Bakit kasi pinapasok ko pa siya sa kwarto ko? Grr!
FLASHBACK
"Kuya, what's this?" turo niya sa hawak niyang...
"It's so mabago..smells chocolate. What kind of balloon is this?" Wtf! Nataranta naman ako dahil hindi ko iyon inaasahan, taba pa naman ng utak ng batang ito. Ano sasabihin ko?!
Ah. Alam ko na!
"Ah. Hahaha. Project namin yan sa science, experiment thingy.. don't touch it, it's dangerous." Hindi ko alam kung san ko napulot ang mga sinabi ko. Bahala na.
"Ah." Sagot niya habang tumatango.
Yes. Nalusutan ko!
"Give me that." Pag aagaw ko sa hawak niya pero umiwas siya.
"No, I want this." Wtf! "I wanna experiment too." Nakangiti niyang sagot.
"Xander! Give me that!" Sigaw ko.
"No!"
"Xander it's...it's condom for pete's sake!" Bulalas ko. Lintik! Sana lang wala siyang alam sa condom kung hindi, I'm dead!
Ngumiti ito ng nakakaloko. "I knew it."
"Huh?" Kunot noo kong tanong.
"I know what condom is. Nakita ko sa internet. Lagot ka kay Mommy." Pananakot niya sakin sabay takbo palabas ng kwarto ko.
"Ugh! XANDER!!!"
End of FLASHBACK
Kaya heto ako ngayon, sunod-sunuran sa magaling kong kapatid!
Pagkahatid ko sa magaling kong kapatid, dumiretso na ako sa school namin. Hindi ko naman inaasahan na wala pa palang tao dito kaya tinawagan ko na lang tropa ko.
*calling Steeeve Daylisan*
"Hoy Daylisan, where are you?" Sigaw ko sa kabilang linya.
"Nasa bahay, bakit? Teka nga, stop calling me Daylisan!"
"What ibur! Dalian mo diyan at pumasok ka na!"
"Huh?"
"Anong huh? Ang bakla mo gago! Dalian mo at nandito na ako sa school!"
"Hala. Di nga?"
"Oo nga."
"For real???"
"Lintik na. Oo nga.!"
"Bakit... Teka. Hahaha! Bakit ang aga mo naman? Excited kang makita ang crush mo no? O.A ha? Hahaha. Yay! Inlababo ka na tol!"
"Hindi yun ganun. Inis! Yung magaling kong kapatid kasi nagpahatid pa sakin sa school niya. Lintik na iyan! Hindi ko tuloy nadaanan si Summer. Tsk!"
"Oh talaga? Himala yata at hinatid mo? Haha. Oh eh 'di umagang umaga badtrip ka?"
"Hindi ba halata? Bilisan mo na nga at samahan mo ako dito, katakot dito, hoy! Ako pa lang mag isa."
"Ewan ko sa'yo Valderama! Ang tanda tanda mo na, pinapatulan mo pa kasi yang 10 years old mong kapatid. Pati tuloy ako dinadamay mo sa kalokohan mo!"
"Puro ka sermon eh. Hoy! Hindi kita nanay!"
"Aw. Okay sabi mo eh. Bye!"
"Hoy teka! Dalian mo na kasi."
"Tsk! Kalalaking tao takot magsolo! 'Ge na, babangon na ako."
"Anak ng?! Nakahilata ka pa ba?!"
"Malamang, eh 5:30 pa lang. 8 pa ang pasok natin, ulol!"
"Hays! Oh sige na, dalian mo ah! Bye."
"'Ge. Nga pala sino yang nasa likod mo?"
"Anong nasa likod?" Awtomatiko naman akong napatingin sa likod ko. "Daylisan wala naman ah! Ako lang mag isa dito!"
"Eh sino yung mahaba ang buhok na nasa second floor?"
"Tangna naman Daylisan! Wag mo 'kong takutin! Bilisan mo na!"
"PfHahahaHahaha! Oo na, sige na. Hahaha. Babush."
*toooot toooot toooot*
Bakit naman kasi dumiretso agad ako dito?! Hindi ko naman kasi napansin yung oras. 6am kasi pasok ng kapatid kong demanding. Sakin pa talaga nagpahatid may school bus naman siya. Inis!
SUMMER's POV
*kriiiiiiiiiiiiiing*
"Aaah. Inaantok pa ko." Sabi ko sa sarili ko habang kinakapa ang alarm clock para patayin.
"Ang bilis naman ng oras, parang kanina matutulog pa lang ako eh." Paghihimutok ko.
Pero dahil kailangan kong pumasok, bumangon pa din ako at agad kong ginawa ang daily rituals ko. Pagkatapos ay bumaba na rin ako para mag almusal.
"Good morning Pa." Bati ko kay Papa habang naghahanda siya ng breakfast namin.
