"Wyssa," tawag niya.
Hindi ko siya pinansin at napilitang kumain ng sopas sa harapan ko. Napatigil ako sa pagkain nang maramdaman ang hapdi sa gilid ng labi ko. Shemay.
"Are you okay?" tanong niya sa'kin. Luminga ako sa paligid at wala naman siyang kasamang kaibigan.
"Oo," maikli kong sagot at sinubukan ulit kumain.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ulit niya.
"That's none of your business," sagot ko. Ewan ko ba kung bakit ang sungit ko sa kanya ngayon.
"I know but- "
"Leave," hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. "Please."
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango niya. Ilang segundo pa ang lumipas nang umalis siya sa tabi ko.
"What's that?" tanong ni Unis nang makabalik. Umupo siya at inilagay ang dalang mga yelo. "Akala ko ba ay tumigil na?"
"Sabi niya," sagot ko at nagkibit-balikat.
"O-kay," sagot niya. "Here, ikaw na ang gumamot sa sarili mong sugat. Baka hindi ko yan matantya at ipagduldulan ko ang yelo riyan!"
Nairap ako at kinuha ang yelong ibinigay niya. Kinuha ko ang maliit na mirror sa bag ko at marahang idinampi ang yelo sa sugat.
"Bakit ba nagalit ang Mommy mo sa'yo at nagawa niya yan?" tanong niya at humigop sa sopas niya.
"I did something," sagot ko. "Umalis ako ng walang paalam," sagot ko.
"Yun lang? Or may iba pang mas malalim na dahilan?" dagdag niya.
Binigyan ko siya ng tingin at naalala ang pagtatanggol kay Andre. "Kung ano man yon, alam kong tama ako."
Hindi na siya nagtanong pa at tinapos na niya ang pag-kain at ako naman ang pag-gamot sa sugat.
Matapos naming magka-cafeteria ay uuuwi na lang ako dahil may pupuntahan pa raw si Unis. Tapos na rin naman ang klase ngayong araw.
Naglalakad na ako papunta sa kotse ko habang naka-mask pa rin nang tumunog ang phone ko. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ang phone.
"Ella," sagot ko sa tawag.
"Hey, where are you?!" Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko. Ang lakas ng boses niya!
"Nasa school ako," sagot ko.
"Chloe told me everything! My god, Wyssa!" sabi pa nito. "Are you out of your mind para makisabay sa galit ni Ninang?!"
"Kung pagsasabihan mo lang din naman ako ay papatayin ko na ang tawag," sagot ko.
"No!" sigaw niya. "Pumunta ka sa isesend kong restaurant sa'yo. Meet us here!" Pinatay na niya ang tawag. Mukhang kasama niya sila Janna.
Naglakad na lang ulit ako at hinintay ang isesend niya. Pumasok ako sa loob ng kotse at nagpa-andar nang ma-receive ang text galing kay Ella.
Nang makarating ako sa restaurant na sinasabi ni Ella ay agad akong dinaluhan ni Terry.
"Jesus, Wyssa!" sabi niya. "Are you okay?" Hinila niya ako paupo.
"I'm fine," sagot ko at tinanggal ang mask. Sa kanila ay hindi na ako nahihiya dahil alam kong hindi nila ako i-jujudge.
Hindi na sila nagulat nang makita ang hitsura ko. Siguro ay naikwento na ni Ella sa kanila ang lahat.
"Nagamot mo na ba yan?" tanong ni Janna.
"Kanina," sagot ko.
"Tita is really something," puna ni Terry.
"Akala ko ay nagiging OA lang kayo sa tigress mode ni Tita pero totoo pala," sabi naman ni Pina.
"E ano ba kasi ang naging puno't dulo ng lahat? Hindi ka naman daw nagpaalam na pupunta ka roon sa lalaking 'yon," sabi ni Janna.
Binigyan ko sila ng tingin.
"Hindi ko akalain na magiging close kayo ni Andre ng ganyan," dagdag naman ni Ella.
"And he even caused you troubles!" banat ni Terry. Talagang pinagtutulungan nila ako.
Bumuntong-hininga ako. "Really, girls? Pati ba kayo ay ganyan ang tingin kay Andre? Ako ang nagpumilit. Andre has nothing to do with this. Sa kanya nga ako naaawa dahil wala siyang kasalanan pero nadadamay siya."
