"Oh Tol, kamusta? Ba't para yatang nalugi ka? Haha!" Pang iinis na bungad sakin ni Steven nang makabalik ako sa room namin.
"Kabadtrip eh! Nandun nga sila sa garden!"
"Sila?"
"Oo. May kasama siyang lalaki, at mukhang ang saya-saya nila. Badtrip!"
"Oh, anong ginawa mo?"
"Sinugod ko sila. Nakakapang init ng dugo eh!"
"Lagot ka Dre, eh 'di nag away kayo? Tsk. Tsk. Nakipagbreak na ba?"
"Gago! Hindi niya yun sakin gagawin!"
"Hahaha! Sabi mo eh. Pero tandaan mo Tol, ikaw lang ang may gusto niyang relasyon na pinasok mo." Seryosong sabi niya. Bigla akong napaisip ng malalim sa binitawan niyang huling salita. Tila kinabahan ako bigla. Ano nga ba ang iisipin sa akin ni Summer kapag nalaman niya ang totoo? Iiwasan niya kaya ako o lalo kaming mapapalapit sa isa't isa at posibleng magkagusto din siya sakin.
Mabilis na natapos ang klase namin na lutang ang isip ko.
"Tol, wala ka bang balak ihatid si Summer sa bahay nila?" Tanong ni Steven habang nag aayos ng mga gamit niya.
"Meron. Pupuntahan ko nga."
"Mabuti naman. 'Ge na, mauna na akong umuwi." Pagpapaalam nito.
"'Ge Tol, bukas nalang."
"Goodluck Dre." Pahabol na sabi niya sabay tapik sa balikat ko bago umalis.
Niligpit ko naman agad ang mga gamit ko saka tumayo.
'Sana hindi na galit sakin ang awawa ko. Tsk'
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ni Summer nang biglang may humarang sakin.
"Ca-Cassey?" Gulat na tanong ko.
"Yes Babe it's me. I missed you so much!" Sabay yakap niya ng mahigpit sakin. Agad ko naman inalis ang mga kamay niya at umiwas.
"Bakit ka nandito?" Diretsong tanong ko.
"Babe. Hindi mo man lang ba ako namiss?" Sabi niya na tila lalapit na naman sakin at akmang yayakapin na naman ako.
"Cassey ano ba? May girlfriend na ako!" Inis na sagot ko sa kaniya.
May girlfriend na ako, at hindi ikaw yun.
"But Babe, wala tayong formal break up?! Hindi ako nakipagbreak sayo, and ikaw din. So I guess, tayo pa din?" Nang-aakit na sabi niya.
Iniwasan ko siya. "Enough! Dahil nung araw pa lang na iniwan mo ako nang walang pasabi, dun pa lang kinalimutan na kita."
"But, we do love each other right Babe? Maybe we can start---"
"May girlfriend na ako, you already know that. At hindi ko gagawin sa kaniya ang ginawa mong pag iwan sa akin noon!" Madiin ang pagkakasabi kong iyon at talagang sinadya kong ipamukha sa kaniya ang ginawa niya sakin dati.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagmakaawa. "Please don't do this to me Babe. I'm sorry for leaving you before. I'm really sorry." Pero hindi niya na ako madadala sa mga ganyang istilo.
"Wala na sa akin iyon, mag move on ka na lang dahil ako matagal ng nakamove on sa'yo." Seryosong sabi ko tapos ay tinalikuran ko na siya.
'Ang ayoko sa lahat yung ginagago ako. Minahal kita Cassey, pero sinayang mo lang.'
Nakarating ako sa room ni Summer na nag iisip, pero wala na akong Summer na naabutan dahil wala na ito nang dumating ako.
SUMMER's POV
"Uy Summer. Grabe naman pala magalit yung Xyrus na yun.." Naghahabol niyang sabi. "Bakit nga ba nagalit yun?" Pahabol niyang tanong.
"Aba malay ko." Inis kong sagot. Nabwisit kasi talaga ako sa ginawang yun ni Xyrus.
"Baka naman may gusto sa'yo yun?" Tanong niya ulit. Nagkibit balikat lang ako bilang tugon. Hindi ko naman talaga alam.
"Teka. Boyfriend mo pala yun 'di ba? Baka nagselos? Grabe naman pala yun magselos." Selos? Yun magselos? Tsk! Asa. At saka boyfriend? Ni hindi ko nga alam kung talagang lovers kami. Tsk
"Summer." Napatigil ako sa paglalakad nang narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Oh?" Kunot noo kong tanong.
"May gusto ka ba kay Xyrus?" Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin sa tanong niya na yan.
"Bakit mo natanong?" Seryoso kong tanong.
"Gusto ko lang malaman."
"Hindi ko alam." Pagsisinungaling ko. Oo, dahil alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na si Xyrus.
"Ganun ba? Sige. Sabay na tayong umuwi mamaya okay lang ba?" Pagprisinta niya.
"Baka magpasundo nalang ako sa Papa ko." Sabi ko tapos ay dumiretso na ako sa room namin.
Mabilis naman natapos ang klase namin pero yung nangyari kanina ay hindi pa mawala-wala sa isipan ko.
Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking yun. Wala naman akong ginagawang masama para mag iskandalo pa siya kanina. Pati si Red na walang kamalay malay dinadamay.
Hindi man lang muna nagtanong. Puro kasi dada!
Dahil sa inis ko, napagpasyahan ko na munang huwag umuwi. Magpapahangin lang ako sandali, pampa-good vibes.
Pugad Lawin Park
Nakaupo ako ngayon sa swing habang nagmumuni muni. Nawiwili ako kakapanood sa mga batang naglalaro, habulan dito, taguan doon. Hays. Nakakainggit. Kung sana naging normal na bata na lang ako edi masaya sana.
Awtomatiko naman akong napangiti nang bigla kong maalala yung batang tinulungan ko dati. Tandang tanda ko pa kung ano yung tinawag ko sa kanya, buti na lang may tae doon ng kalabaw kung hindi bato talaga ibabato ko sa mga bully na yun.
Akala ko nga makikita ko pa siya pagbalik ko ng ospital kaso hindi na. Gusto ko pa naman sana siyang makalaro. Yung lang ang tanging masayang ala-ala ko nung bata ako.
"Gusto kong bumalik sa pagkabata." Bulong ko sa sarili ko sabay yuko habang nagduduyan.
"Tara, sabay tayong bumalik sa pagkabata. Kung saan una tayong nagkita."
Luh, may nagsalita?
Agad akong nag angat ng ulo para makita kung sino ang nagsalita.
Nakatitig lang ako sa lalaki.
Sino ba 'to?
Bakit parang nagpapacute naman ang isang to sakin?
Gumanda ba talaga ako at maraming nagpapapansin sakin ngayon?
"Hey, wag mo ako titigan ng ganyan naiilang ako." Nahihiyang sabi niya habang nakahawak sa ulo.
Kaya agad ko namang iniwas ang tingin ko sakanya.
"Hello?" Sabi ulit ng lalaki habang kinakaway kaway sa mukha ko ang kamay niya.
Anyare dito? Baliw lang?
"Okay ka lang?" Pag aalalang tanong niya.
"Sino ka ba?" Masungit na balik ko sa kanya. Badtrip ako kaya ako nandito para magpagood vibes pero hanggang dito ba naman mukhang may mangungulit sakin.
"I'm Ashton." Nakangiting sagot niya.
"Oh ano naman ngayon?" Mataray kong tanong.
"Haha. You're Summer right? Ako to, si Ashton. Yung batang tinulungan mo dati."
Ano?
Anong sinabi niya?
Ano ulit yung sinabi niya? Siya yung ano???
"Ano kamo?" Tanong ko ulit.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Bingi ka pa rin hanggang ngayon. Haha." May sapi ba 'to? Kelan ako nabingi nung bata ako?
"Ulol!" Inis na sagot ko tapos ay tumayo na ako at maglalakad na para umuwi pero nagsalita siya ulit.
"Hey! San ka pupunta?" Pigil na tanong niya sakin.
"Uuwi na." Tipid na sagot ko.
"Hahaha! Summer, hindi mo ba ako natatandaan?" Tandang tanda ko yung batang tinulungan ko dati, pero bakit parang hindi ko nakikita sa kanya ang batang iyon?
"Hindi."
"Sige na nga. Magpapakilala ako sa'yo ng pormal." Bahagya pa siyang nag ayos ng pagkakatayo bago muling nagsalita. "Hi Summer. I'm Ashton, ako yung batang tinulungan mo dati." Nilahad niya ang mga palad niya para makipagkamay pero hindi ko iyon tinanggap.
"Saan kita tinulungan?"
"Ah. Sa Makabebe's Hospital. Pinagtulungan ako ng mga bully doon. Tapos bigla kang dumating at tinulungan mo ako." Malapad ang mga ngiti niya habang nagsasalita.
Hindi ko alam kung bakit parang nagdududa ako sa mga sinasabi niya kaya nagtanong pa din ako.
"Ano ang ginawa ko para matulungan kita?" Pakiramdam ko nag iinterview ako ng empleyado. Haha! Bakas naman sa mukha niya ang pagkabigla sa tanong ko sa kanya.
"Ah. Hahaha. Nakalimutan ko na, alam mo naman, mga bata pa tayo noon. Hahaha" Sabi niya habang nagkakamot sa ulo.
"Nasan yung I.D ko?" Pag iiba ko ng tanong.
"Bakit mo hinahanap sakin? Kakarating ko lang ah.. Hahaha!" Baliw ba ang taong to? Alam na alam ko na yung batang tinulungan ko dati ang nakapulot ng I.D ko. Magsasalita na sana ako kaso nagsalita siya ulit.
"Ito naman jinu-joke ka lang eh. Haha. Nasa bahay, gusto mo dalhin ko bukas?" Nakangiti pa ding sagot niya.
Siguro naman sapat na ang sinabi niya para maniwala ako sa kaniya.
"Sige. Pag wala kang dala bukas, uupakan kita." Seryoso kong sagot pero deep inside, gusto kong matawa sa itsura niya.
Ito na ba talaga ang batang tinulungan ko?
Omg! Ang gwapo niya.