"Oh anak tamang tama ang baba mo, halika na at kakain na tayo."
"Sige po." Sabi ko sabay upo.
"Kamusta kalusugan mo? Wala ka naman bang ibang nararamdaman?" Tanong niya habang kumakain na kami.
"Wala naman po Pa, bakit po?"
"Mabuti naman anak, wala lang. Gusto ko lang na okay ka." Nakangiting sagot niya. "Nga pala anak, kamusta na kayo ng boypren mo?" Iniwasan kong mabilaukan sa tanong niya pero nasamid naman ako.
"Oh, anak ayos ka lang? Heto, tubig oh." Pag abot niya sakin ng tubig.
"Papa naman eh, nakita na pong kumakain ako. Hmp!" Nanlaki naman ang mata nito dahil sa sinabi ko.
"Bakit Summer? May ginawa bang hindi maganda sa'yo yun? Ano? Pinaiyak ka ba niya?" Dire-diretsong tanong niya.
'Hindi naman pa, ninakaw niya lang naman ang unang halik ko. Kainis!' Pero syempre sa isip ko lang yun sinabi.
"Ah, hehe. Wala naman po. Ang bait niya nga po sakin eh!" Sarkastikong sagot ko.
"Mabuti kung ganun. Sabi ko naman sa'yo, gusto ko ang batang iyon para sa'yo." Proud na sabi niya.
'Edi kayo nalang sana papa magong mag jowa. Tss!' Sagot ko ulit sa isip ko.
Mabilis naman akong natapos kumain at nagpaalam na aalis na.
"Oh Nak, hindi ka ba susunduin ng boypren mo?" Pahabol na tanong niya habang palabas na ako ng bahay.
"Hindi po."
"Ganun ba?" Malungkot na sabi nito. "Oh sige, ihahatid na lang kita." Pagpiprisinta niya.
"Wag na po Pa, kaya ko naman sarili ko eh."
"Wag ng matigas ang ulo anak, pumasok ka na sa kotse ko at ihahatid na kita."
"Kaya ko naman kasi sarili ko eh." Nakanguso ko pang dahilan.
"Anak naman, alam mo naman na mahal na mahal ka ng Papa mo diba? Kaya pakiusap lang, makinig ka sa Papa mo."
Napatungon na lang ako. "Opo Pa, I'm sorry." Sagot habang ngumunguya ng chewing gum.
"Sige na, pumasok kana sa kotse and please Summer Anak, 'wag ka ngang mag chewing gum, nakakasira ng ngipin yan." Tumango nalang ako bilang tugon para hindi na humaba pa ang usapan.
Nang makarating sa school.
"Oh, mag behave okay? Kung hindi ka maihahatid ng boypren mo, tumawag ka agad sakin para masundo kita okay?" Mahabang bilin nito sakin.
"Yes Master." Natatawang sagot ko.
"Enjoy ka Nak." Nagwave ako sa kanya paglabas ko ng kotse tapos ay naglakad na ako papasok sa school.
"Hoy!"
"Hoy! Ano ba?!" Teka, may natawag ba sakin?
"My Girl!" Ano daw? Tumingin ako sa likod ko tapos ay tumambad sakin ang mukha ni Xyrus na abot tenga ang ngiti.
Anyare dito? Naulol na ba?
"Anyare sa'yo?" Curious na tanong ko.
"Kung hindi pa kita tawaging My Girl hindi ka pa lilingon, Yie. Crush mo na ako, noh?" Ngingiti-ngiting tanong niya.
"Hoy! Wag kang assuming!" Sigaw ko tapos ay bigla siyang lumapit at humarap sakin. Teka, tama bang nakita ko? Nilanghap niya ang...
"Naks! Ang bango na ng hininga ah! Hahaha!"
"Yaaak Xyrus! Ano ba? Bakit nilanghap mo ang hininga ko ha? Adik ka na ba?!"
"Anong sabi mo? Nilanghap? Anak ka ng tomboy talaga no? Ikaw ang assuming! Sinong gustong makalanghap ng bibig mong amoy chewing gum?!" Sigaw niya. Obvious na obvious na di-deny pa. Tsk.
"Eh pano mo nalaman na amoy chewing gum kung hindi mo inamoy? Aber?" Panghuhuli ko sa kaniya na parang ikinamula naman niya.
"Hay naku Awa--Summer..Summer, magkaiba ang inamoy sa naamoy, okay? Okay? Ang laki kasi ng bunganga mo kaya ko NAAMOY! Wag kang feeling."
"Eh di wow!" Walang gana kong sagot.
"Talagang wow! Teka, bakit ba ang tagal mo ha?!" Pasigaw na naman niyang tanong.
"Ano naman sa'yo? Siguro hinihintay mo 'ko no?" Hindi siya nakasagot.
"Sabi na nga ba eh, ikaw 'tong may gusto sakin. Hahaha!" Panunukso ko.