"As expected, you're on his side," sagot ni Pina.
"Mabuting tao si Andre. Alam ko lahat ng sacrifices niya. Yung kabutihan ng puso niya at yung pagmamahal niya sa parents niya. Kung kilala niyo lang siya, maaawa kayo," pagtatanggol ko. Tiningnan ko sila pero wala silang ibinigay na reaksyon. Nagtinginan silang apat at ang iba ay napailing. Si Pina ay napangiti.
"I smell something fishy," ngiti ni Pina.
Agad kumunot ang noo ko. "What?"
"Wy, tell us the truth," panimula ni Janna. "Are you in love with him?"
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Naalala ko bigla ang mga pinagsamahan namin ni Andre. Yung masasaya, yung kwelang pag-aaway namin saka yung confession ko. Sinabi ko na sa sarili ko na mahal ko siya. Pero ang aminin sa ibang tao ay kinakabahan ako.
"Silence means yes," pangunguna ni Ella.
"But I still want to hear that from you," gatong ni Terry.
"I-I guess?" patanong kong sagot.
Napatawa naman sila sa sagot ko. "Someone's in love," kantyaw nila.
"Alam mo, Wyssa, you're like our baby girl." Napa-irap ako sinabing iyon ni Janna. "Never been kissed, never been touched."
Tumawa sila at ako naman ay muling napa-irap.
"But honestly speaking here, kung sigurado ka na sa kanya at kung alam mo yung ugali niya talaga, then there's no way that we can stop you from loving him," seryosong sabi ni Pina.
"Siya ba ang in love o ikaw?" mapanuksong tanong ni Terry.
"Nagsasabi lang ako," sagot ni Pina. "Baka si Ella?"
"What? I-I'm not!" sagot niya.
Napangiti na lang kami. Nauutal pa siya dyan kaya masyadong siyang halata.
"Seriously!" sigaw pa nito kasabay ang pagtunog ng phone niya. "Wait lang." Lumayo siya sa'min para sagutin ang tawag.
"Guys, mauuna na pala ako. Kailangan ko nga palang umuwi ng maaga," paalam ni Janna at saka tumayo.
"Aalis na rin ako," paalam ko sa kanila. Since aalis na kaming dalawa, napag-desisyunan nilang umuwi na rin dahil gumagabi na. Nagkanya-kanya na kaming uwi maliban kay Pina na sira na naman ang sasakyan. Kay Ella na lang daw siya sasabay.
Nang makarating ako sa bahay ay naghahapunan sila pero masakit talaga kapag nakain ako. Hindi ulit ako naghapunan at dumiretso na lang sa kwarto para magamot ang sugat.
Habang ginagamot ang sugat ay hindi ko maiwasang hindi mapatanga. Parang kanina lang yung nangyari. Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang ginawa ni Mommy sa pisngi ko. Ni hindi pa nga humuhupa ang pamumula at pamamaga.
Nawala ang tingin ko sa salamin at napunta iyon sa phone ko nang tumunog ito. Si Andre.
Nakalimutan ko nga pala siyang i-text.
"A-Andre," sagot ko sa tawag. Kinakabahan ako! Kung kailan alam ko na ang totoong nararamdaman ko sa tao na 'to ay parang binawian ako ng lakas ng loob. Tuwing naaalala ko sa kanya ang mga nakaw kong halik ay nahihiya ako.
[Wyssa] Pangalan ko yun.
"H-hey."
[May problema ba?]
"W-wala naman." Napapikit na lang ako ng mariin dahil hindi ko ma-control ang pagiging utal sa pagsasalta. "I mean, wala."
[E bakit hindi mo ako nirereplyan?]
"Ah, busy lang ako, Andre."
[Busy saan?]
"Sa sch- company!" sagot ko. "Yes, sa company namin. Ang dami kasing pinapagawa ni Mommy e. Medyo stressed lang ako."
[O-kay]
Medyo nakahinga na ako ng maluwag nang makuntento siya sa mga sagot ko. Hangga't maari ay ayokong sabihin sa kanya ang lagay ko. Marami na siyang problema at ayokong dumagdag.
[Tumawag lang ako kasi hindi ka nagrereply]
Ngumiti ako roon. O baka naman nag-aalala?
