STEVEN's POV
Kakatapos lang namin mag usap ni Xyrus pero heto at may isang caller na naman ako.
*Cassey De La Vega's calling*
"Hello?"
["Hello Steve."]
"Oh Cassey, ano atin? Hehehe."
["Steve, can we talk?"]
"Nag uusap na tayo, hehehe"
["I want in person, pretty please?"]
Ano naman kayang kailangan nitong babae na 'to?
"Okay sige."
["Thank you, let's meet nalang at the coffee shop near Chuchu store. Bye."]
Hindi ko na nagawang makapagsalita na dahil binabaan niya na ako.
Great.
So, dahil wala naman akong ginagawa ay naligo na ako at umalis na ng bahay para pumunta sa tinutukoy niyang lugar.
Nang maipark ko na ang kotse ko, agad ko siyang napansin sa loob. Cassey is beautiful, hot and sexy. Mabait din naman siya, yun nga lang maarte, spoiled brat kasi.
"Hi Cassey." Nakangiting bati ko sa kanya nang makalapit na ako.
"Hello, have a seat."
"Wait, order lang ako." Sabi ko na akmang aalis na pero pinigilan niya ako.
"No need, I'm busog pa naman eh."
"If you say so," nakangiting sabi ko tapos ay umupo na ako. "So, ano gusto mo pag usapan natin?"
"Hahaha!" Bigla siyang natawa kaya napatingin ako sa kanya. "Hahahaha!" Tawa pa din siya ng tawa hanggang sa may tumulo ng luha sa mga mata niya.
"Hey, are you alright?"
"I'm not.." Sagot niya habang umiiyak.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at iniabot sa kaniya. "Here."
"Thanks but no thanks, I have my own handkerchief." Pilit ang ngiti niya habang nagsasalita.
"Ah okay."
"So, how's my boyfriend huh? Already flirting with the stupid b***h?" Natatawang sabi niya.
Stupid? b***h? Si Summer ba ang tinutukoy niya?
"Are you referring to Summer?" Mahinahon kong tanong.
"So, you know her din pala?" Maarteng sabi niya. "Tell me, since when?" Pahabol niyang tanong.
"Huh?" Kunot noo ko namang tanong.
"Since when..when they met?" Cassey asked.
Napatitig muna ako sa kanya bago nagsalita.
"Summer, is the long lost childhood crush of Xyrus.." Panimula ko. Napanganga naman siya sa sinabi ko.
"That b***h is the?---Come on Steve, you must be kidding."
"No I'm not."
"How?" Curious niyang tanong. Kaya kinuwento ko na sa kanya lahat ng sinabi sakin ni Xyrus.
"So, ganun pala." Tumatango niyang sabi. "Ganun na lang ba ako kadaling palitan? Do I deserve this???" May galit sa tono ng boses niya.
"Cassey, we all know na ikaw ang unang nang iwan. Hindi si Xyrus, wake up young lady!" Inis na singhal ko.
Naging girlfriend siya ng kaibigan ko kaya itinuring ko na rin siyang kaibigan pero nung nawala siyang parang bula, hindi ko na alam kung tama ba itong pinagbigyan ko siyang mag usap kami ngayon.
Simula pa lang, alam niya na na may childhood crush si Xyrus pero tinanggap niya sa pag aakalang hindi na magkikita ang dalawa. Pero ngayon ano 'to? Bigla siyang babalik at aarte siya na parang siya ang nawalan? Ngayong nakikita kong masaya na ulit si Xyrus?
Bullshit!
'Hindi mo alam na parang tangang naghihintay si Xyrus sa'yo nang iniwan mo nalang siya ng walang paalam!' Sabi ko sa isip ko. Parang gusto ko siyang sumbatan dahil sa inaasta niya ngayon.
Napatigil ako sa pag iisip nang magsalita siya ulit.
"That Summer doesn't have an idea who the hell is Xyrus, right?" Pasimple niyang tanong.