XYRUS JAVI's POV
"Daylisan naman bakit ang tagal mo?!" Inis na reklamo ko kay Steven nang dumating ito.
"Traffic sa daan eh." Nagkakamot sa ulong sagot niya. "Kamusta mag isa dito? Mag ghost hunting kaya muna tayo?"
"Mag ghost hunting ka mag isa mo! Doon muna ako sa canteen, mas naunang nagbubukas yun eh."
"Sigurado ka ba? Bali-balita may batang nagpapakita daw dun. Sige na, mauna kana sa canteen."
"Huta naman Daylisan! Samahan mo na ako! Hindi pa 'ko kumakain!"
"Eh ikaw pala 'tong bakla eh! Hahaha! Anong oras na ba?" Sabay tingin sa relos niya. "6 o'clock na. Magbubukas na yun, tara na nga."
Pumunta naman na kami sa canteen at sakto lang na bubukas na ito kaya tumambay na din muna kami.
"Good morning Mr. Valderama, Mr. Vasquez...Masyado naman yata kayong maaga?" Nagtatakang tanong ni ate na taga canteen.
"Ah. Haha! Siya lang po." sabay turo sakin ni Steven. "Dinadamay lang ako. Iba po talaga ang tama kapag inlababo, nakakagawa ng milagro. Hahaha!"
"Gago!" Sigaw ko sa kanya.
"Kaya naman pala laging blooming si Ms. De La Vega." Nagkatinginan kami ni Steven sa sinabing iyon ni ate.
"Ay, hindi na po siya ang girlpren nitong si Ungas. Haha!" Natatawang sabi ni Steven.
"Ganun ba? Mabuti naman. Ang maldita naman kasi nung Ms. De La Vega na yun."
Nagkatinginan kami ni Steven bago kami sabay na tumawa.
"Karing... Tama na diyan, tulungan mo ako dito sa niluluto ko." Sigaw ni Aling ano sa kusina.
"Opo. Osige na, mag order nalang kayo kung kakain kayo." Tapos ay iniwan niya na kami.
Mabilis na lumipas ang ilang minuto, nagsisidatingan na din ang ibang estudyante at nakakain na rin ako pero ang gusto kong makita ay hindi ko pa nakikita.
"Tol, ayos ka lang? Ba't panay ang tingin mo sa relos mo?" Tanong ni Steven sa may gilid ko.
"Anong oras na oh, bakit wala pa yata si Summer. Inis!"
"7:00 pa lang ungas, wag kang excited. Nagmumukha kang natatae eh. Hahaha!"
So ayun, naghintay pa ako ng ilang minuto.
After 30 mins..
"Lintik! Nasan na ba ang babaeng yun!" Paghihimutok ko.
"Baka nagpapaganda pa---" Sagot ni Steven.
"Tsk! Hindi naman niya kailangang magpaganda pa kasi maganda na siya sa paningin ko." seryosong sabi ko.
"Nagpapaganda sa iba! Hindi pa nga ako tapos magsalita sumasabat kana agad. Haha!"
"Siraulo ka! Wala namang ibang magkakagusto dun kundi ako lang! Ako lang kasi 'tong ginayuma niya." Kunwari'y reklamo ko.
"Ginayuma daw. Wushu! Wag ako Valderama! Ang sabihin mo, siya lang ang nagustuhan mong hindi ka gusto! Real talk na yan Tol. Haha!"
"Ewan ko sa'yo Daylisan. Hindi ka nakakatulong eh!"
"Tamo Tol, bilib din talaga ako kay Summer eh, no? Naging sikat agad tayo sa school na ito mula nang magtransfer tayo last year, at halos lahat kilala tayo, pero si Summer? Parang walang pakialam. Ni hindi nga tayo kilala eh. Haha. Tsaka pansin ko din, siya lang ang babaeng pinagtyatiyagaan mong hintayin not knowing na may hinihintay ka. Unlike nung kayo pa ni Cassey, siya palagi ang pinaghihintay mo." Mahabang paliwanag niya. Napaisip din ako saglit sa sinabi niyang iyon. Steven's right. Magsasalita na sana ako pero nagsalita siya ulit.
"Ang cute mo pagmasdan Pare, alam mo ba?" Seryosong sabi niya ulit.
"Gago! Tigilan mo ako sa mga salita mong ganyan, nakakatakot ka!"
"Hahahahaha!"
"Diyan ka na nga!" Sabay tayo ko.
"Uy, saan ka pupunta?" Pahabol na tanong niya.
"Doon sa gate! Maghihintay sa forever ko!" Pasigaw na sagot ko.
Narinig ko pa siyang tumawa. Baliw talaga.
"Nasan ka na bang babae ka?! Kainis naman! Bakit ang tagal tagal mo?!" Kausap ko sa sarili ko habang nakatayo sa may gate.