"Busy lang talaga. Sorry."
[Okay lang. Sige na.]
"Agad?"
[Trabaho] Tumango ako dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. Pero gabi na e.
"Don't forget to rest."
[Oo naman. Ikaw lalo]
Doon na ako malawak na ngumiti. He really never fails me to smile. "Sure. Bye."
[Hm] And he ended the call. Just like that.
Ibababa ko na sana ang phone ko para magamot ulit ang sugat ko pero tumunog na naman ito. Si Andre ulit.
Kumunot ang noo at sinagot ang tawag. "Bakit?"
[May nakalimutan lang ako]
"What?"
[Good night]
Kusang ngumiti ang mga labi ko. Argh, Andre!
"Good night."
[Tulog na]
"Opo."
[Bye] Siya ulit ang nagpatay ng tawag. Kontento na ako. Kahit ganito ang lagay ko ay hindi ko pa ring kayang maging malungkot kasi nandyan ang mga kaibigan ko. Nandyan siya.
Hindi siguro mabubuo ang araw ko kung hindi ko nakakausap si Andre.
Tok tok tok
Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa'kin si Chloe.
"Ate, milk?" Inabot niya sa'kin ang gatas na may kasamang metal straw.
Kinuha ko iyon at bumalik sa upuan. "Thanks."
Isinirado niya ang pinto at sumunod sa'kin. Umupo siya sa kama ko. "Are you okay?"
Uminom ako sa gatas gamit ang metal straw. "Oo, medyo okay na."
"Nag-usap na ba kayo ni Mommy ulit?" tanong niya pa.
Umiling ako at humarap sa kanya. "Pano? She's busy and... she seems okay with it." Ang lagi kong sagot kapag nag-aaway kami.
"E si Daddy?"
"Sigurado akong nasabi na ni Mommy ang nangyari."
"Edi dapat tumawag siya," sagot niya.
Nagkibit-balikat na lang ako. Natahimik kami.
"Ate, sorry nga pala. Kinuwento ko kay Ate Ella yung nangyari," paumanhin niya.
Tumango lang ako at uminom ulit ng gatas. "Okay lang."
"Pakiramdam ko kasi ay kailangan mo ng tulong nila."
"Kahit hindi mo naman sabihin ay malalaman nila," sagot ko. Ngumiti lang siya sa'kin.
Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok dito. Si Chloe na ang tumayo para pagbuksan.
"Ma'am," tawag nung maid namin na siya ring nagsabi sa'kin noon na nandito na si Mommy.
"Ang Mommy niyo po ay nasa baba, hinahanap po kayo," sabi niya.
"Bakit daw?" tanong ni Chloe. Tumayo ako sa upuan at hindi na nag-abalang magsuot ng mask.
"Hindi ko po alam e," sagot nung maid. "Sige po." Nauna siyang umalis at sumunod naman kami.
"Ang aga niya this day," puna ni Chloe. Bumaba kami ng hagdanan. Medyo kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi pa ako handa na madagdagan ang pamamaga ng pisngi ko.
Nadatnan namin si Mommy na may kausap sa phone pero nang makita niya kami ay walang alinlangang pinatay ang tawag.
"Give me your phone," inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at matalim akong tiningnan.
"Mommy..." tawag ni Chloe na para bang hindi makapaniwala. Hindi siya pinansin ni Mommy at ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
Pati ba naman ang phone ko ay kukunin niya?
"Your phone," pag-uulit niya.
Umiling ako. "I don't have my phone with me," sagot ko.
"I don't care! Give me your phone!" sigaw niya.
Nagsisimula nang umakyat ang dugo ko sa ulo ko. Naiinis na ko! Bakit ba ganito ang ugali niya?! Pati sariling anak ay ginaganito niya.
"Pati ba naman phone, Mommy?! Look what you did to my face! Hindi ka ba nag-aalala man lang? I am your daughter!" sigaw ko.
"Sinasagot mo na ako? Dahil ba yan sa impluwensya ng hampaslupa na yon?!" sigaw niya rin. "My God, Wyssa!"
"What, Mommy?" I faked a laugh. "What do you know about love? You married Dad because of money!" Hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko dahil napupuno na ang sistema ko ng galit.
