nila. At yung train, mukhang bibigay na. Bumili na kami ng ticket. Nakasakay na rin kami kaagad dahil hindi naman ganoon kahaba ang pila. Sa pinakadulo kami sumakay si Terry at mag-isa naman si Janna dahil by pair ang kada-car. "Kinakabahan ako!!" sigaw ni Terry nang magsimulang umandar ang train. "Kalma, di ka papatayin niyan," sabi ko. Todo kapit naman siya sa braso ko at mukhang kinakabahan nga dahil malamig ang kamay nito. Pumasok na ang train sa tunnel at mas lalong humigpit ang kapit ni Terry. Umiirit na ang mga nasa unahan kaya medyo kinabahan ako. Maya-maya pa'y nagulat kami nang may lumabas sa gilid ni Terry na ang character niya ay ang lalaking nasa saw. Nang dahil sa gulat, nasampal ni Terry ang lalaki. Napaupo tuloy ito dahil sa lakas ng impact. "Gaga!" sigaw ko sa kanya at binatukan. "Anong ginawa mo?" Napatawa ako dahil sa ginawa niya. "I was scared! Sinigawan niya ako sa tainga!" sigaw niya rin sa'kin. Natawa na lang ulit ako. Next stop namin ay nag-ferris wheel kami. Ang nakakatakot lang ay umuuga ay cab kaya hindi kami masyadong kumikilos. Ang sarap lang sa feeling kapag nasa tuktok ka tapos kapag bababa ay medyo masakit sa sikmura. Nang makababa kami, napansin naming may nagseset-up ng stage sa bandang dulo ng perya. "Anong meron don?" tanong ko sabay turo. "May amateur ata dyan sa isang araw. Punta tayo?" sagot ni Janna. "Kaso baka mga late na yan sila magsimula." "Okay lang," sagot ni Pina kaya napagdesisyunan na naming pumunta. "Foodtrip tayo," sabi ni Ella habang naglalakad kami sa bungad ng perya. "Mama, ice cream!!" Nagpantig ang tainga ko nang marinig ko ang sigaw ng isang bata. Nakita ko siyang hila-hila ang nanay nito papunta sa isang ice cream stall. "Hoy, ice cream!" sigaw ko sa kanila at hinila ang kung sino mang malapit sa'kin. "Wait!" sigaw ni Ella dahil siya pala ang nahila ko. "Ice cream nga!" sabi ko sa nagtitinda ng ice cream at nakipagsiksikan pa sa mga nabili. Infairness, ang dami. Sumunod naman sina Janna sa'min. "Ang bilis niyo." "Si Wyssa e! Nakarinig lang ng ice cream kala mo aso," sabi ni Ella. Hindi ko na lang sila pinansin dahil itinuon ko ang paningin ko sa machine na nasa likod ni Kuya. "Hoy, tulungan mo nga ako dito! Daming customer!" sigaw ni Kuyang nagtitinda na may dimples. Lumabas naman ang isang matipunong lalaki mula sa likod ng kurtina.   Omygod.   Napanganga ako at literal na napatigil. Bakit ganito siya ka-gwapo? Natural ba na ganito ang hitsura niya? May lahi ba siya? Or pure Filipino? s**t. Inspirasyon ang hinahanap ko, hindi gwapong lalaki. Pero kung siya ang makilala ko, I'm really lucky!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
535.4K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Sexytary |SPG|

read
565.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
492.5K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.9K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
43.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook