Mom gave me a look before hopping in the car. Dad smiled at me weakly. "Ate," napatingin ako kay Chloe at niyakap niya ako. "Take care." Ang tanging luha ko ang naging sagot ko sa kanya. Natatakot ako. Anong mangyayari sa'kin kung ganito na ang nangyari? May matatakbuhan pa ba ako? "Chloe, hurry!" tawag ni Mommy sa kapatid ko. Nagmadali siyang sumakay ng kotse at saka sila umalis. I stood there crying. Ang sakit lang ng mga nangyayari ngayon. "A-A-Andre," agad akong napalingon nang marinig ang naghihingalong boses ni Tita. Napaawang ang bibig ko nang bigla siyang bumagsak sa sahig habang kapit-kapit ang dibdib niya. "H-Hindi ako m-makahinga." "Tita!" sigaw ko at napatakbo sa kanila. Teddy started crying as soon as Tita fell on the ground. "W-What's happening?" "Tumawag