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa'kin. Naramdaman ko ang sakit na dulot non. Triple ang sakit sa'kin. Napaiyak ako at napakapit sa sumasakit na pisngi.
"Mommy!" sigaw ni Chloe at pinigilan na si Mommy sa pagsugod sa'kin.
"Direspectful child!" sigaw niya. "Let go of me!" Hinawi niya sa Chloe at napaupo siya sa sahig. Pumasok sa bahay sila Nanay Q at pinigilan nila si Mommy. "Kung hindi mo ibibigay ang phone mo sa'kin, ako ang kukuha!" Tumakbo siya pataas ng hagdanan.
Hinabol ko siya pataas ng hagdanan at kinapitan sa braso. "No, Mommy! Please!" iyak ko. Kapag kinuha niya yung phone ko ay wala na akong communication kay Andre.
"Faith!" pigil ni Nanay Q pero hindi siya pinansin ni Mommy.
"Let go!" sigaw niya at hinawi ang kamay ko. Napaatras ako roon at mabuti na lang na nakakapit ako sa railings ng hagdanan kaya hindi ako nalaglag.
Mabilis ang pag-akyat niya ng hagdanan at sinundan ko siya kahit masakit ang pisngi ko. "Mommy!"
Nakarating siya sa kwarto ko at agad binuksan ang pinto. Hinanap niya ang phone ko at natagpuan ito sa ibabaw ng vanity table ko.
"No!" Inagaw ko sa kanya ang phone ko.
"Wyssa!" sigaw niya.
"Mommy!" Itinulak niya ako at dahil sa lakas non ay naupo ako sa sahig. Napaiyak na lang ulit ako. "Mommy," iyak ko.
"Your cards? Give me your cards!" dagdag pa niya. Umiling ako at inilinga niya ang paningin niya. Namataan niya ang wallet ko sa side table. Lumapit siya doon at kinuha ang tatlo kong credit cards.
"Mommy, no," muli akong umiyak.
"Bumaba ang ratings ng company because of you! 5% of the sales are gone. 10% of the productivity are lost! The heck, Wyssa, what are you even thinking?!"
Pinilit kong tumayo kahit masakit. Pumasok din sila Chloe sa kwarto ko. "Just because of that?! Give me my phone!" Wala akong pakialam sa pera. Yung phone ko!
Inilayo niya ito sa'kin. "Why? To talk with that poor guy?!" sigaw niya. "Wyssa, kapag minahal mo siya, you'll lose everything! Hindi ka niya mabubuhay dahil mahirap siya! He can't give you anything you need!"
"But he can give anything I want!" sagot ko at humikbi.
"He is poor! Hindi mo ba yon naiintindihan?!"
"Stop!" sigaw ko. "Stop it, will you? Just-," pumiyok ako dahil sa pag-iyak. "Just give me my phone. I-I need it for my classes."
"The heck I care! Don't make any excuses, Wyssa. You're grounded!" sigaw niya.
"That's too much," singit ni Chloe, naiiyak na siya.
"You'll understand everything when you grow up. Ang kompanya ang bumubuhay sa inyo araw-araw. Kapag wala ang kompanya, wala rin tayo," sagot niya bago lumabas ng pintuan.
Napaupo na lang ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Pagod na ko. Mas masakit ngayon ang nararamdam ko sa namamaga kong pisngi.
Ngayong nakuha na niya ang phone ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung pano makakausap si Andre. Dinaluhan ako ni Chloe at Nanay Q.
"Sumosobra na si Mommy!" sigaw ni Chloe. "Kakausapin ko si Dad. Papauwiin ko na muna siya. Kapag hindi ito natigil ay baka pati kami ni Shane ay mapagbuntungan ng galit."
"Oo nga, kausapin mo ang Daddy mo," pagsang-ayon ni Nanay Q. Hindi ko sumagot dahil nangingibabaw sa'kin ang sakit, ang hapdi at galit para kay Mommy.
Natahimik ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon siya. Gusto kong sabihin sa kanya na kapag ang kompanya ang nawala, kaya pa iyong ibangon at palaguin ulit. Pero kapag ako ang nawala, mahirap ng ibalik.
Gusto kong umalis. Gusto kong magpakalayo-layo. Pero saan? Saan ako pupunta?
Agad pumasok sa utak ko si Andre.
Andre...