Nagmumukha na akong tanga dito pero okay lang, basta para sayo Awawa ko maghihintay ako.
"Omyg! Si Ex oh."
"Waaah! Hi ex!"
"Ex, good morning!"
"Look girls, he's so gwapo talaga!"
Iilan lang yan sa bulungan ng mga babaeng nakikita ako habang papasok sila sa school.
"Tabi nga diyan girls. Ehem, Hi Ex." sabi naman ng isang lumapit pa talaga sakin para magpapansin. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti.
Hindi ko kayo kailangan, tss. Si Summer lang sapat na sakin.
'Lintik naman! Nasan na ba ang babaeng yun?' Paghihimutok ko habang sinisipa-sipa ang maliliit na bato sa baba.
Nasa ganun akong posisyon nang may makita akong pamilyar na babae na naglalakad na parang wala sa sarili.
Naglakad ako sinundan ko siya.
'Ano ba namang babae to, hindi man lang napansin presensiya ko. Tss.' Inis na reklamo ko sa isip ko.
"Psst!" Dedma.
"Hoy!" Dedma again.
"Hoy, ano ba?!" Pasigaw na ako magsalita pero mukhang wala yatang balak lumingon ang babaeng 'to.
"My Girl!" Sigaw ko pa.
'Lumingon ka please. Lumingon ka.' Hiling ko sa isip ko.
Mukhang hindi naman ako nabigo dahil napahinto siya sa paglalakad tapos ay tumingin sa likod.
Yieee.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Anyare sa'yo?!" Kunot noo niyang tanong.
Ang cute niya talaga kahit nagsusungit siya. Hehehe
"Kung hindi pa kita tawaging My Girl hindi ka pa lilingon. Crush mo na ako, noh?" Abot tengang ngiti ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapangiti lalo na nang tinawag ko siyang My Girl tapos napalingon siya. Hays. May sarili yatang utak itong bibig ko at automatic na napapangiti kapag siya na ang kaharap ko.
"Hoy! Wag kang assuming!" Sigaw niya tapos ay bigla akong lumapit at humarap sa kanya.
Tae. Amoy chewing gum?
Hahaha! Okay lang yan, ang bango naman. Weird talaga 'tong babaeng mahal ko.
"Naks! Ang bango na ng hininga ah! Hahaha!" Nakatawang sabi ko.
"Yak Xyrus! Ano ba? Bakit nilanghap mo ang hininga ko ha? Adik ka na ba?!" Napansin niya pa yun?
"Anong sabi mo? Nilanghap? Anak ka ng tomboy talaga no? Ikaw ang assuming! Sinong gustong makalanghap ng bibig mong amoy chewing gum?!" Sigaw ko.
Sorry Summer, kailangan kong inisin ka para huwag lumaki ang ulo mo kapag nalaman mong may gusto ako sa'yo.
"Eh paano mo nalaman na amoy chewing gum kung hindi mo inamoy? Aber?" Paano nga ba? Eh inamoy ko nga talaga kasi. Tsk!
"Hay naku Awa--Summer.. Summer, magkaiba ang inamoy sa naamoy okay? Okay? Ang laki kasi ng bunganga mo kaya ko NAAMOY! Wag kang feeling." Sigaw ko.
Muntik ko na siyang matawag na awawa. Damn! Buti na lang parang hindi niya nahalata.
Mag ingat ka kasi Xyrus!
"Eh di wow!" Naisagot niya. Buti nalang talaga magaling akong lumusot.
"Talagang wow! Teka, bakit ba ang tagal mo ha?!" Pasigaw na tanong ko.
"Ano naman sa'yo? Siguro hinihintay mo ako, noh?" Patay ulit! "Sabi na nga ba eh, ikaw itong may gusto sakin. Hahaha!" Panunukso niya.
"H-Hindi ah! Asa ka!" Pagsisinungaling ko.
"Bakit nauutal ka?" Tapos ay lumapit siya sakin, yung sobrang lapit.
"H-Hoy! Wag ka ngang l-lumapit!" Sabay tulak ko sa kanya pero yung mahina lang. "Ang baho ng hininga mo!" Kunwari'y inis na sigaw ko.
"Sabi mo kanina ang bango ng hininga ko?" Panunukso niya ulit habang ngingiti ngiti.
"Wala akong sinabi! Kung meron man, j-joke lang yun! Saka mali ka lang ng dinig!" Sigaw ko.