"As of now, pero alam kong sasabihin din naman yun ni Xyrus sa awawa niya." Natatawang sabi ko nang maalala ang cute na tawagan nila.
"Ew!" Nandidiring saad naman niya.
"Huh?"
"Awawa? Seriously?" Sarkastikong tanong niya.
"Instead of asawa, awawa ang endearment nila nung mga bata pa lang sila." Tuluyan na akong natawa. "Cute right?"
"Tss. Weirdo." Bulong niya.
CASSEY's POV
"Tss. Weirdo." I murmured but I noticed na napatingin sakin si Steven.
"Oh, I forgot..I have something to do pa pala.. I have to go na okay? Bye." Tumayo agad ako to leave. I know nagulat siya sa bigla kong pag alis but I don't care.
Hindi pa man ako nakakalayo, inilabas ko na ang cellphone ko para tawagan ang isang kaibigan.
"Hey. It's me Cassey, can we meet?"
STEVEN's POV
"Oh, I forgot..I have something to do pa pala.. I have to go na okay? Bye." Biglang paalam sakin ni Cassey. Seriously? Aalis agad siya?
"W-Wait..." Pahabol kong sabi pero mabilis na itong umalis. Naiwan naman akong nakatunganga.
"Anyare dun?" Bulong ko sa sarili ko.
Pinapunta-punta pa ako dito tapos mang iiwan lang din agad. Tsk. Mga babae talaga hindi mo maintindihan, paiba iba ang takbo ng isip. Wew!
Kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi na din.
SUMMER's POV
Badtrip na mga pabibe yan. Nagcommute tuloy ako pauwi. Kainis! Yun naman kasing lalaki na yun walang ibang ginawa kundi tumunganga! Hindi man lang ako sinundan nung mag walk out ako, asar talaga!
"Oh anak, ayos ka lang?" Bungad sakin ng Papa ko nang makauwi ako. Nagmano naman ako sa kaniya bilang pagbibigay ng galang.
"Opo Pa." Tipid na sagot ko. Pero mukhang hindi ito nakontento sa sinabi ko.
"Sigurado ka ba? Eh mukhang pagod ang dalaga ko ah." Paglalambing niya sakin. Hindi ko siya sinagot sa halip ay umupo lang ako sa sofa.
"Kamusta ang unang balik mo sa school, Nak? Magkwento ka naman." Nakangiti at excited na tanong nito.
"Okay naman Pa... Siguro? Ewan." Paiba-ibang sagot ko.
"Anak, ang bilin ko sa'yo ah? Wag na wag kang magpapagod. Kung ayaw mong bumalik sa---"
"Pa naman. Kakabalik ko lang po sa school, okay lang po ako, saka namiss ko 'tong school uniform ko." Nakangiti kong sagot habang sinusuri ang suot ko. Nag drop out kasi ako ng isang taon kaya ganito na lang mag react ang Papa ko.
XYRUS JAVI's POV
"Good morning handsome." Masayang bati ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.
Napalingon ako sa pinto nang narinig kong may kumatok.
"Kuya! Enough na po diyan sa pagpapacute niyo sa mirror! You look crazy lang. Come on, let's go po male-late na ako!" Sigaw ni Xander sa labas ng kwarto ko.
Lintik na bata 'to, ang gwapo-gwapo ng mood ko ngayon sisirain agad.
"Ewan ko sa'yo! Bahala ka diyan kung malate ka, hindi naman ako ang mapapagalitan ng teacher mo!" Pang iinis ko sa kanya.
"Ih! Kuya! Sumbong kita kina mommy!" Aba't nagbanta ang bata. As if matakot ako? Haha
"Go ahead little punk, gusto mo samahan pa kita?" Nakangisi kong paghahamon habang nakatingin pa rin sa itsura ko sa salamin.
"I'll tell Mom na you have condom. Bleeeh!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Anak ng! Lintik!
"Eto na, eto na. Lalabas na ako!" Inis na sagot ko. Bakit kasi pinapasok ko pa 'tong kapatid ko sa kwarto ko.