"Tss! Okay." tipid na singhal niya tapos ay tinalikuran ako at naglakad na.
"Hoy!"
"Hoy babae ano ba?!" Sigaw ko ulit habang sumunod sa kanya.
"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?!" Pagalit na tanong niya saka tumigil sa paglalakad.
"Eh nang iiwan ka kasi eh!" Nakanguso kong sagot.
"Ano naman sa'yo? Dapat ba magkasabay tayong maglakad?"
"Oo! Baka nakakalimutan mong girlfriend kita, at boyfriend mo 'ko!" Pagpapa-alala ko sa kanya.
"Wag kang mag alala, hindi ako madaling makalimot." Seryosong sagot niya tapos ay naglakad na ulit.
"Good! Nagpapa-alala lang ako." Nakangiting sabi ko tapos ay sabay na kaming naglakad papasok.
SUMMER's POV
Mabilis na nagdaan ang ilang araw, linggo, buwan. Pero ang sitwasyon namin ni Xyrus ay katulad pa din ng dati. Lagi niya akong inaasar, iniinis, binabadtrip, pero pag binabara ko naman parang natutulala sa kagandahan ko. Ewan ko ba, kahit ganun sakin ang lalaking yun, parang nahuhulog na ang loob ko sakanya. Masaya siya kasama kahit wala kaming ibang ginawa kundi magsigawan. Weird ayt. Psh
"Iba yata ang dating ng Summer ngayon ah." Pagbasag ni Red sa katahimikan. Kaya agad akong napatingin sakanya.
Nasa garden kami sa may flagpole banda, wala kasi kaming teacher kaya dito namin naisipang tumambay.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko na napatingin pa ako sakanya.
"Ibang iba na ang Summer na kilala ko ngayon kumpara nung bago ka mag drop out sa school." Nakangiti niyang tugon.
"Diretsuhin mo nga ako Pula." Kunwari'y inis na sabi ko.
"Alam kong masaya ka ngayon lalo na kapag kasama mo ang ex ng bayan.."
"Nick name niya yun." Pagtatanggol ko kay Xyrus.
"Haha! Ngayon ko lang din nalaman na tinatanggol mo na din pala siya." Kahit ako nabigla sa sinabi ko. Pero ano naman? Wala akong nakikitang masama sa sinabi ko.
"Tsk!"
"Teka, alam niya ba ang tungkol sa sitwasyon mo?" Seryosong tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot.
Bukod kasi sa Papa ko, alam din nitong si Red ang tungkol sa kalagayan ko.
"So, hindi niya nga alam.." Tatango-tangong sabi nito.
"Wala akong nakikitang rason para malaman niya pa."
"Wala nga ba?" Paniniguro niya. Parang hinuhuli ako ng Pulang 'to ah.
"Siguro? Ewan. Hindi ko alam. Saka, okay na 'ko ngayon no?" Pilit ang ngiting sagot ko.
"Pansin ko nga. Ang kulit mo na eh." Sagot niya tapos ay ginulo ang buhok ko.
"Pula naman, ginugulo mo ang buhok ko niyan eh!" Reklamo ko.
"Haha. Ang cute mo kasi."
"Alam ko." Mayabang na sagot ko.
"Tara na nga, baka malate pa tayo sa next subject natin.." Pag yaya ko sakanya. Tatayo na sana ako pero muntik nako matumba dahil bigla akong nahilo.
"Summer, ayos ka lang?" Pag aalalang tanong niya habang inaalalayan ako.
"I'm okay. Teka, lumindol ba?" Seryosong tanong ko.
"Hindi. Bakit? May masakit ba sayo? Tara dalhin na kita sa ospital."
"Hahaha! Ang OA mo naman Pula. Binibiro lang kita eh. Tara na nga." Pagyaya ko ulit.
XYRUS JAVI's POV
"Hoy tol! Nakita mo ba yung awawa ko?" Tanong ko kay Steven nang bumalik ako sa classroom.
"Hanapan ba ako ng mga nawawala?" Pabalang na sagot niya. Lintik! Ang ganda ng tanong ko eh. "San ka ba galing?" Pahabol na tanong niya.
"Naghanap ng wala!"
"'Di nga??"
"Ewan ko sa'yo, gago!" Inis na singhal ko.
"Hahaha! 'To naman hindi na mabiro. Bakit mo ba kasi hinahanap?" Malamang hindi ko makita. Engot!
"Gusto ko siyang asarin eh, ang cute niya kasi."
"Ganun? Oh edi malamang nandun lang yun sa classroom nila." Nakangusong sagot niya pa.
"Ang alam ko kasi wala si Mam Pep's kaya alam kong wala silang lecture ngayon, pero nung pumunta ako sa room nila, wala naman siya dun. Kainis!" Pagrereklamo ko na parang bata.
"Baka naman absent?"
"Hindi naman daw eh." Siguradong sagot ko dahil nagtanong tanong na ako sa mga classmate niya.
"Baka nag cr lang? O kaya may binili sa canteen?" Sabi niya na tila nag iisip-isip pa.
"Anak ng may binili! Mag iisang oras ako tumambay dun, ano tumambay siya sa canteen o kaya sa cr?!"
"Malay mo 'diba?"
"Ewan ko sa'yo Daylisan!"
"Teka, bakit parang sakin ka nababadtrip? Hahaha! Hanapin mo dun sa may garden, dun tambayan ng mga magjojowa, baka nandon kasama jowa niya. Hahaha." Anong sabi niya? Nang iinsulto ba siya?
"Panong magiging nandon eh nandito ako. Ako ang boyfriend niya tol! Ako!"
"Edi ikaw na. Hahaha! Grabe! Iba pala talaga tamaan ang Valderama, hanep! Di lang makita ng ilang oras, napapraning na."
"Bahala ka nga diyan! Hindi ka nakakatulong eh!" Tapos ay nilayasan ko na siya.
"Hoy! Tignan mo pa din sa garden, baka nandun nga. Hahaha!" Tumatawang pahabol niya. Inis! Ano namang gagawin niya sa garden, eh nandito ako!
Pero dahil nadin sa kuryusidad, pumunta pa din ako sa garden.
'Bakit magkasama silang dalawa? Tangna! Dapat ako ang kasama niya hindi yung lalaking mukhang unggoy na yun!'
'Ito namang babae to, mukhang enjoy na enjoy pa! Hindi man lang inisip na may boyfriend na siya!'
Nakita kong tatayo na si Summer kaya agad akong tumalikod, pero muli din akong humarap.
Sa muli kong pagharap ay nanlaki ang mga mata ko.
Nakita kong nakahawak na yung unggoy sa bewang ni Summer. Nakakapang init ng dugo! Kaya hindi ko na napigilang panuorin lang sila. Lumapit ako at sumigaw.
"Hoy!"
Tumingin naman agad sila sa akin dahil sa ginawa kong pagsigaw.
"Xy..Xyrus?" Si Summer.
"Ako nga! Anong ginagawa niyo ha? Dito pa talaga kayo naglalandian sa school?!" Pagalit na tanong ko. Nilamon na ako ng inis kaya wala na akong pakialaman kung may mga taong nakakakita man o wala.
"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Summer.
"Pare. Nagkakamali ka---"
"Pare? Ha!" Pasigaw ko. "Wag mo 'kong tatawaging pare dahil hindi kita kaibigan!" Sigaw ko ulit sa kasama ni Summer.
"At ikaw namang babae ka, makikipaglandian ka lang naman pala, dito pa sa...dito pa talaga sa school??!"
*BOOOOOOOOOGSH!*
Sinuntok niya ako. Imbis na sampalin, sinuntok ako ni Summer. Hindi ako nasaktan sa suntok niyang iyon, pero nasaktan ako sa sinabi niya..
"Hindi ko alam na ganyan pala karumi ang laman ng kukote mo? Dapat sana nagtanong ka muna! Ay, oo nga pala nagtanong ka, pero hindi mo kami binigyan ng pagkakataong makasagot! Pwede ba Xyrus? Tigil tigilan mo yang mga pinaggagagawa mo, dahil hindi ka nakakatuwa!" Mahabang paliwanag niya bago niya ako tinalikuran.
"Sum-mer." Mahinang utal ko.
"Wag ka kasing sugod ng sugod na hindi mo naman pala alam ang totoong nangyari." Sabi naman nung unggoy na kasama niya tapos ay umalis na din.
's**t!' Inis na sinipa ko ang mga dahong nagkalat sa baba.
'Siya pa talaga may ganang magalit? Hindi niya man lang inisip na boyfriend niya ako kaya may karapatan akong magalit?! Badtrip!'